Charis SIL
Ang Charis SIL ay isang transisyunal na serif na pamilya ng tipo ng titik na pinagbuti ng SIL International batay sa Bitstream Charter, isa sa mga unang tipo ng titik na dinisenyo para sa printer na laser. Nilalayon ng disenyo na magbigay ng nag-iisang pamilya ng tipo ng titik nakabatay sa Unicode na maglalaman ng komprehensibong imbentaryo ng glipo na kailangan sa sulating nakabatay sa Romano o Siriliko, kahit pa na ginagamit ito sa pangangailangang ponetiko o ortograpiko.[1]
Kategorya | Serif |
---|---|
Mga nagdisenyo | SIL International |
Petsa ng pagkalabas | 2006 |
Lisensya | Lisensyang SIL Open Font |
Binatay ang disenyo sa | Bitstream Charter |