Corleone
Ang Corleone (Italyano: [korleˈoːne]; Sicilian: Cunigghiuni [kʊnɪɟˈɟuːnɪ] o Curliuni [kʊɾlɪˈuːnɪ]) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) na may 11,158 naninirahan sa Kalakhang Lungsod ng Palermo, rehiyon ng Sicilia, Katimugang Italya.
Corleone Cunigghiuni / Curliuni (Sicilian) | |
---|---|
Città di Corleone | |
Corleone sa loob ng Kalakhang Lungsod ng Palermo | |
Mga koordinado: 37°49′N 13°18′E / 37.817°N 13.300°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Sicilia |
Kalakhang lungsod | Palermo (PA) |
Mga frazione | Ficuzza, Contrada Belvedere, Contrada Chiosi, Contrada Giammaria |
Pamahalaan | |
• Mayor | Nicolò Nicolosi |
Lawak | |
• Kabuuan | 229.46 km2 (88.60 milya kuwadrado) |
Taas | 600 m (2,000 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 11,128 |
• Kapal | 48/km2 (130/milya kuwadrado) |
Demonym | Corleonese(i) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 90034 |
Kodigo sa pagpihit | 091 |
Santong Patron | Santa Leoluca |
Saint day | Marso 1 |
Websayt | Opisyal na website |
Ilang mga boss ng Mafia ang nagmula sa Corleone, kabilang sina Tommy Gagliano, Gaetano Reina, Jack Dragna, Giuseppe Morello, Michele Navarra, Luciano Leggio, Leoluca Bagarella, Salvatore Riina, at Bernardo Provenzano. Ito rin ang lugar ng kapanganakan ng ilang kathang-isip na mga tauhan sa nobelang The Godfather ni Mario Puzo noong 1969, kasama ang eponimong si Vito (Andolini) Corleone.
Ang lokal na angkan ng mafia, ang Corleonesi, ang namuno sa Mafia noong dekada '80 at '90, at sila ang pinakamarahas at walang-awa na grupo na kailanman kumuha ng kontrol sa organisasyon.
Ang munisipalidad ng Corleone ay may lawak na 22,912 ektarya (56,620 akre) na may densidad ng populasyon na 49 na naninirahan bawat kilometro kuwadrado. Ito ay matatagpuan sa isang panloob na lugar ng bundok, sa lambak sa pagitan ng Rocca di Maschi, ng Castello Soprano, at ng Castello Sottano. Ang Corleone ay matatagpuan sa 542 metro (1,778 tal) sa itaas ng antas ng dagat.
Mga kilalang mamamayan
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- (sa Italyano) Corleone official website
- (sa Italyano) Corleone on comuni-italiani.it