Si Gat o Ginoong Charles Lyell[1], Unang Baronete [mas mababa sa isang baron], Orden ng Dawag (KT), Katoto ng Kalipunan (o Samahan) ng mga Dugong Bughaw (o Royal) [Fellow of the Royal Society, FRS] (14 Nobyembre 1797 – 22 Pebrero 1875) ay isang Eskoses na manananggol, heologo, at protagonista (kalaban) ng Unipormitaryanismo. Siya ang nangungunang heologo ng kaniyang kapanahunan, at isang impluwensiya sa bata pa noon na si Charles Darwin.

Si Gat Charles Lyell.

Talambuhay

baguhin

Si Lyell isang abogadong Britaniko at nangungunang heologo ng kanyang kapanahunan. Siya ay higit na kilala bilang may-akda ng Principles of Geology (Mga Prinsipyo ng Heolohiya) na nagpasikat sa konsepto ni James Hutton hinggil sa unipormitaryanismo – ang ideya na ang daigdig ay hinubog ng mga prosesong kapareho ng mga prosesong umiiral sa kasalukuyan. Hinamon din ng Principles of Geology ang mga popular na teorya ni Georges Cuvier na higit na tinanggap at pinalaganap na ideya tungkol sa heolohiya sa Inglatera noon.

Kabilang sa kanyang mga siyentipikong ambag ang paliwanag sa lindol, ang teorya ng unti-unting “backed up-building" ng mga bulkan, at sa estratigrapiya, ang pagkahati-hati ng Tersiyaryong Panahon sa tatlo – Pliocene, Miocene, at Eocene. Siya rin ang nag-imbento ng mga kasalukuyang pangalan ng heolohikong panahon na Paleozoic, Mesozoic, at Cenozoic. Hindi wasto ang kanyang haka-hakang ang mga malalaking tipak na yelo ay maaaring makapagdala ng mga glacial erratic, at ang mga silty loess deposit ay maaring nagmula sa tubig-baha.

Si Lyell ay isa sa mga unang naniwalang ang mundo ay mahigit 300 milyong taon na batay sa mga anomalyang heolohiko ng ideyang ang mundo ay 300 milyong taon lamang. Siya ay isang malapit na kaibigan ni Charles Darwin at nag-ambag ng mahalagang tulong sa pag-iisip ni Darwin sa mga proseso ng ebolusyon. Tumulong siya sa paghahanda para sa sabay-sabay na paglathala noong 1858 ng mga artikulo nina Darwin at Alfred Russel Wallace ukol sa natural selection sa kabila ng kanyang personal at panrelihiyon na pagkabahala sa teorya. Sa sumunod na mga taon, naglathala siya ng ebidensya mula sa heolohiya ng panahon kung kailan ang tao ay unang namuhay sa daigdig.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Harvey, Anthony; Barry Cork; Maurice Allward; Teresa Ballús; Roser Oromi (1978). "Sir Charles Lyell". Qué Sabes del Universo 1 (orihinal na pamagat: New World of Knowledge: Our Earth and the Universe). Ediciones Nauta, S.A. (nilimbag sa Espanya) / William Collins Sons and Company Limited, ISBN 84-278-0441-5, ISBN 84-278-0453-9.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 10.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Heolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.