Carthamus tinctorius
Ang kasubha (mula sa Sanskrito: कुसुम्भ [kusumbha]),(Ingles: safflower) o Carthamus tinctorius, isang uri ng carthamus na nasa pamilyang Asteraceae. Ito ay masangay, mala-damo, mala-dawag na taunang halaman. Itinatanim ito dahil sa mantika nito na hango sa mga buto nito. Ang mga halaman ay nasa 30 hanggang 150 sentimetro ang taas, na may mabilog na kumpol ng bulaklak na kadalasa'y may kulay pula, dilaw at kahel. Bawat sanga ay kadalasa'y may isa hanggang limang kumpol ng bulaklak, kada isa'y may 15 hanggang 20 buto. Ang kasubha ay katutubo sa mga tigang na klima na may pana-panahong pag-ulan. Tinutubuan ito ng malalim na punong-ugat, kaya nito nagagawang mabuhay sa klimang ito.
Kasubha | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Asterales |
Pamilya: | Asteraceae |
Sari: | Carthamus |
Espesye: | C. tinctorius
|
Pangalang binomial | |
Carthamus tinctorius |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Tropicos". Missouri Botanical Garden, St. Louis, MO. 2016. Nakuha noong 16 Hunyo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)