Chalmers University of Technology

Ang Chalmers University of Technology (Suweko: Chalmers tekniska högskola, madalas na pinaiiikli bilang Chalmers) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik  na matatagpuan sa Gothenburg, Sweden, na nakatuon sa pananaliksik at pag-aaral sa teknolohiya, agham, arkitektura, dagat at iba pang mga erya ng pamamahala.[1]

ang gate ng Chalmers(Gibraltar Campus)
ang gate ng Chalmers(Gibraltar Campus)

Ang Unibersidad ay itinatag noong 1829 sa pamamagitan ng isang donasyon mula kay William Chalmers, direktor ng Swedish East India Company. Idinoneyt niya ang bahagi ng kanyang yaman para sa pagtatatag ng isang "pang-industriyang paaralan". Ang Chalmers ay pinatakbo bilang isang pribadong institusyon hanggang 1937, nang ang instituto ay naging isang pampamahalaang unibersidad. Noong 1994, ang paaralan ay inkorporado bilang isang "aktiebolag" sa ilalim ng kontrol ng pamahalaan, kaguruan, at unyon ng mga mag-aaral. Ang Chalmers ay isa tatlo lamang na mga unibersidad sa Sweden na na ipinangalan sa isang tao, ang iba pang dalawang ay ang Karolinska Institutet at Pamantasang Linnaeus.

Mga sanggunian

baguhin

57°41′18″N 11°58′36″E / 57.688333333333°N 11.976666666667°E / 57.688333333333; 11.976666666667   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.