Terminal Sentral (LRT)

ay isang himpilan sa Manila LRT Yellow Line (LRT-1)
(Idinirekta mula sa Central Terminal LRT Station)

Ang estasyon ng Terminal Sentral (Ingles: Central Terminal station), na minsang tinawag na estasyon ng Sentral (Central station) o Estasyon ng Arroceros (Arroceros station), ay isang estasyon sa Manila LRT (Unang Linya ng LRT). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Terminal Sentral. Matatagpuan ito sa distrito ng Ermita sa Maynila. Isang sikat na pangalan ng estasyon ay Arroceros, dahil sa kinaroroonan nito malapit sa Liwasang Kagubatan ng Arroceros.

Central Terminal
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Terminal Sentral
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonKalye Arroceros, Ermita, Maynila
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
LinyaUnang Linya ng LRT
PlatapormaGilid ng plataporma
Riles2
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaBiyadukto
Ibang impormasyon
KodigoCT
Kasaysayan
NagbukasMayo 12, 1985
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
patungong Fernando Poe Jr.
Line 1
patungong Dr. Santos

Ang Terminal Sentral ay ang huling estasyon ng Unang Linya ng LRT sa timog ng Ilog Pasig at nagsisilbi bilang panglabing-apat na estasyon para sa mga treng patungo sa Fernando Poe Jr. at ang panlabing-dalawang estasyon para sa mga treng patungo sa Dr. Santos.

Mapapansin na ang Terminal Sentral ay isa sa apat na mga estasyon sa buong sistema ng Unang Linya ng LRT na nagpapahintulot sa mga mananakay na kumuha ng isang treng papunta sa salungat na direksiyon nang hindi na kailangang magbayad ng bagong pasahe dahil sa pagkakaayos ng himpilan; ang tatlong ibang mga estasyon ay Carriedo, Balintawak at Roosevelt.


Mga kalapit na palatandaang pook

baguhin

Malapit ang Terminal Sentral sa ilang mga kilalang palatandaang pook ng Maynila, tulad ng mga Hardin ng Mehan at ang Tanghalang Pangkalakhan ng Maynila. Malapit din ito sa Gusaling Panlungsod ng Maynila, Punong Tanggapan ng Koreo ng Maynila, Bulwagan ng Katarungan ng Maynila, Liwasang Bonifacio at ang Pambansang Museo ng Sining. Magiging masaya rin ang mga mamimili dahil sa kalapit na SM City Manila.

Dahil sa kinaroroonan nito sa University Belt ng Maynila, malapit ang estasyon sa mga institusyong pang-edukasyon tulad ng Colegio de San Juan de Letran, Pamantasang Normal ng Pilipinas, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na pag-aari ng lungsod, Unibersidad ng Mapúa at Pamantasang Liseo ng Pilipinas. Maliban sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, lahat ng mga institusyong ito ay nasa loob ng mga pader ng Intramuros.

Mga kawing pangpanlalakbay

baguhin

Dahil sa pangalan nito, ang Terminal Sentral ay isang pangunahing sentro ng transportasyon para sa mga mananakay ng LRT-1. Malapit sa estasyon ang isang terminal ng bus na dumadaan sa rutang Abenida Taft. Makakakuha rin ang mga mananakay ng mga taksi, dyipni at sasakyang de-padyak papunta at mula sa estasyon. Malapit din ang Estasyong Lawton ng Pasig River Ferry Service.

Pagkakaayos ng estasyon

baguhin
L3
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Fernando Poe Jr.
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Dr. Santos
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon
L1 Daanan Mga tindahan, Aklatang Panlungsod ng Maynila, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Kagawaran ng Katarungan, Kagawaran ng Edukasyon, Komisyon sa Halalan

14°35′34.45″N 120°58′53.84″E / 14.5929028°N 120.9816222°E / 14.5929028; 120.9816222