Bulkang Cagua

(Idinirekta mula sa Cagua Volcano)

Ang Bulkang Cagua ay isang stratovolcano na matatagpuan sa lalawigan ng Cagayan sa Pilipinas. Ito ay isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas at dalawang beses nang sumabog sa naitalang kasaysayan. Nangyari ang huling pagsabog nito noong 1907.

Bulkang Cagua
Bulkang Kagwa
Bulkang Cagua is located in Luzon
Bulkang Cagua
Bulkang Cagua
Bulkang Cagua is located in Pilipinas
Bulkang Cagua
Bulkang Cagua
Pinakamataas na punto
Kataasan1,133 m (3,717 tal)[1]
PagkalistaMga aktibong bulkan sa Pilipinas
Mga koordinado18°13′18″N 122°07′24″E / 18.22167°N 122.12333°E / 18.22167; 122.12333
Heograpiya
RehiyonCagayan
Magulanging bulubundukinSierra Madre
Heolohiya
Edad ng batoPleistocene
Uri ng bundokStratovolcano
Huling pagsabogOktubre 1907

Heograpiya

baguhin

Ang Cagua ay isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Cagayan sa Rehiyon ng Lambak ng Cagayan ng hilagang Luzon sa hilagang bahagi bulubunduking Sierra Madre. Ang bundok ay humigit-kumulang na 12 kilometro (7.5 mi) timog ng Gonzaga, Cagayan at 14 kilometro (8.7 mi) timog ng Port Irene sa Santa Ana, Cagayan.[2]

Heolohiya

baguhin
 
Isang talon sa bunganga

Ang aktibidad ng unang bahagi ng Pleistocene ay nagpasabog ng basaltikong andesita o effusive basalt. Ang bulkan ay natatakpan ng napakalaking daloy ng lava 600,000 hanggang 300,000 taon na ang nakalilipas. Nagkaroon ito ng aktibidad mula saphreatic na pagsabog hanggang sa daloy ng abo. Ang bulkan ay napapatong ng isang bungangang may 1.5 kilometro (1 mi) na lawak na minamarkahan ng matalim at matarik na pader.

Mayroon itong anim na mga mainit na bukal. Maasok malapit sa bunganga; Marafil sa hilagang-kanluran; Manaring, 5 kilometro (3.1 mi) hilaga-hilagang-silangan; San Jose, 10 kilometro (6.2 mi) hilaga-hilagang-silangan; Kabinlangan, 3 kilometro (1.9 mi) hilagang-kanluran at Paminta, 2 kilometro (1.2 mi) hilaga-hilagang-kanluran.[3]

Aktibidad

baguhin

Dalawang pagsabog sa kasaysayan ang naganap sa bulkan. Ang aktibidad noong 1860 ay isang phreatic na pagsabog ngunit posibleng sinundan ito ng isang pyroclastic flow. Ang panibagong pagsabog ay nangyari noong 1907.[4]

Tingnan din

baguhin

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "Cagua". Global Volcanism Program. Smithsonian Institution.
  2. "Cagua" Naka-arkibo 2018-10-12 sa Wayback Machine.. Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Retrieved on 2014-09-26.
  3. "Cagua". Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Retrieved on 2014-09-26.
  4. "Cagua". Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Retrieved on 2014-09-26.
baguhin
  • "Cagua Volcano Page". Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-17. Nakuha noong 2008-11-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)