Kulay

(Idinirekta mula sa Color)

Ang mga kulay (Ingles: colour (UK) o color (US); Kastila: color) ay mga katangiang bahid ng mga bagay na nakikita ng mga mata ng tao na maaaring matingkad o mapusyaw.[1] Nanggagaling ang kulay ng kalikasan mula sa sinag ng araw. Pinaghihiwahiwalay ng bahaghari ang lahat ng mga sinag ng araw. Makikita natin sa loob ng bahaghari ang kadalisayan ng bawat kulay.[2]

Isang gulong na nagpapakita ng iba't ibang mga kulay.

Mga uri ng kulay

baguhin
 
Sa ganitong uri ng gulong ng mga kulay, makikita na katambal ng lila ang dilaw, samantalang ang bughaw ay katambal ng kahel.

Ang mga pangunahing kulay (Ingles: mga primary color) ay ang pula, dilaw at bughaw. Nagmumula sa mga ito ang ibang mga kulay, sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng dalawa sa kanila o ng mismong tatlong ito.[2]

Mayroon ding tinatawag na mga magkakatugma, magkakatambal, magkakaparehas o magkakaternong kulay (Ingles: mga complementary color), o ang mga kulay na hindi naglalaban bagkus ay nagtutulungan - lalo na kung magkakatabi - ang mga ito.[2] Kung titingnan ang gulong ng mga kulay, ang mga magkakaternong kulay na ito ay yung mga tuwirang nasa harapan ng bawat isa. Ito ang mga nagtutulungan o magkakaibigang pares ng mga kulay sapagkat kapwa pareho ang lakas o dating nila kapag natingnan ng mga mata. Magkaka-akma ang mga kulay na ito. Halimbawa: kung titingnan ang isang gulong ng mga kulay, hindi kinakalaban ng pula ang katumbas nitong lunti, ang kakambal ng dilaw ay lila, samantalang katerno naman ng bughaw ang kahel.[2]

Ipinapakita ng sumusunod na paglalarawan ang ugnayan ng mga magkakatugmang kulay:

   (pula at lunti);    (lila at dilaw);    (bughaw at kahel)

Kaugnayan ng kulay sa tao

baguhin

Bilang mga sagisag

baguhin

Nakapag-uudyok ng damdaming pantao ang mga kulay: kasiyahan o kalungkutan, maging kainitan at kalamigan. Kung kaya't - ayon sa kultura, pananaw, pananampalataya, katangian, at katayuan sa buhay - nagsisilbing mga sagisag at mga palatandaan ang mga kulay. Naging kaugnay ng dugo at apoy ang kulay na pula, samantalang ang inuugnay naman ang asul sa kalangitan, at ang berde sa mga dahon at damo. Bilang mga sagisag, ginamit ng mga tao ang kulay bilang mga katumbas-kaisipan (color association): naging simbolo ng mga maharlika ang kulay na lila, naging pangkaraniwang tanda ng kamatayan at lungkot ang kulay na itim, at ang puti naman bilang pananda ng kapurian at kagalakan. Subalit may ibang mga kalinangan na kaiba ang takbo ng pag-uugnay na ito: may mga bansang naniniwalang ang puti ay simbolo ng kapighatian. Para sa mga Tsino, hudyat ng pagdiriwang at kagalakan ang anumang may bahid na pula. Samantalang para sa mga mamamayan ng Indiya, tanda ng kabanalan ang pula.[2]

Sa larangan ng sining at arkitektura

baguhin

Ginagamit ng mga artistang pangsining at maging ng mga dalubhasa sa pagpapaganda ng panloob na kayarian ng mga gusali, at ng mga arkitekto ang katangiang-pandamdaming ito ng mga kulay. Pinag-aaralan nila kung paano mapapaaliwalas ang loob at labas ng isang kabahayan o gusali.[2]

Mga karaniwang kulay

baguhin

Iba pang mga kulay

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Kulay". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "Color". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)