Harbin
Ang Harbin (Siriliko: Харбин; Tsino: 哈尔滨, Hārbīn) ay isang lungsod subprobinsyal sa hilagang-silangang Tsina at ang kabisera ng lalawigan ng Heilongjiang. Matatagpuan ito sa timugang pampang ng Ilog Songhua. Isang umuusbong na lungod industryal ang Harbin, at ito rin ang makkah o mecca-ng pampolitika, pang-ekonomiya, syentipiko, pangkultura, at pangkomunikasyones ng hilagang-silangang Tsina.
Harbin 哈尔滨 | |
---|---|
sub-province-level division, lungsod | |
Mga koordinado: 45°45′00″N 126°38′00″E / 45.75°N 126.6333°E | |
Bansa | Republikang Bayan ng Tsina |
Lokasyon | Heilongjiang, Republikang Bayan ng Tsina |
Itinatag | 1898 |
Kabisera | Songbei District |
Bahagi | |
Lawak | |
• Kabuuan | 53,076.48 km2 (20,492.94 milya kuwadrado) |
Populasyon (2020, Senso)[1] | |
• Kabuuan | 10,009,854 |
• Kapal | 190/km2 (490/milya kuwadrado) |
Plaka ng sasakyan | 黑A |
Websayt | http://www.harbin.gov.cn/ |
Orihinal na isang salitang Mantsung nangangahulugang “pook kung saan ipinapatuyo ang mga lambat.” May tinatanyag na palayaw ang Harbin bilang “Ang Perlas sa Leeg ng Sisne” dahil may pagkahugis-sisne (Inggles: swan) ang Heilongjiang. Tinatawag ding itong “Silangang Moskva” o “Silangang Paris” dahil sa arkitektura ng lungsod. Kilala din ito bilang “Lungsod Yelo” dahil sa mga mahahaba at mababangis nitong tagginaw.
Lingks palabas
baguhin- Pamahalaan ng Harbin, opisyal na website
- Retratong satelayt, viā Google Maps
Ang lathalaing ito na tungkol sa PRC ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.