Ang Castel Volturno (bigkas sa Italyano: [kaˈstɛl volˈturno] ) ay isang komuna (munisipyo) sa Lalawigan ng Caserta sa rehiyon ng Campania sa Italya, na matatagpuan mga 35 kilometro (22 mi) hilagang-kanluran ng Naples at mga 35 kilometro (22 mi) kanluran ng Caserta sa ilog ng Volturno. Noong 2010 ang Castel Volturno ay pinanahanan ng 25,000 lokal at humigit-kumulang 18,000 Africanong bakwit. Noong 2019 mayroon pa ring humigit-kumulang 25,000 katao, tinatayang dalawang-katlo sa kanila ay mga imigrante.[4]

Castel Volturno
Comune di Castel Volturno
Lokasyon ng Castel Volturno
Map
Castel Volturno is located in Italy
Castel Volturno
Castel Volturno
Lokasyon ng Castel Volturno sa Italya
Castel Volturno is located in Campania
Castel Volturno
Castel Volturno
Castel Volturno (Campania)
Mga koordinado: 41°3′N 13°55′E / 41.050°N 13.917°E / 41.050; 13.917
BansaItalya
RehiyonCampania
LalawiganCaserta (CE)
Mga frazioneBagnara, Baia Verde, Borgo Domizio, Destra Volturno, Ischitella, Scatozza, Seponi, Villaggio Coppola Pinetamare, Villaggio del Sole.
Pamahalaan
 • MayorDimitri Russo
Lawak
 • Kabuuan73.95 km2 (28.55 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan25,847
 • Kapal350/km2 (910/milya kuwadrado)
DemonymCastellani
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
81030
Kodigo sa pagpihit0823 (communal seat), 081 (Villaggio Coppola Pinetamare)
Santong PatronSan Castrese
Saint dayPebrero 11
WebsaytOpisyal na website

Kasaysayan

baguhin

Sinaunang panahon

baguhin

Matatagpuan sa dulo ng kapatagan ng Campania sa huling sangay ng Mazzoni, ito ay pinanahanan muna ng Opici, pagkatapos ay ng mga Etrusko, na nagtayo ng lungsod ng Volturnum, at kasunod ng mga Osco. Ginampanan ng bayan ang tungkulin ng isang emporium, iyon ay, isang koleksiyon at pamilihan ng mga kalakal na ginawa ng buong mababang basin ng Volturno, at isang obligadong sangang-daan para sa mga gustong pumasok sa loob mula sa dagat at makarating sa daungan ng Casilunum sul Volturno at mula rito ang sinaunang lungsod ng Capua.

Mga pangunahing tanawin

baguhin
  • Kastilyo
  • Kapilya ng San Castrese
  • Torre di Patria, isang toreng pangmasid na itinayo noong ika-15 siglo

Matatagpuan ang sports center ng Società Sportiva Calcio Napoli sa Castel Volturno. Lumalahok ang Castelvoltruno calcio sa kampeonato ng Eccellenza Campania 2023/2024 pangkat A.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.
  4. Langer, Annette (2019-08-22). "(German) Menschenhandel in Italien: Wie die nigerianische Mafia Frauen versklavt". Spiegel Online. Nakuha noong 2019-08-22.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)