Canosa di Puglia
Ang Canosa di Puglia, karaniwang kilala bilang Canosa (Canosino: Canaus), ay isang bayan at komuna sa lalawigan ng Barletta-Andria-Trani, Apulia, katimugang Italya. Matatagpuan ito sa pagitan ng Bari at Foggia, sa hilagang-kanlurang gilid ng talampas ng Murgia na nangingibabaw sa lambak ng Ofanto at ang malawak na kapatagan ng Tavoliere delle Puglie, mula sa Bundok Vulture sa Gargano, hanggang sa baybayinng Adriatico. Ang Canosa, ang Romanong Canusium, ay itinuturing na punong arkeolohikong sentro ng Apulia, at isa sa pinakamatandang patuloy na tinatahanan na mga lungsod sa Italya.[3] Ang mga plorera at iba pang mga arkeolohikong nahanap ay matatagpuan sa mga lokal na museo at pribadong koleksiyon. Hindi ito malayo sa posisyon sa Ilog Ofanto kung saan ang mga Romano ay nakatagpo ng kanlungan matapos ang pagkatalo ng Labanan ng Cannae, na libingan din ni Bohemundo I ng Antioquia.
Canosa di Puglia Canaus (Napolitano) | ||
---|---|---|
Comune di Canosa di Puglia | ||
| ||
Palayaw: La Piccola Roma ("Munting Roma"); "Ang Lungsod ng mga Prinsiper, Emeperador, at Obispo" | ||
Bansag: Città d'Arte e Cultura ("Lungsod ng Sining at Kultura") | ||
Mga koordinado: 41°13′N 16°4′E / 41.217°N 16.067°E | ||
Bansa | Italya | |
Rehiyon | Apulia | |
Lalawigan | Barletta-Andria-Trani (BAT) | |
Itinatag | 6000-3000 BC | |
Mga frazione | Loconia | |
Pamahalaan | ||
• Mayor | Roberto Morra (M5S) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 150.93 km2 (58.27 milya kuwadrado) | |
Taas | 105 m (344 tal) | |
Pinakamataas na pook | 249 m (817 tal) | |
Pinakamababang pook | 31 m (102 tal) | |
Populasyon (2018-01-01)[2] | ||
• Kabuuan | 29,847 | |
• Kapal | 200/km2 (510/milya kuwadrado) | |
Demonym | Canosini | |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
Kodigong Postal | 76012 | |
Santong Patron | Sabino ng Canosa | |
Saint day | Agosto 1 | |
Websayt | Opisyal na website |
Ang munisipalidad ng Canosa ay itinuturing na isa sa mga pangunahing sentrong arkeolohiko ng Puglia at kumakatawan sa isa sa mga pinakamahalagang kaso ng isang lungsod na may napakahabang pagpapatuloy ng mga pamayanan, na pinatunayan ng maraming arkeolohikong paghahanap.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Soprintendenza per i beni archeologici della Puglia, Marisa Corrente (a cura di) 1912 un ipogeo al confine: tomba Varrese: Canosa di Puglia, Palazzo Sinesi, 22 ottobre 2000, Canosa di Puglia, Serimed, 2001