Klero

(Idinirekta mula sa Clergy)

Ang klero[1] ay ang mga namumuno sa isang uri ng pananalig o paniniwala. Kabilang sa mga ito ang mga pinuno ng simbahan, parokya, kongregasyon, moske, sinagoga, at mga katulad na sambahan: halimbawa na ang Santo Papa, mga pari (kaparian, kalipunan ng mga pari, o klerigo) o kura, obispo, arsobispo, diyakuno, imam (sa Islam), rabino (sa Hudaismo), ministro, pastor, at maging mga madre.[2] Sa Katolisismo at Kristiyanismo, si Hesus ang pinuno ng mga apostol. Nang makaraan ang pamumuhay ni Hesukristo sa mundo, naging pinuno ng natitirang mga unang alagad at ng mga naging sinaunang Kristiyano sina San Pedro at San Pablo, ang dalawang pinakakilala sa mga pangunahing misyonerong pangkristiyanismo.[3]

Klero

Katangiang pampinuno

baguhin

Kaugnay ng Kristiyanismo, naglalaman ang mga pastoral na liham na nasa Bagong Tipan ng Bibliya ng mga patnubay sa pagsasanay at pagpili ng mga pinunong pangpananampalataya. Tinatalakay ang mga katangiang hinahanap sa isang pinuno sa Unang Sulat kay Timoteo, Ikalawang Sulat kay Timoteo, at Sulat kay Tito, mga liham na inakdaan ni San Pablo ng Tarso. Kabilang sa mga katangian ng mga pinunong Kristiyano ang mga sumusunod: may malinis na reputasyon o katayuan sa lipunan; may pagyakap sa pananampalatayang katulad ng sa gawi o asal ng mga bata; pamumuhay na walang ikasasanhi ng kahihiyan sa harap ng lipunan; hindi hambog, mapagmalaki o mayabang, o walang labis na pagpapahalaga sa sarili; hindi madaling dapuan ng galit o init ng ulo; hindi mapaglasing o hindi nahahalina sa mga katulad na mga bisyong mahirap iwasan o pigilin kapag nadarang sa mga ito (katulad ng mga bawal na gamot o masasamang mga gawain); hindi kumakalinga ng kaguluhan at karahasan; hindi maramot, sakim o gahaman; magiliw o may magandang pagtanggap sa mga lumalapit na mamamayan (hospitalidad); nakakalasap ng katuwaan sa mga bagay na mabubuti, partikular na sa mga kaugnay ng moralidad; maalam at marunong sa pamumuhay at patas sa paghuhukom o paghuhusga; maaasahan ng ibang tao; may disiplina; isang deboto sa pananampalataya; may malinaw na pagkakaunawa sa pananampalataya at pangangaral; isang umuunlad na tao partikular na sa puso at isipan; may kakayahan at kagustuhang matuto; isang mabisang tagapamahayag at marunong sa pakikipagugnayan. Kailangan ang mga ganitong katangian sapagkat isang karangalan ang mamuno na may malaki at mahalagang tungkulin sa pamayanan.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Almario, Virgilio, pat. (2010). "klero, clergy". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gaboy, Luciano L. Clergy, klerigo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. "Missions and Missionaries, pahina 348". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "What qualities make a good leader?, paliwanag kaugnay sa Tito 1:5-9, pahina 208". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)