Castrocaro Terme e Terra del Sole

Ang Castrocaro Terme at Terra del Sole (Romañol: Castruchèira o Castruchêra e Tèra de Sòlis ) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa lalawigan ng Forlì-Cesena, rehiyon ng Emilia-Romaña, Italya, na matatagpuan mga 60 kilometro (37 mi) timog-silangan ng Bolonia at mga 10 kilometro (6 mi) timog-kanluran ng Forlì.

Castrocaro Terme e Terra del Sole
Comune di Castrocaro Terme e Terra del Sole
Lokasyon ng Castrocaro Terme e Terra del Sole
Map
Castrocaro Terme e Terra del Sole is located in Italy
Castrocaro Terme e Terra del Sole
Castrocaro Terme e Terra del Sole
Lokasyon ng Castrocaro Terme e Terra del Sole sa Italya
Castrocaro Terme e Terra del Sole is located in Emilia-Romaña
Castrocaro Terme e Terra del Sole
Castrocaro Terme e Terra del Sole
Castrocaro Terme e Terra del Sole (Emilia-Romaña)
Mga koordinado: 44°11′N 11°56′E / 44.183°N 11.933°E / 44.183; 11.933
BansaItalya
RehiyonEmilia-Romaña
LalawiganForlì-Cesena (FC)
Mga frazioneCastrocaro Terme (luklukang munisipal), Terra del Sole, Pieve Salutare
Pamahalaan
 • MayorMarianna Tonellato
Lawak
 • Kabuuan38.95 km2 (15.04 milya kuwadrado)
Taas
68 m (223 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan6,350
 • Kapal160/km2 (420/milya kuwadrado)
DemonymCastrocaresi at Terrasolani
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
47011 (Castrocaro at Pieve Salutare), 47010 (Terra del Sole)
Kodigo sa pagpihit0543
WebsaytOpisyal na website

Ang comune ay binubuo ng tatlong maliliit na bayan: Castrocaro, Terra del Sole, at Pieve Salutare. Ang Terra del Sole, na itinatag bilang kuta noong ika-16 na siglo ni Cosimo I de' Medici, ay pinaniniwalaang sumasakop sa lugar ng sinaunang lungsod ng Solona, na ipinahiram ang pangalan nito sa bayan na Terra del Sole.[4]

Ang Castrocaro Terme e Terra del Sole ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Brisighella, Dovadola, Forlì, Modigliana, at Predappio.

Ang Castrocaro ay tahanan ng isang spa. Ito rin ang pinangyayarihan ng Castrocaro Music Festival, na nagtatampok ng mga bagong mang-aawit.

Ang munisipalidad, na bahagi ng makasaysayang rehiyon na tinatawag na Toscanang Romaña, ay kabilang sa lalawigan ng Florencia hanggang 1923.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.
  4. Smith, Dictionary of Greek and Roman Geography
baguhin