Tinggil

(Idinirekta mula sa Clitoris)

Ang tinggil, na natatawag na tungkil o kuntil sa kung minsan, ay isang kasangkapang pangkasarian ng isang babaeng mamalya. Sa mga tao, ang nakikitang bukong o umbok na malapit sa pangharap na bahagi ng maliit na labi ng puke, sa ibabaw ng bukana ng urethra at ng puke. Kaiba sa titi, na katumbas ng tinggil, hindi naglalaman ang tinggil ng malayung bahagi ng urethra at ang tungkulin lamang ng tinggil ay ang mang-udyok ng kaaliwang pangpagtatalik. Maliban na lamang ang mga Hyenang may batik, na ang sistemang yurohenital ay binago para makaihi, makapagtalik at makapagluwal ang babae sa pamamagitan ng isang malaki at nakatayong tinggil, na kilala bilang pseudo-penis o di-tutuong titi.[1]

Ginuhit na panlabas na anatomiya ng tinggil.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Laurence S. Baskina, Selcuk Yucelae, Gerald R. Cunhab, Stephen E. Glickmancd at Ned J. Placec (Enero 2006). "A Neuroanatomical Comparison of Humans and Spotted Hyena, a Natural Animal Model for Common Urogenital Sinus: Clinical Reflections on Feminizing Genitoplasty (Isang Paghahambing Pang-neuro-anatomiko ng mga Tao at May-batik na Hyena, Isang Likas na Halimbawang Hayop Para sa Karaniwang Butas Pang-yurohenital: Mga Paglalarawang Pang-klinika Tungkol sa Henitoplastiyang Nakadurulot ng Pagiging Babae Henitoplastiya". Journal of Urology (Diyaryo ng Yurolohiya). 175 (1): 276–283. {{cite journal}}: Italic or bold markup not allowed in: |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.