Cesario Torres
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (walang petsa)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si Cesario Y. Torres ay isinilang noong 1 Nobyembre 1927 sa Saklang Tagalog, isang nayon sa Cabiao, Nueva Ecija). Si Ka Sario ay isang premyadong pambansang makata, mananaysay, kuwentista, mandudula at nobelista. Nag-aral at nagtapos sa Philippine College of Commerce na ngayon ay Polytechnic University of the Philippines (PUP) ng kursong Bachelor of Science in Commerce-Economics (Cum laude).
Cesario Torres | |
---|---|
Trabaho | manunulat |
Isa siya sa tagapagtatag ng PANDAYLIPI, Ink. (Pandayan ng Literaturang Pilipino). Mula noong 1977 hanggang sa siya ay bawian ng buhay ay siya ang pangulo ng nasabing samahan. Kasapi siya kung hindi man isa sa pamunuan ng iba't ibang pambansang organisasyong pangwika at pampanitikan. Nagturo siya ng mga asignaturang Ekonomiks, Pilipino, at Panitikang Pilipino sa PUP.
Nabilanggo ng labinsiyam na taon, dalawang buwan at labimpitong araw dahil sa pagkakasapi sa isang kilusang makabayan para sa ganap na kasarinlan ng bansa. Ang di-mapasusubaliang pagmamahal ni Ka Sario sa kasarinlan ng ating bansa ay malinaw na nasasaad sa kanyang tulang pasalaysay na may pamagat na GULOK, na inuri ayon sa ginawang pagsusuri ng mga kilalang manunulat, na isang epiko ng kasalukuyang panahon.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.