Si Stan Lee (28 Disyembre 1922 - Nobyembre 12, 2018) ay isang Amerikanong manunulat ng komiks, editor, artista, tagagawa, taga-lathala, aktor, at ang dating presidente at punong nakaupo ng Marvel Comics.

Stan Lee
Kapanganakan28 Disyembre 1922[1]
  • (Lungsod ng New York, New York, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan12 Nobyembre 2018[3]
MamamayanEstados Unidos ng Amerika[4]
Trabahopabliser,[4] manunulat ng komiks,[4] editor,[4] prodyuser ng pelikula,[4] mamamahayag,[4] manunulat ng science fiction,[5] artista sa pelikula,[6] Kawal,[7] host sa telebisyon,[8] screenwriter, business executive,[6] tagapagboses,[6] ehekutibong prodyuser,[6] manunulat
Pirma

Sa pakikipagtulungan sa ilang mga artista, tulad nila Jack Kirby at Steve Ditko, linikha nila ang Spider-Man, The Hulk, X-men, Fantastic Four, Iron Man, Thor, at maraming iba pang mga fictional character, na nagpapakilala ng mga kumplikadong at naturalistic na mga character at lubusan na ibinahagi ang uniberso ng mga superhero sa komiks. Sa karagdagan, sinimulan niya ang unang pangunahing matagumpay na hamon sa sensura ng samahan sa industriya, ang Komiks Code ng Authority, at pinilit itong ireporma sa kanyang mga patakaran. Pagkatapos, si Lee ay humantong sa pagpapalawak ng Marvel Comiks mula sa isang maliit na division ng isang bahay-lathala sa isang malaking korporasyon na multimidya.

Siya ay naitanghal sa Will Eisner Comic Book Hall of Fame noong 1994 at ang Jack Kirby Hall of Fame noong 1995.

Simula ng Karera

baguhin

Sa tulong ng kanyang tiyuhin na Robbie Solomon, Si Lee ay naging isang katulong sa 1939 sa bagong Timely Komiks division ng pulp magazine at taga-lathala ng mga komiks sa kompanya ni Martin Goodman. Ang Timely sa 1960s, ay nakilalang Marvel Komiks. Si Lee, na pinsan na si Jean ay asawa ni Goodman, ay pormal na tinanggap sa pamamagitan ng Timely editor na si Joe Simon.

Pagkatapos niya maging writing filer, nabigyan siya ng oportunidad na magsulat ng sariling komiks na may tampok na backup. Ang pinakauna niyang superhero ay si “Destroyer” na lumabas sa Mystic Komiks # 6 (Aug 1941). Kabilang sa iba pang mga character na kanyang nilikha sa panahon na ito na tinawag ng mga tagahanga at historians na Golden Edad ng komiks ay ang Jack Frost, na unang lumabas sa USA Komiks # 1 (Agosto 1941), at Father Time, na unang lumabas sa Captain America Komiks # 6 (Agosto 1941).

Ang pinakaunang grupo ng Superhero na ginawa ni Lee at ang artista na si Jack Kirby ay ang Fantastic Four. Ang biglaang popularidad ng grupo na ito ay ang naging batayan sa paggawa ng iba pang mga komiks ng Marvel. Ang iilan pa sa mga nagawa nila Lee at Kirby ay ang the Hulk, Iron Man, Thor at X-men; kasama si Bill Everett, Daredevil; kasama si Steve Ditko, Doctor Strange at ang pinakanagtagumpay na superhero na nagawa nila na si Spider-Man kung saan lahat sila ay magkakasama sa isang uniberso.

Noong 1971, hindi tuwiran na natulungan ni Lee baguhin ang Comics Code. Ang Departamento ng US sa kalusugan, edukasyon, at kabutihan ay tinanong si Lee kung pwede ba siya makagawa ng komik book ukol sa mga panganib ng paggamit ng droga at nakaisip si Lee ng tatlong issue na subplot kung saan ang kaibigan ni Spiderman ay naging sugapa sa bawal na gamot. Hindi ito pinayagan ng Comics Code Authority dahil sa pagpakita nito ng paggamit ng bawal na gamot kung saan ang konteksto ng anti-drug ay napawalang bisa. Kasama ng kooperasyon ni Goodman ay inilabas niya ang komiks na ito na walang aprubado ng CCA ngunit bumenta naman ang komiks at nakatanggap ng mga papuri ang Marvel dahil sa kanyang pagsusumikap na ayusin ang lipunan. Dahil dito medyo nabawasan ang higpit ng Code para sa mga negatibong pinapakita ng droga at iba pang mga kalayaan.

Dulong Karera

baguhin

Sa mga dulong taon, si Stan Lee ay naging pampublikong mukha ng Marvel Komiks. Nagpakita siya sa mga ilang kumbensiyon ng komiks sa buong America, at nagsimula din siya magturo sa kolehiya at sumasama sa mga diskusyon ng panel. Sa panahon ng mga 2000’s, unang gumawa si Lee para sa DC Comics kung saan ay inilunsad niya ang Just Imagine na serye kung saan binago ni Lee sa kanyang isipan ang ibang mga DC na superhero tulad nila Superman, Batman, Wonder Woman, Green Lantern at Flash.

Noong 2001, si Lee at kanyang mga kasama na si Gill Champion at Arthur Lieberman ay nagtaguyod ng POW! (Purveyors of Wonder) Entertainment upang masuportahan ang paggawa ng mga katangian ng pelikula, telebisyon at mga video games. Noong 2006, itinanghal nila ang 65 na taon ni Stan Lee sa kompanya ng Marvel sa pamamagitan ng paglathala ng isang serye ng one-shot na komiks kung saan karakter dito si Lee mismo at kinakausap niya at nakikipagkita siya sa kanyang sariling mga ginawang superhero tulad nila Spider Man, Doctor Strange,, the Thing, Silver Surfer at Doctor Doom.

Ngayong 2012, inihayag ni Lee ang kanyang pakikisama kay Regina Carpinelli, ang nagtaguyod at CEO ng Comikaze Expo. Ang Comikaze Expo ay ang pinakamalaking kumbensiyon ng mga komiks sa Los Angeles at ito’y rinebrand bilang Stan Lee’s Comikaze Presented by POW! Entertainment.

Mga parangal at gantimpala

baguhin
  • Will Eisner Comic Book Hall of Fame in 1994
  • Jack Kirby Hall of Fame in 1995.
  • Noong 17 Nobyembre 2008, si Stan Lee ay naparangalan ng National Medal of Arts.
  • Ang County ng Los Angeles ay idineklara noong 2 Oktubre 2009 bilang Stan Lee Day.
  • Nanalo si Lee ng Comic-Con Icon na parangal noong 2009 sa Scream Awards.
  • Natanggap ni Lee ang ika-2,428 na bituin sa Hollywood Walk of Fame noong 5 Enero 2011
  • Noong 21 Enero 2012, nabigyan si Lee ng Vanguard Award mula sa Producers Guild of America

Tribya

baguhin

Sa lahat ng mga pelikula na ginawa ng Marvel Studios, matatagpuan mo na mayroong maikli na (cameo) eksena doon si Stan Lee.


  1. https://www.washingtonpost.com/local/obituaries/stan-lee-creator-of-superheros-dies-at-95/2018/11/12/0ca938da-e6ac-11e8-a939-9469f1166f9d_story.html?noredirect=on.
  2. http://www.people.com/people/article/0,,20072820,00.html.
  3. https://www.hollywoodreporter.com/news/stan-lee-marvel-comics-legend-721450.
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 https://history-biography.com/stan-lee/; hinango: 26 Enero 2021.
  5. http://www.sf-encyclopedia.com/entry/lee_stan; hinango: 26 Enero 2021.
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 https://www.imdb.com/name/nm0498278/; hinango: 26 Enero 2021.
  7. http://www.comicvine.com/soldier-zero/4005-73017/news/.
  8. http://usatoday30.usatoday.com/life/people/2005-01-30-incredibles-annie-awards_x.htm.