Casa Hidalgo
Ang Bahay ni Rafael Enriquez, na kilala rin bilang Casa Hidalgo, ay isang pamanang bahay na orihinal na matatagpuan sa Quiapo, Maynila, na pag-aari ni Rafael Enriquez, isang peninsular at pintor ng Espanya (1850-1937). Ang bahay ay itinayo noong 1867 - isa sa mga unang proyekto ni Arkitekto Felix Roxas y Arroyo. Ang ilan sa kanyang mga kilalang gawa ay ang Bahay ng mga Paterno at Bahay ng mga Zamora sa Quiapo, Maynila at ang Simbahang Santo Domingo noong 1867 sa Intramuros, Maynila. Gayunpaman, ang isang larawang inukit sa pangunahing poste, na nagsasaad ng "1807", ay nagpapahiwatig na ang bahay ay itinayo bago pa manirahan si Rafael Enriquez sa bahay. Natuklasan ito noong 2006 - kung saan ang bahay ay nawasak at inilipat sa Las Casas Filipinas de Acuzar, Bagac, Bataan.
Bahay ni Don Rafael Enriquez | |
---|---|
Iba pang pangalan | Casa Hidalgo |
Pangkalahatang impormasyon | |
Estilong arkitektural | Bahay na Bato |
Bayan o lungsod | Bagac, Bataan |
Bansa | Pilipinas |
Mga koordinado | 14°36′01″N 120°23′14″E / 14.600150°N 120.387140°E |
Sinimulan | 1867 |
Inayos | 2006 |
Teknikal na mga detalye | |
Bilang ng palapag | Dalawa |
Disenyo at konstruksiyon | |
Arkitekto | Felix Roxas y Arroyo |
Mga panlabas na kawingan
baguhin- Pahina ng Escuela de BellasArtes sa Las Casas Filipinas de Acuzar site