Christopher Marlowe
Si Christopher Marlowe[2] (bininyagan noong 26 Pebrero 1564 – 30 Mayo 1593) ay isang Ingles na dramatista, makata at mananalinwika noong panahong Elisabetano. Si Marlowe ang pinaka nangungunang trahedyanong Elisabetano noong kaniyang kapanahunan.[3] Malakas ang kaniyang naging impluwensiya kay William Shakespeare, na ipinanganak noong taon din ng kapanganakan ni Marlowe at umangat upang maging isang tanyag na mandudulang Elisabetano pagkaraan ng misteryoso at maagang kamatayan ni Marlowe. Ang mga dula ni Marlowe ay nakikilala dahil sa paggamit ng bersong blanko, at nang kanilang mapaglampas na mga protagonista.
Christopher Marlowe | |
---|---|
Kapanganakan | 23 Pebrero 1564 (Huliyano)[1]
|
Kamatayan | 30 Mayo 1593 (Huliyano)
|
Mamamayan | Kaharian ng Inglatera |
Nagtapos | Unibersidad ng Cambridge |
Trabaho | mandudula, makatà, tagasalin, manunulat |
Asawa | none |
Pirma | |
Isang mandamyento ng pagpaparakip ang inilabas para sa paghuli kay Marlowe noong 18 Mayo 1593. Walang dahilang ibinigay para rito, bagaman inisip na mayroon itong kaugnayan sa mga elegasyon ng blaspemiya - isang manuskritong pinaniniwalaan na isinulat ni Marlowe na sinasabing naglalaman ng mga diwang heretiko at balakyot. Noong 20 Mayo 1593, dinala siya sa hukuman upang dumalo sa Konsilyo ng Privy upang litisin. Subalit walang pagtatala ng kanilang pagpupulong noong araw na iyon, at siya ay inutusang dumalo sa kanila bawat araw pagkatapos noon hanggang bigyan ng lisensiya o kapahintulutan na gawin ang kabaligtaran. Pagkalipas ng sampung mga araw, sinaksak siya hanggang sa mamatay ni Ingram Frizer. Hindi napatunayan kung ang pagkakasaksak sa kaniya ay mayroong kaugnayan sa kaniyang pagkakaaresto.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Internet Movie Database (sa wikang Ingles), Wikidata Q37312, nakuha noong 25 Hunyo 2019
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Si Christopher Marlowe ay nabinyagan bilang 'Marlow,' ngunit binaybay niya ang kaniyang pangalan bilang 'Marley' sa isang naitabi at nailigtas na hitsura ng kaniyang lagda. David Kathman. "The Spelling and Pronunciation of Shakespeare's Name: Pronunciation."
- ↑ Robert A. Logan, Shakespeare's Marlowe (2007) p. 4. "During Marlowe's lifetime, the popularity of his plays, Robert Greene's...remarks...including the designation "famous", and the many imitations of Tamburlaine suggest that he was for a brief time considered England's foremost dramatist."
- ↑ Nicholl, Charles (2006). "By my onely meanes sett downe: The Texts of Marlow's Atheism", nasa Kozuka, Takashi at Mulryne, J.R. Shakespeare, Marlowe, Jonson: new directions in biography. Ashgate Publishing, p. 153.