Chiles en nogada

pinalamang poblano na may sarsang krema de-nogales

Ang chiles en nogada ay isang pagkaing Mehikano na binubuo ng mga siling poblano na pinalamanan ng picadillo (giniling na karne na hinaluan ng mga aromatiko, prutas at pampalasa) na nilagyan ng de-nogales na sarsang krema na tinatawag na nogada, mga buto ng granada at perehil; karaniwang inihahain ito sa temperatura ng silid. Itinuturing nang malawakan na ito ang pambansang ulam ng Mehiko.[1]

Chile en nogada
Chile en nogada na inihanda para hainin
UriPinalamang gulay
KursoUlam
LugarMehiko (1821)
Rehiyon o bansaPuebla
Ihain nangTemperatura ng silid
Pangunahing SangkapSiling poblano, pikadilyo, nogales, krema, granada

Karaniwang naglalaman ang picadillo ng mansanas na panochera (manzana panochera), tamis-gatas na peras (pera de leche) at melokotong criollo (durazno criollo). Kadalasan, sinasangkapan ang sarsang krema ng gatas, dobleng krema, sariwang keso, sherry at nogales. Ang mga nogales, na naging hinanguan ng pangalang sarsang nogada (kung saan "punong nogales" sa wikang Kastila ang nogal)[2] ay kinaugaliang mula sa kultibar nogal de Castilla (Kastilang nogales). Kung minsan, maaaring palitan o dagdagan ang nogales ng pekan.

Inihahanda itong putahe sa Gitnang Mehiko tuwing Agosto at sa unang kalahati ng Setyembre tuwing panahon ng prutas na granada.[3] Ang mga kulay nitong putahe—luntiang sili, puting sarsa, pulang granada—ay mga kulay ng watawat ng Mehiko,[4] at tuwing panahon ng granada ang Araw ng Kalayaan.

Kasaysayan

baguhin

Mula sa Puebla ang tradisyonal na chile en nogada; may kaugnayan ito sa kalayaan ng Mehiko dahil sinasabing inihanda ito sa unang pagkakataon para sa magiging emperador, Agustín de Iturbide[4] nang dumating siya sa lungsod pagkatapos ng paglagda ng Kasunduan ng Córdoba. Ipinagmamalaki itong putahe ng mga naninirahan sa estado ng Puebla.[5]

Pinaniniwalaan ng ilang Mehikanong mananalaysay na mga Monjas Clarisas ang mga nag-imbento ng pagkaing ito, ngunit inaakala ng iba na ang mga nag-imbento ay mga Madres Contemplativas Agustinas ng kumbento ng Santa Mónica, Puebla.[6][1]

Galeriya

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Martinez, Rick A. (Setyembre 9, 2019). "Sweet, Salty, Sour, and Part of Mexico's Soul: Chiles en nogada — stuffed poblano peppers topped with a creamy walnut sauce and pomegranate seeds — makes a brief but grand appearance every September for the country's Independence Day" [Matamis, Maalat, Maasim, at Bahagi ng Kaluluwa ng Mehiko: Chiles en nogada — pinalamang siling poblano na binuhusan ng makremang sarsang nogales at mga binhi ng granada — nagpapakita nang saglitan pero engrande tuwing Setyembre para sa Araw ng Kalayaan ng bansa.]. New York Times. Nakuha noong Setyembre 13, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Nogal". Diccionario de la lengua española. Real Academia Española.
  3. Graber, Karen Hursh (1 Enero 2006). "Pomegranates: September's Gift To Mexican Cuisine" [Mga Granada: Regalo ng Setyembre sa Lutuing Mehikano] (sa wikang Ingles). MexConnect. Nakuha noong 2 Pebrero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Graber, Karen Hursh (1998). Take This Chile and Stuff It: Authentic Chile Relleno Recipes [Kunin 'Tong Sili at Palamanin Ito: Mga Tunay na Resipi ng Chile Relleno] (sa wikang Ingles). American Traveler Press. pp. 26–27. ISBN 9781885590398.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Moon, Freda (17 Setyembre 2011). "Delicious patriotism" [Masarap na pagmamakabayan] (sa wikang Ingles). The Daily Holdings, Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Pebrero 2013. Nakuha noong 18 Setyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Molina de Merlos, Lucia (15 Setyembre 2017). "El emblemático platillo #HechoEnMéxico". The Mexican Government (Agriculture Secretariat). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hunyo 2020. Nakuha noong 14 Hunyo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)