Chobits
Chobits (ちょびっツ) ay isang Hapones na manga at anime series na gawa ng CLAMP. Ang orihinal na manga nailathala mula 2001 hanggang 2002 ng Kodansha.
Chobits Chobittsu | |
ちょびっツ | |
---|---|
Dyanra | Romantic comedy, Science Fiction |
Manga | |
Kuwento | CLAMP |
Naglathala | Kodansha |
Magasin | Young Magazine |
Takbo | 2001 – 2002 |
Bolyum | 8 |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Morio Asaka |
Estudyo | Madhouse |
Inere sa | Animax, TBS, BS-I |
Specials | |
|
Ang Ingles na manga ay lathala ng TOKYOPOP, at ang american translation ay ipinadala sa Australia ng Madman Entertainment. Ang tradisyonal chinese na magna ay lathala ng COMICSWORLD.COM sa ilalim ng opisyal na authorisasyon na sa Hong Kong lamang ito. Sa Singapore, Ang simplified chinese na bersiyon ay lathala ng Chuangyi. Di-tulad ng ibang CLAMP na istorya, ang Chobits ay isang seinen series, o isang magical girlfriend na uri ng palabas.
Balangkas
baguhinAng istorya ay umiikot sa buhay ni Hideki Motosuwa, 19(18 sa anime), isang repeater ("ronin") na nagbabalak na makatuntong sa unibersidad sa pamamagitan ng pag-aaral sa Seki cram school sa Tokyo. Bilang isang tapat at di-palalong binata na lumaki sa bukid, kakaunti lamang ang alam niya tungkol sa babae, bagamat ang kanyang imahinasyon at pagnanasa ay medyo aktibo. bukod sa isang girlfriend, pinapangarap niya ring magkaroon ng isang persocom. Daglatin ito ng salitang personal computer, dahil ito ay mga android na pwedeng alternatibo sa mismong kompyuter. Nadiskubre ni Hideki na ang mga persocom ay karaniwan sa siyudad. Mayroon silang personalidad na masunurin at kalmado; tinutulungan nila ang kanilang mga nagma-may-ari sa kanila sa mga gawain (tulad ng shopping, diktasyon, email, at utusan), madali silang makilala dahil sa mga malalaki nilang data ports sa bandang gilid ng ulo nila na mukhang tainga, at mag-internet. Pero napakamahal ng mga ito at walang pera si Hideki, kaya naisip niya na ang tanging paraan ng makakakuha siya ay kapag nakakita siya ng isa na nasa may gilid-gilid lamang.
Hindi niya inakala na mangyayari ito: pauwi mula sa grocery store nang isang gabi, may nadaanan siyang sirang persocom at nakatmbak sa basurahan.Ito ay hubad ngunit nabablutan ng puting tela at may hawig sa isang batang babae na blonde. Una'y inakala niyang isang sadyang pagpatay ang nakita niya, ngunit naalala niyang meron itong tainga na tulad ng ibang persocom na naka-display sa bintana kanina, binuhat niya ito habang pauwi (may nahulog na disk habang buhat). Binuksan niya ito at bigla itong nagkabuhay at tiningnan si Hideki ng may pagkagusto, niyayakap siya ng madalas at tinitingnan siyang natutuwa dahil madalas niyang gayahin ang ginagawa ni Hideki, pero ang kaya lamang niyang sabihin ay "chi", kaya iyon ang ibinigay niyang pangalan sa kanya (sa japanese anime "Chii" ang ibinigay niyang pangalan ngunit iisang "i" lamang sa manga).
Humingi si Hideki ng tulong sa kanyang kaibigang magaling sa teknolohiya na si Shinbo para malaman kung saan nanggaling si Chi. Mayroon siyang isang mas maliit na persocom na ang pangalan ay Sumomo (Plum sa manga). Ang kaya lang nilang alamin ay walang operating system naka-install kay Chi. Nalilito si Shinbo kung papaano nagiging buhay si Chi gayong blanko ang memorya nito, at ito ang simula ng misteryo ng pinanggalingan at layunin ni Chi.
Nakasalalay na ngayon kay Hideki ang pagtuturo ng salita, konsepto at asal kay Chi habang siya'y nag-aaral, naghahanap ng trabaho, at nakikipagkaibigan (marami sa kanila ang marahas na opinyon sa mga persocom). Nalaman niyang kailangan niyang kalimutan ang kanyang pagnanasa at protektahan si Chi mula sa mga taong gusto siyang mapasakanila; ibinili niya ito ng isang storybook na pinagkaka-interesan ni Chi sa di-malamang dahilan; ipinararamdam niya ang uncoditional na pagmamahal at binibigyan siya ng lakas ng loob sa kanyang pag-aaral. Dito makikita na may nararamdaman si Chi para kay Hideki na hindi naman dapat nagkakaroon ang isang persocom, at kapansin-pansin na may nararamdaman din si Hideki para sa kanya, kahit na binalaan na siya ng mga kaibigan niya tungkol sa pagmamahal ng isang artipisyal na tao.
Manga
baguhinAng orihinal na Chobits manga ay isinulat ng CLAMP, isang sikat na grupo ng apat na hapones manga-ka (manga artists) at naituloy sa Young Magazine sa bansang Hapon mula Pebrero 2001 hanggang sa katapusan nito noong Nobyembre 2002. Madalas gamitin ng CLAMP ang ibang tauhan mula sa ibang manga sa kanilang istorya. Ang Chobits ang isa sa kanilang tangka sa Shōnen na genre.
Ang manga ay may haba na walumpu't-walong (88) kabanata at nalikom sa walong aklat, na inilathala sa ingles ng TOKYOPOP Naka-arkibo 2006-11-13 sa Wayback Machine..
Anime
baguhinAng anime ay may dalawampu't-anim (26) na episode at ipinalabas sa buong Silangang Asya at Timog-Silangang Asya ng anime-telebisyong network na Animax. Ang mga episode na siyam (9), labing-walo (18), at palabis na ika-labing-pito (27th) OVA ay ginamit bilang recap na episodes, binabalikan ang mga pangyayari na naganap sa mga nakaraang episodes. Nabago ang ayos ng mga episode sa DVD; hindi kasama ang mga recap na episode sa pagkasunod-sunod, ngunit isinama sa huling DVD at naka-posisyon bilang 8.5, 16.5 at 24.5 kaya ang series ay naging dalawampu't-apat (24) ang mga episode.
Ang series ay napangasiwaan ni Morio Asaka habang si Hisashi Abe ay desayner ng mga tauhan at direktor ng animasyon. Mayroon din isang anim (6) na minutong: "Sumomo and Kotoko on a Quest", o "Chibits", na tungkol kay Sumomo at Kotoko.
laro
baguhinNoong 2002, ang Marvellous Entertainment Inc. ay naglabas ng larong Chobits sa Nintendo Game Boy Advance. Hindi ito nailabas sa bansang Hapon. Ang laro ay may kasamang asul na malinaw na Game Boy Advance na may decal ni Chi sa taasa ng A at B na buton at isang Chobits na logo sa ibabaw ng D-pad.
Ang online forum na Gaia Online ay may kagamitan na pwedeng isuot ng isang avatar na ang tawag ay "Doll Ears" na sipi ng mga "tainga" ni Chi. Ang paglalarawan ng kagamitan ay: "Ang isang master na manikero ng Gaia ay minsang gumawa ng isang maliit na manikang babae. Ibinuhos niya ang kanyang paghihirap sa paggawa sa kanya bilang pinakamagandang manikilya. Sususian niya ito at igagala sa bayan. Marami ang nagsabing mas maganda pa siya sa isang tunay na babae."
Tingnan din
baguhinPaalis na lingks
baguhin- Chobits DVD Naka-arkibo 2006-09-01 sa Wayback Machine. Opisyal na websayt na ingles para sa Chobits
- Chobits Manga Naka-arkibo 2006-11-13 sa Wayback Machine. Opisyal na websayt ng TOKYOPOP
- TV Animation Chobits Opisyal na websay ng TSB (Japanese)
- INNOCENCE Naka-arkibo 2007-01-14 sa Wayback Machine. (fansite)