Sa pangalang Hapones na ito, ang apelyido ay Sugihara.

Si Chiune Sugihara (Hapones: 杉原千畝, Sugihara Chiune; Enero 1, 1900 – Hulyo 1986) ay isang diplomatikong Hapones, na naglingkod bilang isang Pangalawang Konsul para sa Imperyong Hapones sa Litwanya. Daglian pagkaraan ng Pananakop sa Litwanya (Pananakop sa mga estadong Baltiko) ng Unyong Sobyet, tinulungan niya ang ilang libong mga Hudyo upang makalikas sa bansa sa pamamagitan ng mga bisa (sa pasaporte) na pantawid sa mga Hudyo upang makapaglakbay sila patungong bansang Hapón. Karamihan sa mga Hudyong nakaligtas ang nanggaling sa Polonya o mga naninirahan sa Litwaniya. Dahil sa kaniyang mga ginawa sa pagsagip sa mga Hudyo mula sa mga Nazi, pinarangalan si Sugihara ng Israel bílang Matuwid at Makatuwirang Kahalubilo ng mga Nasyon (o Righteous Among the Nations).

Chiune Sugihara
Isang larawan ni Chiune Sugihara.
Isang larawan ni Chiune Sugihara.
Isinilang 1 Enero 1900
Yaotsu, Hapon
Namatay 31 Hulyo 1986
Kamakura, Hapon

Unang bahagi ng buhay

baguhin

Ipinanganak si Chiune Sugihara noong Enero 1, 1900, sa Yaotsu, isang rural na pook sa Prepekturang Gipu ng rehiyong Chūbu sa bansang Hapón, sa isang panggitnang-antas na ama, si Yoshimizu Sugihara, at Yatsu Sugihara, isang uring-samurai na ina.Ikalawa siya sa limang magkakapatid na laláki at iisang babae.

Noong 1912, nagtapos siya ng may mga karangalan mula sa Paaralang Furuwatari, at pumasok sa Nagoya Daigo Chugaku (mataas na paaralang Zuiryo ngayon), isang magkasanib na mataas na paaralang pang-dyunyor at seniyor. Gusto ng tatay ni Sugiharang sundin nito ang mga yapak niya bílang isang manggagámot, ngunit sinadyang ibagsak ni Sugihara ang sarili mula sa pagsusulit para makapasok sa paaralang pangmedisina sa pamamagitan ng pagsulat lamang ng kaniyang pangalan sa mga papel ng pagsusulit. Sa halip, nagpatala siya sa Pamantasang Waseda noong 1918 at nagkaroon ng degri sa panitikang Ingles. Noong 1919, pumasa siya sa pagsusulit ng pang-iskolar ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas. Kinuha siya ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas ng Hapon at itinalaga siya sa Harbin, Tsina, kung saan nag-aral din siya ng mga wikang Ruso at Aleman, at naging isang dalubhasa sa pakikipag-ugnayang pang-Ruso sa kalaunan.

Tanggapan ng Ugnayang Panlabas sa Manchuria

baguhin

Nang magsilbi si Sugihara sa Tanggapan ng Ugnayang Panlabas sa Manchuria, nakilahok siya sa pakikipag-usap sa Unyong Sobyet hinggil sa Dulong Silangang Daanang Riles ng Tsina (Riles ng Hilagang Manchuria). Nagbitiw siya mula sa tungkulin bílang Pangalawang Ministro ng Ugnayang Panlabsa sa Manchuria bílang pagprotesta laban sa pagmamaltrato ng mga Hapones sa mga katutubong Tsino. Habang nasa Harbin, nagpalit siya ng relihiyon at naging isang kasapi ng Silanganing Simbahang Ortodokso (Kristiyanong Ortodokso)[1], at pinakasalan ang isang Belarusang si Klaudia. Nagdiborsiyo sila noong 1935, bago bumalik sa Hapon, kung saan pinakasalan naman niya si Yukiko Kikuchi, na naging Yukiko Sugihara (杉原幸子 Sugihara Yukiko) pagkatapos ng kasal; nagkaroon sila ng apat na mga anak. Sa kasawiang-palad, namatay ang pangatlo nilang anak na lalaking si Haruki. Naglingkod din si Chiune Sugihara sa Kagawaran ng Impormasyon ng Ministreryo ng Ugnayang Panlabas at bílang isang tagapagsalinwika para sa lagasyong Hapones sa Helsinki, Pinlandiya.

Sa Litwanya

baguhin

Noong 1939, naging pangalawang-konsul siya ng Konsuladong Hapones sa Kaunas, Litwaniya. Isa pa sa kaniyang mga tungkulin ang mag-ulat ukol sa mga kilos ng mga Sobyet at mga Aleman.

Sinasabing nakiisa si Sugihara sa intelihensiya ng Polonya, bilang bahagi ng isang mas malaking planong pakikiisa ng mga Hapones at mga Polako.[2] Hindi pa rin malinawa ang mga detalye, ngunit pagkaraan ng pananakop na isinagawa ng mga Sobyet sa Lithuani noong 1940, maraming mga Hudyong tumatakas sa panganib mula sa Polonya (mga Hudyong Polako), maging mga Hudyong Litwaniyano ang sumubok na makakuha ng bisa para makalabas ng bansa. Kapag walang mga bisa, mapanganib ang maglakbay at imposibleng makakita ng mga bansang gustong magbigay ng mga ito. Daan-daang mga Hudyong ibig tumakas ang pumunta sa konsuladong Hapones sa Kaunas, na sumusubok humingi ng bisa patungong Hapon. Nagbigay ng ilan ang konsul ng Nederland na si Jan Zwartendijk na may opisyal na pangatlong destinasyon patungong Curaçao, isang pulong Karibe at kolonyang Olandes na hindi nangangailangan ng bisa para makapasok, o Guianang Olandes (na, nang lumaya, naging Suriname). Noong panahong iyon, itinakda ng pamahalaang Hapones na magbigay lamang ng mga bisa sa mga nagdaan na sa nararapat na prosesong pang-imigrasyon at may sapat na pondong pananalapi. Karamihan sa mga ibig lumikas ang hindi nakatupad sa mga panuntunang ito. May pagsunod sa tungkuling kinausap ni Sugihara ang Ugnayang Panlabas ng Hapon ng may tatlong ulit para makatanggap ng mga kautusan. Bawat ulit, tumugon ang Ministeryong dapat na may dagdag na bisa pa ang mga binigyan ng bisang pang-Hapon patungo sa ikatlong destinasyon, para makalabas ng bansang Hapón, at walang ililiban.

Mula Hulyo 31 hanggang 28 Agosto 1940, nagsimulang magbigay ng mga bisa si Sugihara sa sarili niyang pagkukusa, makaraang kausapin ang kaniyang mag-anak. Maraming úlit niyang binalewala ang mga kailangan at pinahintulutan niyang magkaroon ang mga Hudyo ng bisang tatagal ng sampung araw sa Hapon, isang tuwirang paglabag sa mga kautusan sa kaniya ng kaniyang pamahalaan. Kahit sa mababa niyang antas sa tungkulin at sa kalinangan o gawi ng mga burokrata sa Palingkuran ng Ugnayang Panlabas ng Hapon, pambihirang pagkilos ito ng pagsuway sa utos. Nakipag-ugnayan siya sa mga opisyal ng mga Sobyet na pumayag namang paglakbayin ang mga Hudyo sa loob ng bansa sa pamamagitan ng riles na Trans-Siberiano sa may limang ulit na halaga ng karaniwang tarhetang panlakbay.

Nagpatúloy si Sugihara sa pamimigay ng mga bisa sa pamamagitan ng sariling kamay (inulat na gumugol ng 18–20 oras bawat araw para sa mga ito, na nakagawa ng katumbas ng dami ng bisang pang-isang buwan bawat araw) hanggang Setyembre 4, kung kailan kinailangan niyang lisanin ang kaniyang himpilan bago isara ang konsulado. Sa panahong iyon, nakapagbigay na siya ng mgay libu-libong mga bisa sa mga Hudyo, marami sa kanila ang mga ulo ng tahanang maisasama ang kanilang mga mag-anak sa pagbibiyahe. Ayon sa mga nakasaksi, nagsusulat pa siya ng mga bisa habang nakahintil sa hotel at makaraang makasakay sa tren, naghahagis ng mga bisa mula sa bintana ng tren, patungo sa mga nakaabang na mga kamay ng mga madlang ibig lumikas at kaawaawa, kahit na nagsimula nang umandar ang tren. Iniisip din ni Sugihara ang magiging opisyal na reaksiyon hinggil sa libo-libong mga bisang ipinamahagi niya. Maraming taon ang nakalipas, sa muli niyang pagtunghay sa nakaraan, "Walang sinuman ang bumanggit ng patungkol dito. Natatadaan kong nag-iisip ako na maaaring hindi nila naliliwanagan kung ilan talaga ang naipamahagi ko.[3][4]

Pinagtatalunan kung gaano karami ang kabuoang bilang ng mga Hudyong nasagip ni Sugihara, magmula sa mga 6,000 to 10,000; mas malamang, nasa gitna nito ang bilang; nagpamahagi din siya ng mga bisang pangmag-anak—na nagpahintulot sa ilang mga mamamayan para maglakbay sa pamamagitan ng isang bisa lámang, na maaaring nagsanhi ng mas mataas na antas ng bilang. Nagpamahagi ng mga hindi totoong mga bisa ang intelihensiyang Polako. Tinataya ng kaniyang balo at panganay na anak na nasa 6,000 mga Hudyo ang kaniyang nasagip mula sa tiyak na kamatayan, habang iniisip naman ni Levine na mas mataas pa rito, na nasa mga 10,000.[5] Ayon sa talambuhay ni Sugiharang isinulat ni Hillel Levine noong 1996, In Search of Sugihara (Sa Paghahanap kay Sugihara), nagpamudmod ang diplomatang Hapones ng mga 3,4000 bisang pantawid sa mga Hudyo.[6] Iniuulat ni Levine mula sa kaniyang pagsasaliksik ng mga opisyal na mga dokumento ng ugnayang panlabas ng Hapones na pinamagatang "Miscellaneous Documents Regarding Ethnic Issues: Jewish Affairs, Tomo 10, 1940 Diplomatic Record Office, Japanese Foreign Ministry, Tokyo", natuklasan niya ang isang tala pa lamang na naglalaman ng mga "2,139 mga pangalan, karamihang mga Polako—kapwa mga Hudyo at hindi mga Hudyo—na nakatanggap ng mga bisa mula Hulyo 9 at 31 Agosto 1940... Malayo pa ito sa pagiging kumpleto; marami sa mga tumanggap ng mga bisa mula kay Sugihara, kabilang ang mga bata, ay wala rito. Sa pamamagitan ng pagsusumang pang-estadistika, matataya nating nakatulong siya sa may sampung libong nakatakas; yung mga tiyak nang nakaligtas ay maaaring wala sa higit sa kalahati ng bilang na iyon.[7][8] Kaya nga, may ilang mga Hudyong nakatanggap ng mga bisa mula kay Sugihara ang nabigong makaalis mula sa Lithuana nang nasa panahon at nabihag noong lumaon ng mga Alemang lumusbo sa Unyong Sobyet noong 22 Hunyo 1941 at nangamatay sa Holocaust.

Nakatuklas si Levine ng dalawang mga dokumento mula sa isang talaksan ng ugnayang panlabas ng mga Hapones: ang unang nabanggit na dokumento ay isang kalatas na pangkasuguan mula kay Sugihara, may petsang 5 Pebrero 1941, na nakapangalan para kay Yōsuke Matsuoka, ang Ministro ng Ugnayang Panlabas noon kung saan nilahad ni Sugiharang nagpamahagi siya ng 1,500 mula sa 2,132 bisang pantawid sa mga Hudyo at mga Polako; subalit, dahil ang halos lahat ng mga bisa ay napamigay sa mga hindi naman talaga mga Litwaniyano, sa halip maipapahiwatig nito na napamigay ang karamihan ng mga bisa sa mga Hudyong Polako.[9] Pagkaraan, iniulat naman ni Levine ang isa pang dokumento mula rin sa talaksang iyon na "may karagdagang 3,448 mga bisa pa ang naipamahagi sa Kovno na bumubuo sa bilang na 5,580 mga bisa" na maaaring naipamahagi sa mga Hudyong nagmamakaawang makaalis mula sa Lithuania para sa kanilang sariling kaligtasan na matatamo sa pagsapit sa Hapon o sa Tsinang sakop ng Tsina.[9] Bilang karagdagan pa, mayroon ding "ilang mga Hesuwita sa Vilna na nagpapamigay ng mga bisa ni Sugiharang may tatak na iniwan nito at hindi sinira, pagkaraan ng matagal na panahong pagkakaalis ng diplomatang Hapones"[10] na nangangahulugang may ilang mga Hudyong nakatakas mula sa Europang may mga pinanghahawakang hindi totoong mga bisang nasa ilalim ng pangalan ni Sugihara.[11]

Marami sa mga tumakas ang gumamit sa mga bisa upang makapaglakbay patawid sa kahabaan ng Unyong Sobyet patungong Vladivostok at pagkaraan sa pamamagitan ng bangka papuntang Kobe, Hapon, kung saan dating mayroong isang Hudyong Rusong pamayanan. Naghanda ng may-hangganang pagtulong ang Polakong embahador sa Tokyo na si Tadeusz Romer para sa mga nagsisilikas na ito. Mula doon, 1,000 ang umalis papuntang iba pang mga pook katulad ng Estados Unidos at ang Britanikong Mandato ng Palestina. Nagtagal sa Hapon ang natitirang bilang ng mga naligtas nina Sugihara at Zwartendijk hanggang sa paalisin sila at dahil sa sakop ng Hapong Shanghai, kung saan mayroon nang isang malaking pamayanang Hudyo. May ilang tumungo sa may timuging daan padaan sa Korea para tuwirang marating ang Shanghai na hindi na kailangan pang tumuntong sa Hapon. Isang araw, may isang pangkat ng tatlumpung "Jakub Goldberg" na dumating sa Tsuruga subalit ibinalik lamang sa Rusong Nakhodka. Karamihan sa mga may 20,000 Hudyo ang nakaligtas sa Holocaust sa itinakdang pook sa Shanghai hanggang sa pagsuko ng mga Hapones noong 1945.

Sa kabila ng pagpipilit ng mga Aleman sa pamahalaang Hapones na isuko o patayin ang mga Hudyong takas, pinagsanggalang ng pamahalaan ang pangkat. Sa Ang Planong Fugu (isang aklat hinggil sa Planong Fugu ng mga 1930), nag-alok ng isang pakiwari si Rabbi Marvin Tokayer: isa itong pagtanaw ng utang na loob sa ibinigay na $196 milyong pautang na ibinigay ni Jacob Schiff ng isang mambabangkong Hudyo sa Hapon mula sa New York; nakatulong ang pondo sa kanilang pagtatagumpay sa Digmaang Ruso-Hapones ng 1905. Isang mas malawak na pakiwari, na siya ring nagpasigla sa plano noong mga 1930, ang kinasangkutan ng pagtanggap-biyaya ng sinasabing kalakasang pangekonomiya sa Hudyo (bahagi ang ilang mga pinunong Hapon na bumasa sa mga antisimetiko o laban sa mga Hudyong pahayag na naglalagak ng pambihirang kayamanan at kapangyarihan sa mga Hudyo), na mainam para sa imperyong Hapones. Panghuli, idiniin ng mga pinunong Hudyo na hindi kasali sa hangarin ng mga Nazi ang "mga (taong may) dilaw (na kulay ng balat)", at pinapilitang nagmula rin ang mga Hudyo sa Asya, katulad ng mga Hapones.

Pagbibitiw mula sa tungkulin

baguhin

Nanungkulan si Sugihara bilang Konsulado Heneral sa Praga, Czechoslovakia, noong 1941 sa Königsberg at sa legasyon sa Bucharest, Rumanya. Nang lusubin ng mga hukbong Ruso ang Rumanya, ibinilanggo ng mga sundalong Ruso si Sugihara at ang kaniyang mag-anak sa isang kampo ng mga bilanggo ng digmaan (kampo ng mga prisoners of war o POW) sa loob ng walong buwan. Pinalaya sila noong 1946 at nagbalik sa Hapon sa pagdaan sa Unyong Sobyet sa pamamagitan ng Trans-Siberianong riles at tren at daungang Nakhodka.

Noong 1947, hiniling ng tanggapan ng ugnayang panlabas ng Hapon na magbitiw si Sugihara sa tungkulin, na nagbabawas ng bilang ng mga tauhan ang dinahilan. Sa ilang mga sanggunian, kabilang ang kaniyang asawang si Yukiko Sugihara, sinabing binanggit ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas ng Hapon kay Sugihara na tinanggal siya dahil sa "pangyayari" sa Litwaniya.

Noong Oktubre 1991, sinabi ni Ministeryo sa mag-anak ni Sugihara na bahagi sa paggalaw ng mga tauhan ng ministeryo ang pagbibitiw ni Sugihara, na kailangan talaga nang daglian pagkaraan ng pagwawakas ng digmaan. Naglabas ng papel na pangkatayuan ang Ministeryo ng Ugnayang Panlabas noong 24 Marso 2006, na walang katibayan na nagpatong ang Ministeryo ng kilos ng pangpagdidisiplina kay Sugihara. Sinabi ng ministeryong si Sugihara ang isa sa maraming mga diplomatang kusangloob na nagbitiw mula sa tungkulin, subalit "mahirap patunayan" ang mga detalye ng kaniyang indibidwal na pagbibitiw. Pinuri ng ministeryo ang ginawa ni Sugihara sa isang ulat, na tinawag na isang "pagpapasyang matapang at makatao".

Huling bahagi ng búhay

baguhin

Pumirmi si Sugihara sa Fujisawa ng prepektura ng Kanagawa. Nagsimula siyang magtrabaho para sa isang kompanyang pang-eksport bilang tagapamahalang panlahat ng Military Post Exchange ng Estados Unidos. Ginamit niya ang kaniyang kakayahan sa wikang Ruso sa pamamagitan ng paghahanapbuhay at hindi lantarang pamumuhay sa Unyong Sobyet sa loob ng labing-anim na mga taon, habang nananatili ang kaniyang mag-anak sa Hapon.

Sa wakas, noong 1968, natagpuan si Sugihara ni Jehoshua Nishri—isang pangkabuhayang diplomata sa Embahadang Israeli sa Tokyo—at ng isa pang taong natulungan din ni Sugihara. Noong 1940, isa pa lamang kabataang Polako si Nishri. Noong sumunod na taon, pumasyal si Sugihara sa Israel at binati ang kaniyang pagdating ng pamahalaang Israeli. Nagsimulang ipanukala ng mga natulungan ni Sugiharang ibilang si Sugihara sa memoryal o moog pangalaalang Yad Vashem.[12]

Noong 1985, biniyayaan si Chiune Sugihara ng parangal na Matuwid at Makatuwirang Kahalubilo ng mga Nasyon (Ingles: Righteous Among the Nations, Hebreo: חסידי אומות העולם‎, transliterasyong Ebreo: Khasidei Umot ha-Olam) mula sa pamahalaan ng Israel. Malubha ang karamdaman ni Sugihara kaya't hindi ito nakapaglakbay patungong Israel, sa halip ang asawa at anak ni Sugihara ang tumanggap ng parangal para sa kaniya. Nakatanggap ng ipinagkaloob na walang-hanggang pagkamamayang Israeli si Sugihara at ang kaniyang mga inanak.

Noong taong iyon, 45 mga taon pagkalipas ng paglusob sa Lituwaniya ng mga Sobyet, tinanong siya kung ano mga dahilan sa pagkakaloob niya ng mga bisa sa mga Hudyo. Dalawang kadahilanan ang ibinigay ni Sugihara: isa, na mga tao ang mga tumatakas na ito, ang isa pa, na nangangailangan lamang talaga sila ng tulong. Binanggit ito ni Sugihara sa isang pakikipagtalakayan sa isang panauhin sa kaniyang tahanan malapit sa Dalampasigan ng Sagami noong taong iyon:

Ibig mong malaman ang mga kadahilanan ko, hindi ba? Mainam. Iyon ay isang uri ng damdaming matatamo ng sinuman kung tunay niyang matatanaw ang mga magsisilikas ng mukha sa mukha, na nagmamakaawa ng may mga luha sa kanilang mga mata. Hindi lamang niya dapat tulungan ang mga ito bagkus makisalamuha sa kanilang mga nadarama. Kabilang sa mga magsisitakas ang mga matatanda at mga kababaihan. Wala na silang ibang malamang gawin kaya't ginawa nila maging ang paghalik sa aking mga sapatos, Oo, talagang nasaksihan ko ang ganiyang mga tagpuan sa pamamagitan ng sarili kong mga busilig. Gayon din, naramdaman ko noong panahong iyon, na walang magkakatulad na mga pananaw ang pamahalaang Hapon sa Tokyo. May ilang mga pinuno ng militar na Hapones ang natatakot lamang dahil sa pangingibabaw sa kanila ng kapangyarihan ng mga Nazi; habang may mga opisyal na nasa Tahanang Ministro ang payak na nagdadalawang-isip. Hindi nagkakaisa ang mga tao mula sa Tokyo. Naramdaman kong kahangalan ang makipag-ugnayan sa kanila. Kaya nga, binuo ko ang isipan na hindi na hintayin pa ang kanilang katugunan. Nalalaman kong may isang taong tiyakang magsusumbong sa akin sa hinaharap. Ngunit, inisip ng sarili ko mismong ito ang tamang dapat gawin. Walang masama sa pagsagip ng maraming mga buhay ng tao... Ang kaluluwa ng sangkatauhan, pagkakawanggawa... pagiging kaibigan ng kapitbahay... sa ganitong diwa, isinakatuparan ko ang aking ginawa, na hinaharap ang ganitong napakahirap na kalagayan—at sapagkat may ganitong dahilan, lumusong akong may pinagibayong katapangan.[13] Salin mula sa Ingles na: (...) "You want to know about my motivation, don't you? Well. It is the kind of sentiments anyone would have when he actually sees refugees face to face, begging with tears in their eyes. He cannot just help but sympathize with them. Among the refugees were the elderly and women. They were so desperate that they went so far as to kiss my shoes, Yes, I actually witnessed such scenes with my own eyes. Also, I felt at that time, that the Japanese government did not have any uniform opinion in Tokyo. Some Japanese military leaders were just scared because of the pressure from the Nazis; while other officials in the Home Ministry were simply ambivalent... People in Tokyo were not united. I felt it silly to deal with them. So, I made up my mind not to wait for their reply. I knew that somebody would surely complain about me in the future. But, I myself thought this would be the right thing to do. There is nothing wrong in saving many people's lives... The spirit of humanity, philanthropy... neighborly friendship... with this spirit, I ventured to do what I did, confronting this most difficult situation—and because of this reason, I went ahead with redoubled courage. (...)

Nang tanungin kung bakit inilagay niya sa panganib ang kaniyang larangan upang makasagip ng ibang mga tao, sumipi siya ng isang matandang sawikain ng samurai na nagsasabing: "Maging ang isang mangangaso ay hindi maaaring pumatay ng isang ibong lumipad patungo sa kaniya para humingi ng kalinga."[14]

Namatay si Sugihara noong sumunod na taon, noong 31 Hulyo 1986. Sa kabila nang kasikatang ibinigay sa kaniya sa Israel at ibang mga bansa, nanatiling tila hindi siya nakikilala sa loob ng kaniyang inang bansa. Nang magpakita lamang sa kaniyang libing ang malaking bilang ng mga kintawan ng mga Hudyo mula sa iba't ibang panig ng mundo ang tanging pagkakataong nalaman kaniyang mga kapitbahay kung ano ang kaniyang nagawa.

Pamana at mga parangal

baguhin

Ipinangalan kay Sugihara ang Daanang Sugihara o Kalsadang Sugihara sa Kaunas at Vilnius, Litwaniya, at ang 25893 Sugiharang asteroid. Itinayo ng mga mamamayan ng bayan ng Yaotsu (pook ng kaniyang kapanganakan) ang Memoryal na Chiune Sugihara o Moog na pangalaala kay Chiune Sugihara sa bayan ng Yaotsi para sa kaniyang karangalan. Mayroon ding isang bahay-museong Sugihara sa Kaunas, Litwaniya.[15] Nagtayo din ng isang Moog na Tanimang Sugihara o Memoryal na Harding Sugihara ang Templong Emeth, isang konserbatibong sinagoga sa Burol na Chestnut (Chestnut Hill o Newton) sa Massachusetts na nagsasagawa ng taunang konsiyertong pangalala para kay Sugihara.[16]

Ibang mga pangalan

baguhin

Kilala rin si Sugihara bilang Sempo Sugiwara at Chiune Sempo Sugihara. Isang palayaw ang Sugiwara Sempo (ginagamitan ng kahanayang pampangalan sa wikang Hapones na nauuna ang apelyido) na ginamit niya nang maghanapbuhay siya sa Unyong Sobyet mula sa 1960 hanggang 1975 upang maiwasan ang makilala siya ng mga Sobyet bilang isang diplomatang Hapones na naging mas marunong siya sa mga ito at nakatanggap ng isang napakainam na kasunduan para sa Hapon nang bilhin nito ang Hilagaing Daanang Riles ng Manchuria. Hindi kakaiba ang pangalang Sempo ngunit ibang paraan lamang ng pagbasa sa kanji o mga panitik na Intsik para sa 千畝 o Chiune. Gayon din, isa ring kapalit na pagbigkas ang sugiwara para sa 杉原 na kaniyang apelyido. Hindi niya panggitnang pangalan ang Sempo, sapagkat walang gitnang pangalan ang mga pangalang Hapones.

Mga akdang pangtalambuhay tungkol kay Sugihara

baguhin
  • Kumatha ng isang pelikulang dokumentaryo hinggil kay Chiune Sugihara ang isang Hapones na himpilang pantelebisyon. Kinunan ang panooring ito sa Kaunas, sa pook na kinalalagyan ng dating embahada ng Hapon.
  • Ang Sugihara: Conspiracy of Kindness mula sa PBS ang nagpapakita ng mga detalye hinggil kay Sugihara at kaniyang mag-anak at maging ang kamanghamanghang kaugnayan sa pagitan ng mga Hudyo at ng mga Hapones noong mga 1930 at mga 1940. Kabilang sa nasa websayt ang panapanahon sa buhay ni Sugihara, mga paunang tanaw sa panooring bidyo, mga natatanging pakikipanayam, at mga plano sa pagtuturo na magagamit ng mga guro.
  • Noong 11 Oktubre 2005, pinalabas ng Yomiuri TV (Osaka) ang isang dulang pantelebisyong Visas for Life (Mga Bisa para sa Buhay) hinggil kay Sugihara, na nakabatay sa aklat na sinulat ng kaniyang asawa. Tumatagal na dalawang oras ang haba ng drama. Napakasinsin ng pahinang pangweb Naka-arkibo 2007-06-18 sa Wayback Machine. ng dula, subalit matutunghayan lamang sa wikang Hapones. Sumahimpapawid ito sa himpilang KIKU-TV sa Haway na pinamagatang 6,000 Visas for Life (6,000 mga Bisa para sa Buhay) bilang bahagi ng isang natatanging pagpapalabas na pambagong taon noong 13 Enero 2007.[17]
  • Gumawa sina Chris Tashima at Chris Donahue ng isang pelikula tungkol kay Sugihara noong 1997, na pinamagatang Visas and Virtue (Mga Bisa at Pagpapahalaga), at nagwagi ng Academy Award for Live Action Short Film (Gawad Akademya para sa mga Maikling Panooring may Buhay na mga Tagpuan).
  • Gumagawa ng isang animado o gumagalaw na mga guhit-larawang pelikula tungkol kay Chiune Sugihara ang Nippon Animation (Animasyong Nippon), ang pinakamalaking kompanya ng pelikula sa Hapon. Natatanging pinagalaw ang mga guhit-larawan ng pelikula para sa mga estasyong pantelebisyon sa Hapon at sa buong mundo. Planong ilabas ang pelikula sa 2008, bilang tanda ng animnapung taon magmula ng magkaroon ng ugnayang diplomatiko sa pagitan ng Israel at Hapon. Hiningi ng kompanyang Hapones ang tulong ni Eli Cohen, embahador ng Israel sa Hapon, para sa paggawa ng pelikula.[18]

Bahaging tala ng mga mamamayang natulungan ni Sugihara

baguhin
  • Mga pinuno at mga mag-aaral ng Mir Yeshiva (Polonya), Yeshivas Tomchei Temimim (pormal na nasa Lubavitch/Lyubavichi, Rusya) na inilipat sa Otwock, Polonya at sa iba pa.
  • Samuil Manski Naka-arkibo 2008-10-05 sa Wayback Machine., dating Pambansang Pangalawang-Pangulo ng Sionistang Organisasyon ng Amerika (Zionist Organization of America o ZOA) at pangkasalukuyang kasapi ng Pambansang Tagapagpatupad (Zionist Executive ng ZOA). Nagsisilbi ring miyembro ng Komite ng Gitnang Silangan at Komite ng Holocaust ng Konseho ng Pakikipagugnayan ng Pamayanang Hudyo (Jewish Communiy Relations Council o JCRC) at dating Pangalawang-Pangulo/kasaping tagapangasiwa ng Asosasyon ng Libingang Panghudyo ng Massachusetts. Isa siya sa ilang mga itinanghal na tagapagsalita sa "Mga Bisa Para sa Buhay Selebrasyong Sentenyal Naka-arkibo 2008-10-05 sa Wayback Machine." bilang parangal kay Sugihara noong 2000, sa Hapon.
  • Jehoshua Nishri, diplomatang pangekonomiya para sa Embahadang Israeli sa Tokyo
  • Zerach Warhaftig
  • Robert Lewin
  • Leo Melamed
  • Mga miyembro ng mga mag-anak na Szpiro at Jaglom Białystok
  • John G. Stoessinger, propesor ng diplomasya sa Pamantasan ng San Diego
  • George Zames, teorista ng kontrol

Sa mga akdang kathang-isip

baguhin

Sa nobelang The Amazing Adventures of Kavalier & Clay (Ang Kamanghamanghang mga Pakikipagsapalaran nina Kavalier at Clay) ni Michael Chabon, pinahihiwatig na tumanggap ang bidang si Josef Kavalier ng mga bisa mula kay Sugihara at sa kaniyang kakamping si Jan Zwartendijk. Bagaman hindi binabanggit sa nobela ang mga pangalan ng mga lalaking ito, nilarawan nito ang isang "konsul na Olandes sa Kovno [...] na kaliga (kakampi) ng isang opisyal na Hapones na magbibigay ng karapatan sa paglakbay-tawid" (p. 65).[19]

Mga sanggunian

baguhin
  1. A Hidden Life: A Short Introduction to Chiune Sugihara
  2. Palasz-Rutkowska, Ewa. Panayam sa Asyatikong Lipunan ng Hapon (Asiatic Society of Japan), Tokyo, noong 1995; "Polish-Japanese Secret Cooperation During World War II: Sugihara Chiune and Polish Intelligence," Naka-arkibo 2011-07-16 sa Wayback Machine. The Asiatic Society of Japan Bulletin, Marso-Abril 1995.
  3. Salin mula sa Ingles na: "No one ever said anything about it. I remember thinking that they probably didn't realize how many I actually issued."
  4. Sakamoto, Pamela. (1998). Japanese Diplomats and Jewish Refugees, p. 123, citing Bill Craig. "A Beacon of Humanity in a Malevolent World," Pacific Sunday (23 Hunyo 1985), pp. 11-14.
  5. [1], Amazon.com
  6. Booklist review. Amazon.com
  7. Salin mula sa Ingles na: "2,139 names, largely of Poles--both Jews and non-Jews--who received visas between July 9 and August 31, 1940...It is far from complete; many who received visas from Sugihara, including children, are not on it. By statistical extrapolation, we can estimate that he helped as many as ten thousand escape; those who actually survived are probably no more than half that number."
  8. Levine, Hillel. (1996). In Search of Sugihara: The Elusive Japanese Diplomat Who Risked His Life to Rescue 10,000 Jews from the Holocaust, p. 7.
  9. 9.0 9.1 Levine, p. 285.
  10. Salin mula sa Ingles na: "some Jesuits in Vilna who were issuing Sugihara visas with seals that he had left behind and did not destroy, long after the Japanese diplomat had departed"
  11. Levine, p. 286.
  12. Chiune Sugihara Naka-arkibo 2018-05-15 sa Wayback Machine. - Yad Vashem (sa Ingles)
  13. Levine, p. 259.
  14. Isinalin mula sa Ingles na: "Even a hunter cannot kill a bird which flies to him for refuge."
  15. indexl, Geocities.jp
  16. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-07. Nakuha noong 2008-10-12.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 2007 New Year Specials - 6,000 Visas for Life Naka-arkibo 2007-04-02 sa Wayback Machine., websayt ng KIKU-TV, nakuha noong 13 Enero 2007
  18. 'Japanese Schindler' cartoon in works ni Iris Georlette (YNet News) 25 Abril 2006
  19. Salin mula sa Ingles na: "Dutch consul in Kovno [...] in league with a Japanese official who would grant rights of transit."

Iba pang mga babasahin

baguhin
  • Yukiko Sugihara, Visas for life, San Francisco, Edu-Comm Plus, 1995. ISBN 0-9649674-0-5
  • Yutaka Taniuchi, The miraculous visas -- Chiune Sugihara and the story of the 6000 Jews, New York, Gefen Books, 2001. ISBN 978-4897985657
  • Seishiro Sugihara & Norman Hu, Chiune Sugihara and Japan's Foreign Ministry : Between Incompetence and Culpability, University Press of America, 2001. ISBN 978-0761819714
  • Amleto Vespa, Secret Agent of Japan : A Handbook to Japanese Imperialism, London, Victor Gollancz, 1938.
  • Herman Dicker, Wanderers and Settlers in the Far East, New York, Twayne Publishers, 1962.
  • Abraham Kotsuji, From Tokyo to Jerusalem, Torath HaAdam Institute, 1975.
  • David Kranzler, Japanese, Nazis and Jews, Hoboken, NJ, Ktav Publishing House, 1976.
  • John J. Stephan, The Russian Fascists. Tragedy and Farce in Exile, 1925–1945, London, Hamish Hamilton, 1978.
  • Beth Hatefutsoth, Passage Through China : The Jewish Communities of Harbin, Tientsin and Shanghai, Tel Aviv, The Nahum Goldmann Museum of the Jewish Diaspora, 1986.
  • Samuil Manski, With God's Help, Northwestern University, 1990.
  • Solly Ganor, Light One Candle. A Survivor’s Tale from Lithuania to Jerusalem, New York, Kodansha International, 1995.
  • Eric Saul, Visas for Life : The Remarkable Story of Chiune & Yukiko Sugihara and the Rescue of Thousands of Jews, San Francisco, Holocaust Oral History Project, 1995.
  • George Passelecq & Bernard Suchecky, L'Encyclique cachée de Pie XI. Une occasion manquée de l'Eglise face à l'antisémitisme, Paris, La Découverte, 1995.
  • David S. Wyman (ed.), The World reacts to the Holocaust, Baltimore & London, The Johns Hopkins University Press, 1996.
  • Yaacov Liberman, My China : Jewishi Life in the Orienr 1900–1950, Jerusalem, Gefen Books, 1998.
  • Pamela Rotner Sakamoto, Japanese Diplomats and Jewish Refugees, Westport, CT, Praeger Pnblishers, 1998.
  • John Cornwell, Hitler's Pope. The Secret History of Pius XII, New York, Viking, 1999.
  • Alison Leslie Gold, A Special Fate. Chiune Sugihara, New York, Scholastic, 2000.
  • Astrid Freyeisen, Shanghai und die Politik des Dritten Reiches, Wurzburg, Verlag Königshausen & Neumann, 2000.
  • Dom Lee & Ken Mochizuki, Passage to Freedom. The Sugihara Story, New York, Lee & Low Books, 2003.
  • David Alvarez & Robert A. Graham, Nothing sacred. Nazi Espionage against the Vatican 1939–1945, London, Frank Cass, 2003.
  • Vincas Bartusevičius , Joachim Tauber u. Wolfram Wette, Holocaust in Litauen. Krieg, Judenmorde und Kollaboration im Jahre 1941, Wien, Böhlau Verlag, 2003.
  • Alvydas Nikzentaitis, The Vanished World of Lithuanian Jews, Amsterdam, Editions Rodopi B.V. , 2004.
  • Carl L. Steinhouse, Righteous and Courageous, Bloomington, Indiana, AuthorHouse, 2004.
  • Samuel Iwry, To Wear the Dust of War: From Bialystok to Shanghai to the Promised Land ; An Oral History, London, Palgrave Macmillan, 2004.
  • Tessa Stirling, Daria Nałęcz & Tadeusz Dubicki, Intelligence Co-operation between Poland and Great Britain during World War II, vol.1, London, Vallentine Mitchell, 2005.
  • Walter Schellenberg, The Memoirs of Hitler's Spymaster, London, André Deutsch, 2006.
  • Mordecai Paldiel, Diplomat heros of the Holocaust, KTAV Publishing House, NJ, 2007.
  • Alfred Erich Senn, Lithuania 1940 : Revolution from above, Amsterdam, Editions Rodopi B.V., 2007.
  • Martin Kaneko, Die Judenpolitik der japanischen Kriegsregierung, Berlin, Metropol Verlag, 2008.
  • Reinhard R. Deorries, Hitler’s Intelligent Chief, New York, Enigma Books, 2009.
  • Michaël Prazan, Einsatzgruppen, Paris, Ed du Seuil, 2010.
  • Miriam Bistrović, Anitisemitismus und Philosemitismus in Japan, Essen, Klartext Verlagsges, 2011.
  • J.W.M. Chapman, The Polish Connection: Japan, Poland and the Axis Alliance. Proceedings of the British Association for Japanese Studies, v. 2, 1977.
  • Teresa Watanabe, “Japan's Schindler also saved thouands Naka-arkibo 2012-12-05 at Archive.is”, Los Angels Times, March 20, 1994.
  • Dina Porat, “The Holocaust in Lithuania: Some Unique Aspects”, in David Cesarani (ed.),The Final Solution : Origins and Implementation, London, Routledge, 1994, pp. 159–175.
  • J.W.M. Chapman, “Japan in Poland's Secret Neighbourhood War” in Japan Forum No.2, 1995.
  • Ewa Pałasz-Rutkowska & Andrzej T. Romer, “Polish-Japanese co-operation during World War II ” in Japan Forum No.7, 1995.
  • Takesato Watanabe, “The Revisionist Fallacy in The Japanese Media1-Case Studies of Denial of Nazi Gas Chambers and NHK's Report on Japanese & Jews Relations Naka-arkibo 2012-01-14 sa Wayback Machine.”in Social Scienes Review, Doshisha University, No.59,1999.
  • Sabine Breuillard, “L'Affaire Kaspé revisitée” in Revues des études slaves, vol.73, 2001, pp.337-372.
  • Gerhard Krebs, Die Juden und der Ferne Osten, NOAG 175–176, 2004.
  • Gerhard Krebs, “The Jewish Problem in Japanese-German Relations 1933-1945” in Bruce Reynolds (ed.), Japan in Fascist Era, New York, 2004.
  • Jonathan Goldstein, “The Case of Jan Zwartendijk in Lithuania, 1940” in Deffry M. Diefendorf (ed.), New Currents in Holocaust Reseach, Lessons and Legacies, vol.VI, Northwestern University Press, 2004.
  • Hideko Mitsui, “Longing for the Other : traitors’ cosmopolitanism” in Social Anthropology, Vol 18, Issue 4, November 2010, European Association of Social Anthropologists.
  • “Lithuania at the beginning of WWII” Naka-arkibo 2011-05-16 sa Wayback Machine.
  • George Johnstone, “Japan's Sugihara came to Jews' rescue during WWII” in Investor's Business Daily, 8 December 2011.
baguhin