Challenger (komiks)

Si Challenger ay isang kathang-isip na superbayani sa mga aklat na komiks na nilimbag ng Marvel Comics noong kilala pa ang kompanya bilang Timely Comics noong dekada '40. Sumikat siya sa panahon na tinatawag ng mga panatiko at nagaaral ng kasaysayan bilang Gintong Panahon ng Komiks.

Challenger
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaMarvel Comics
Unang paglabasDaring Mystery Comics #7 (Abril 1941)
TagapaglikhaRay Gill (?), George Klein (?)
Impormasyon sa loob ng kwento
Ibang katauhanWilliam "Bill" Waring
EspesyeTao
Kasaping pangkatThe Initiative
Freedom Force
KakayahanDalubhasa sa maraming sining pangdigma, Dalubhasa ng halos lahat ng uri ng sandata

Kasaysayan ng Paglimbag

baguhin

Si Challenger ay unang lumabas sa Daring Mystery Comics #7 (Abril 1941) mula sa sinundan ng Marvel Comics na Timely Comics. Lumabas siya sa sa dalawang pahinang kuwento, "The Valley of Time", ni Ray Gill, at sa 12-pahinang komiks na kuwento na "Meet the Challenger", ng di-kilalang manunulat at artista na si George Klein, sa ilalim ng palayaw na "Nick Karlton".[1]. Ang karakter na ito ay lumabas din sa Mystic Comics #6-10 (Okt. 1941 - Ago. 1942), sa mga walo hanggang siyam na pahinang mga kuwento ng mga artista gaya ni Al Bare, Mike Sekowsky, at Stan Lee ("Horror Mansion", Mystic Comics #9 Mayo 1942).

Nawala si Challenger sa paglilimbag ng ilang dekada bago magpakita sa Marvel Premiere #29 (Abril 1976), sa isang kuwentong napapaloob sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan itinanghal ang grupong superbayani na Liberty Legion. Si Challenger ay unang makikita sa isang modernong panahon na kuwento sa She-Hulk #11 (Marso 2005), dahil sa di-maintindihang "pagtalong paharap" sa panahon.

Kathang Isip na Talambuhay

baguhin

Si William "Bill" Waring ay isang dating nagaaral ng abogasya na gustong ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang ama dahil sa pagbigay ng ebidensiya sa abogado ng distrito. Naglakbay siya s buong mundo upang ibayuhin ang kanyang mga kakakyahan sa pakikipaglaban. Nagsuot siya ng isang luntiang balatkayo upang maging superbayani na si Challenger.

Sa di maintindihang pangyayari, si Challenger ay napadpad sa kasalukyan. Inaakalang namatay na siya at walang ari-arian. Nagtanong siya sa isang samahang pambatas na Goodman, Lieber, Kurtzberg & Holliway upang maisaayos ang kanyang huling habilin. Tinuro siya ng samahan kay superbayani Captain America, na napunta rin sa kasalukuyang panahon dahil sa suspended animation, para sa payo at tulong.[2] Pagkalipas ng maikling panahon, sumama siya grupo ng superbayani ng pederal na pamahalaan na Fifty State Initiative. Sumama siya sa grupong Montana, Freedom Force.[3][4].

Mga Kakakayahan

baguhin

Si Challenger ay dalubhasa sa paggamit ng sandata, jiu-jitsu, kimika, at paggamit ng espada. Magaling rin siyang tagapuntirya, boksingero at piloto.

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Grand Comics Database: Daring Mystery Comics #7
  2. She-Hulk #11 (Marso 2005)
  3. Avengers: The Initiative #12 (Hunyo 2008)
  4. The Official Handbook of the Marvel Universe A-Z Hardcover #2


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Komiks ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.