Castellammare del Golfo

Ang Castellammare del Golfo (Italyano: [kaˌstɛllamˈmaːɾe del ˈɡolfo]; Sicilian: Casteḍḍammari [kaˌstɛɖɖamˈmaːɾɪ]; Latin: Emporium Segestanorum o Emporium Aegestensium) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa Malayang Konsorsiyong Komunal ng Trapani, rehiyon ng Sicilia, Katimugang Italya. Maaaring isalin ang pangalan bilang "Muog Pandagat sa Golpo", na nagmula sa muog na medyebal sa daungan. Ang kalapit na anyong tubig ay kinuha ang pangalan nito mula sa bayan, at kilala bilang Golpo ng Castellammare.

Castellammare del Golfo

Casteḍḍammari (Sicilian)
Comune di Castellammare del Golfo
Lokasyon ng Castellammare del Golfo
Map
Castellammare del Golfo is located in Italy
Castellammare del Golfo
Castellammare del Golfo
Lokasyon ng Castellammare del Golfo sa Italya
Castellammare del Golfo is located in Sicily
Castellammare del Golfo
Castellammare del Golfo
Castellammare del Golfo (Sicily)
Mga koordinado: 38°01′35″N 12°52′50″E / 38.02639°N 12.88056°E / 38.02639; 12.88056
BansaItalya
RehiyonSicilia
LalawiganTrapani (TP)
Mga frazioneBalata di Baida, Scopello, Guidaloca, Fraginesi, Lu Baruni
Pamahalaan
 • MayorGiuseppe Fausto
Lawak
 • Kabuuan127.32 km2 (49.16 milya kuwadrado)
Taas
26 m (85 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan15,209
 • Kapal120/km2 (310/milya kuwadrado)
DemonymCastellammarese
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
91014
Balata di Baida: 91010
Kodigo sa pagpihit0924
Santong PatronMaria SS. del Soccorso
Saint dayAgosto 21
WebsaytOpisyal na website

Paakyat mula sa marina/pantalan nito na tinatawag na "Cala Marina", na may maraming restawran at bar, ang urbanong plano ay gawa sa mga hakbang at paliko-likong kalye na humahantong sa Piazza Petrolo sa isang direksiyon o patungo sa mga pangunahing gitnang hardin, kung saan matatagpuan ang sentro ng bayan na may maraming tindahan, cafe, at restawran. Ang pangunahing kalye ay tinatawag na Corso Garibaldi.

Kasaysayan

baguhin

Ayon sa opinyon ng mga istoryador at heograpo tulad nina Ptolomeo, Diodorus Siculus, at Estrabon, itinatag ang Castellammare del Golfo bilang Emporium Segestanorum, daungan ng Segesta, isang kalapit na lungsod na nagbahagi ng parehong pagsubok hanggang sa pagbagsak nito. Sinalakay ng mga Arabe ang Castellammare del Golfo mula 827 AD, at tinawag itong "Al Madarig", na nangangahulugang "Ang mga Hagdan", marahil dahil sa isang pataas na matarik na kalye na humahantong mula sa daungan hanggang sa lugar ng pinagkukutaan na balwarte. Ang mga Arabe ang unang nagtayo ng kuta ng kastilyo, na kalaunan ay pinalaki ng mga Normando. Ang gusali ay tumaas sa isang mabatong outcrop malapit sa dagat, na nakaugnay sa kalupaan sa pamamagitan ng isang kahoy na drawbridge.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Castellamare history