Estasyon ng Carriedo
Ang Estasyong Carriedo ng LRT (Ingles: Carriedo LRT station) ay isang estasyon sa Manila LRT (Unang Linya ng LRT). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Carriedo. Matatagpuan ito sa distrito ng Santa Cruz sa Maynila. Ipinangalan ang estasyon sa Kalye Carriedo na malapit sa estasyon. Ito ang tanging estasyon sa buong sistema ng LRT na may habong na bubong (canopy roof).
Carriedo | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila | |||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||
Lokasyon | Abenida Rizal, pgt. Kalye Carriedo Santa Cruz at Quiapo, Maynila | ||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA) | ||||||||||
Linya | Unang Linya ng LRT | ||||||||||
Plataporma | Gilid ng plataporma | ||||||||||
Riles | 2 | ||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||
Uri ng estruktura | Biyadukto | ||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||
Kodigo | CA | ||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||
Nagbukas | Mayo 12, 1985 | ||||||||||
Serbisyo | |||||||||||
|
Ang estasyong Carriedo ay ang unang estasyon sa hilaga ng Ilog Pasig. Ito rin ang pansampung estasyon para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Roosevelt at ang panlabing-isang estasyon para sa mga treng patungo sa Baclaran.
Malapit ang estasyon sa ilang mga tanyag na pook-palatandaan ng Maynila, tulad ng Simbahan ng Quiapo, Kalye Escolta, Plaza Lacson, at Kalye Ongpin. Malapit din ito sa Liwasang Gubat ng Arroceros, Liwasang Bonifacio, at Sentral na Tanggapan ng Koreo ng Maynila, gayundin ang Pamantasang FEATI.
Sa ilalim ng train port ng estasyon ay isang basiyong espasyo na ginamit bilang isang lokasyon para sa isang detour sa The Amazing Race Asia 2.
Mga kawing pangpanlalakbay
baguhinDahil sa kinaroroonan ng estasyong Carriedo na malapit sa mga distrito ng Santa Cruz, Binondo at Quiapo, ang estasyon ay pinagsisilbihan ng maraming mga uri ng pampublikong transportasyon. Humihinto sa estasyon at paligid nito ang mga bus na nagsisilbi sa rutang Abenida Taft at mga malalapit na ruta, mga dyipni, taksi, sasakyang de-padyak at kalesa. Lubusang ginagamit ang mga kalesa at sasakyang de-padyak sa Binondo, dahil sa mga makikipot na kalye ng distrito.
Pagkakaayos ng estasyon
baguhinL3 Mga plataporma |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | |
Plataporma A | ← Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt | |
Plataporma B | → Unang Linya ng LRT patungong Baclaran → | |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | ||
L2 | Lipumpon | Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan, Isetann Carriedo |
L1 | Daanan | Pamantasang FEATI |