Ciminna
Ang Ciminna ay isang lungsod at comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Palermo, rehiyon ng Sicilia, Katimugang Italya, na matatagpuan humigit-kumulang 30 milya (48 km) timog-silangan ng kabisera nito, Palermo. Ang ekonomiya ng lungsod ay pangunahing nagmula sa agrikultura at tradisyonal na sining.
Ciminna | |
---|---|
Comune di Ciminna | |
Mga koordinado: 37°54′N 13°34′E / 37.900°N 13.567°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Sicilia |
Kalakhang lungsod | Palermo (PA) |
Lawak | |
• Kabuuan | 56.42 km2 (21.78 milya kuwadrado) |
Taas | 600 m (2,000 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 3,697 |
• Kapal | 66/km2 (170/milya kuwadrado) |
Demonym | Cimminesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 90023 |
Kodigo sa pagpihit | 091 |
Santong Patron | San Vito Martir |
Saint day | Unang Linggo ng Setyembre |
Websayt | Opisyal na website |
Ang pintor at Franciscanong pari na si Pasquale Sarullo ay isinilang sa Ciminna.
Kasaysayan
baguhinAng sinaunang kasaysayan nito ay nagpapakita ng ebidensya ng mga pamayanang Puniko at Romano gayundin ang pamamahala ng mga Arabe at Normando. May mga Griyegong guho kung saan matatanaw ang bayan na maaaring isang templo ni Demeter (Inang Daigdig), na itinayo noong panahon bago si Hesus. Ang pamilya ng manlalaro ng MLB na si Anthony Rizzo ay mula sa Ciminna, ang mga lolo at lola sa hanay ng ina ng Amerikanong direktor na si Martin Scorsese ay mula rin sa Ciminna.
Kultura
baguhinNakasentro ang makulay na kultura ng lungsod sa tuktok ng bundok sa mga taunang pagdiriwang at prusisyon ng relihiyon nito. Kabilang dito ang sinaunang La Festa del SS. Crocifisso (Pista ng Banal na Krusipiho), para sa isang linggo na nagtatapos sa Linggo at Lunes ng unang katapusan ng linggo ng Mayo (ginagawa bawat taon mula noong 1651); at ang Pista ni San Vito, patron ng lungsod, na isinasagawa tuwing unang bahagi ng Setyembre.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)