Estasyon ng Balintawak
Ang Estasyong Balintawak ng LRT (Ingles: Balintawak LRT Station) ay isang estasyon sa Unang Linya ng LRT. Itinayo ito noong Line 1 North Extension Project, at binuksan ito noong Marso 22, 2010. Ang estasyong ito, kasama na ang Estasyong Malvar, ay magsisilbi sa mga pasahero papunta at galing sa hilagang bahagi ng Luzon sa pamamagitan ng North Luzon Expressway.
Balintawak | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila | |||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||
Lokasyon | 1179 EDSA, Brgy. Apolonio Samson, Balintawak, Lungsod Quezon 1106 | ||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA) | ||||||||||
Linya | LRT Line 1 | ||||||||||
Plataporma | Mga plataporma sa gilid | ||||||||||
Riles | 2 | ||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||
Uri ng estruktura | Overpass | ||||||||||
Akses ng may kapansanan | Yes | ||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||
Kodigo | BW | ||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||
Nagbukas | Marso 22, 2010 | ||||||||||
Serbisyo | |||||||||||
|
Isa ang Balintawak sa dalawang estasyon ng LRT na naglilingkod sa Lungsod Quezon, ang isa pa ay Roosevelt.
Matatagpuan ang estasyon sa Barangay Apolonio Samson (Balintawak) sa harap ng Pamilihan ng Balintawak, at malapit sa hangganang Lungsod Quezon - Caloocan. Malapit ito sa Abenida Bonifacio at North Luzon Expressway (NLEx).
Ang estasyong Balintawak ay nagsilbing pansamantalang hangganan hanggang sa unang pagbubukas ng estasyong Roosevelt (na ngayo'y Fernando Poe Jr.) noong Oktubre 2010 at ang pansamantalang pagsasara ng naturang estasyon mula Setyembre 2020 hanggang Disyembre 2022 para sa konstruksyon ng estasyong North Avenue.
Mga kalapit na palatandaang pook
baguhinKabilang sa mga pinakamalapit na pook ay Pamilihan ng Balintawak, EDSA-Cloverleaf Interchange, Bantayog ng Sigaw sa Balintawak, St. Joseph the Worker Parish Church, Wilcon Builders Depot at Balintawak Home Depot.
Mga kawing pangpanlalakbay
baguhinMay ilang panlungsod at panlalawigan na bus na dumadaan hilaga ng Kalakhang Maynila, tulad ng Victory Liner, Baliwag Transit, at CEM Trans Services.
Pagkakaayos ng Estasyon
baguhinL2 Mga plataporma |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | |
Plataporma A | ← Unang Linya ng LRT patungong Fernando Poe Jr. | |
Plataporma B | → Unang Linya ng LRT patungong Baclaran → | |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | ||
L2 | Lipumpon | Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan |
L1 | Daanan | Pampublikong Pamilihan ng Balintawak |