Carini
Ang Carini (Latin: Hyccara o Hyccarum, Sinaunang Griyego: Ὕκαρα at Ὕκαρον[3] ) ay isang lungsod at comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Palermo, rehiyon ng Sicilia, Katimugang Italya, 12 milya (19 km) sa pamamagitan ng tren sa kanluran-hilagang kanluran ng Palermo. Ito ay may populasyon na 37,752.
Carini | |
---|---|
Comune di Carini | |
Mga koordinado: 38°8′N 13°11′E / 38.133°N 13.183°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Sicilia |
Kalakhang lungsod | Palermo (PA) |
Lawak | |
• Kabuuan | 76.6 km2 (29.6 milya kuwadrado) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 38,936 |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Websayt | Opisyal na website |
Kasaysayan
baguhinSinabi ni Timaeus, sa ikalabintatlong aklat ng kanyang gawaing Mga Kasaysayan, na tinawag itong Hyccara dahil ang mga unang lalaking dumating doon ay nakakita ng isang uri ng isda na tinatawag na hycae (Sinaunang Griyego: ὕκας). [4]
Naabot ng Hyccara ang pinakamataas na ningning nito sa ikalawang kalahati ng ika-5 siglo BK.[5] Ito ay naging isang mahalagang merkadong pandagat at sikat sa mga Puniko na nagdala ng maraming produkto at bakal na hindi kilala sa Sicilia. Sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Atenas at Siracusa matapos na dumating ang mga Ateniense sa Sicilia upang tulungan sina Segesta at Selinunte, mga kaaway ng Siracusa. Noong 415 BK, si Nicias kasama ang 5,000 mandirigmang Ateniense ay sumalakay at winasak ang Hyccara. Ang mga naninirahan dito ay inalipin at ibinenta sa palengke ng Catania, kabilang sa kanila ang batang babaeng si Lais, na kalaunan ay naging isang sikat na kortesana sa Corinto.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Stephanus of Byzantium, Ethnica, Y646.2
- ↑ Athenaeus, Deipnosophists, 7.324b
- ↑ Thucydides, History of the Peleponnesian War VI, 62, 3-4
Mga panlabas na link
baguhin- The Carini Exchange: Vital Records (Church & Civil) at the Wayback Machine (archived November 1, 2006)