Si Carlos Irwin Estévez (ipinanganak Setyembre 3, 1965), propesyunal na kilala bilang Charlie Sheen, ay isang artista mula sa Estados Unidos. Lumabas siya sa mga pelikula tulad ng Platoon (1986), Wall Street (1987), Young Guns (1988), Eight Men Out (1988), Major League (1989), Hot Shots! (1991), at The Three Musketeers (1993).

Charlie Sheen
Si Sheen noong Marso 2009
Kapanganakan
Carlos Irwin Estévez

(1965-09-03) 3 Setyembre 1965 (edad 59)
Lungsod ng New York, Estados Unidos
TrabahoAktor
Aktibong taon1973–kasalukuyan
AsawaDonna Peele (k. 1995; d. 1996)
Denise Richards (k. 2002; d. 2006)
Brooke Mueller (k. 2008; d. 2011)[1]
Anak5
MagulangMartin Sheen
Janet Templeton
PamilyaRamon Estevez (kapatid)
Emilio Estevez (kapatid)
Renée Estevez (kapatid)
Joe Estevez (tiyuhin)

Noong dekada 2000, nang pinalitan ni Sheen si Michael J. Fox sa Spin City, umani ang kanyang pagganap ng isang parangal bilang isang Pinakamahusay na Aktor para sa isang Musikal o Komedya na ginawaran ng Golden Globe. Pagkatapos nito, bumida siya sa Two and a Half Men, na umani ng ilang nominasyon sa Golden Globe at Gawad Emmy. Bumida din siya sa seryeng komedya ng FX na Anger Management, na tinapos ang 100-episodyo takbo nito noong 2014. Noong 2010, si Sheen ang aktor na may pinakamalaking suweldo sa telebisyon at kumita siya ng $ 1.8 milyon bawat episodyo ng Two and a Half Men.[2]

Nasa ulo ng mga balita ang pansariling buhay ni Sheen, kabilang ang mga ulat tungkol sa alkoholismo at adiksyon sa droga at mga problema sa asawa, gayon din sa mga alegasyon ng domestikong karahasan. Noong Marso 2011, winakasan ang kanyang kontrata ng CBS at Warner Bros. para sa Two and a Half Men pagkatapos ng kanyang mapanirang-puri komento tungkol sa lumikha ng serye na si Chuck Lorre.[3] Noong Nobyembre 17, 2015, isinapubliko ni Sheen na positibo siya sa HIV, na sinuri siya noon pang apat na taon bago ang kanyang pahayag. Dahil sa kanyang pahayag, nagdulot ito ng 1.25 milyong tao na nahanap sa Google tungkol sa HIV na pinataas ang kamalayan at ilang pagsubok na tinatatawag na Charlie Sheen Effect.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Charlie Sheen, Brooke Mueller Officially Divorced", Us Magazine, Mayo 2, 2011 (sa Ingles)
  2. CBS adds six new shows, hangs on to Charlie Sheen USA TODAY, Mayo 20, 2010 ni Gary Levin (sa Ingles)
  3. "Charlie Sheen (Worth $70 Mil?) Will Donate $8.4 Thousand to Japan Relief". Showbiz411. Marso 13, 2011. Nakuha noong Agosto 18, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)