Carlos I ng Anjou
Si Carlos I (unang bahagi ng 1226/1227 – 7 Enero 1285), karaniwang tinatawag na Charles ng Anjou, ay isang miyembro ng royal dinastiyang Capeto at ang nagtatag ng pangalawang Pamilya ng Anjou. Siya ay Konde ng Provenza (1246–85) at Forcalquier (1246–48, 1256–85) sa Banal na Imperyong Romano, Konde ng Anjou at Maine (1246–85) sa Pransiya; siya rin ang Hari ng Sicilia (1266–85) at Prinsipe ng Achaea (1278–85). Noong 1272, ipinroklama siyang Hari ng Albania; at noong 1277 ay bumili siya ng pag-angkin sa Kaharian ng Herusalem.
Charles I | |
---|---|
Itinalaga si Carlos bilang Hari ng Sicilia sa Roma (1265). | |
Tinunggali ni Pedro I mula 1282 | |
Panahon | 1266–1285 |
Koronasyon | 5 Enero 1266 |
Sinundan | Manfred |
Sumunod | Pedro I (pulo ng Sicilia) Carlos II (mga teritoryo sa kalupaan) |
Panahon | 1246–1285 |
Sumunod | Carlos II |
Panahon | 1246–1285 |
Sinundan | Beatriz |
Sumunod | Carlos II |
Panahon | 1278–1285 |
Sinundan | Guillermo |
Sumunod | Carlos II |
Asawa | Beatriz ng Provenza (m. 1246, d. 1267) Margarita ng Borgoña (m. 1268) |
Anak | Beatriz, Latinang Emperatris Carlos II, Hari ng Napoles Felipe Isabela, Reyna ng Unggarya |
Lalad | Anjou-Sicilia |
Ama | Luis VIII ng Pransiya |
Ina | Blanca ng Castilla |
Kapanganakan | Maagang 1226/1227 |
Kamatayan | 7 Enero 1285 (57–59 taong-gulang) Foggia, Kaharian ng Napoles |
Libingan | Katedral ng Napoles |
Ang bunsong anak nina Luis VIII ng Pransiya at Blanca ng Castilla, si Charles ay itinadhana para sa isang karera sa Simbahan hanggang sa unang bahagi ng 1240s. Nakuha niya ang Provenza at Forcalquier sa pamamagitan ng kaniyang kasal sa kanilang tagapagmana, si Beatriz. Ang kaniyang mga pagtatangka na ibalik ang sentral na awtoridad ay nagdulot sa kaniya ng tunggalian sa kanyang biyenang babae, si Beatriz ng Saboya, at sa maharlika. Tinanggap ni Carlos ang Anjou at Maine mula sa kanyang kapatid, si Luis IX ng Pransiya, sa intantazgo. Sinamahan niya si Luis noong Ikapitong Krusada patungong Ehipto. Hindi nagtagal pagkatapos niyang bumalik sa Provenza noong 1250, pinilit ni Carlos ang tatlong mayayamang nagsasariling lungsod—Marsella, Arles, at Avignon—na kilalanin ang kanyang pagkasakop.