Corona-chan
Si Corona-chan (Hapones: コロナちゃん, Tsino: 冠狀病毒醬)[1] ay isang antropomorpikong paglalarawan ng pandemyang COVID-19 at isang meme na unang ginamit sa 4chan at kalauna'y sa Reddit at iba pang mga pahinarya.
Pangkalahatang-ideya
baguhinUna itong ginawa ng mga tagagamit ng 4chan noong kalagitnaan ng Enero 2020. Bago ang Corona-chan, ang karakter na Ebola-chan na nauugnay sa epidemyang ebola noong 2014 sa kanlurang Aprika ay ikinalat sa mga imageboard at forum na gumagamit ng wikang Ingles. Si Corona-chan ay isang batang babae na may pakpak ng paniki at nakasuot ng pulang cheongsam[2] na may matitinik na bola sa buhok na sumisimbolo sa birus. May hawak siyang alak na tatak Corona sa kanyang kamay at madalas diumano ay lasing.[3] Sa ibang paglalarawan, itinaas niya ang pulang watawat na may limang bituin at kung minsan ay nagaalok ng sopas ng paniki.[4]
Ang subreddit na r/coronachan ay may 2,000 na miyembro at iba't ibang mga paglalarawan ni Corona-chan.[3] Hindi bababa sa 32 sa mga larawang ito ang ipinaskil noong Pebrero 7, 2020.[5] Noong huling bahagi ng Pebrero 2020, si Lushsux ay lumikha ng miyural kung saan lumilitaw si Corona-chan mula sa likod ni PewDiePie.[6]
Sa 4chan, may nagpaskil na may pamagat na "All hail [the scientist], creator of Corona-Chan" (Ipagbunyi [ang dalub-agham], tagalikha ni Corona-Chan) na may kawing sa isang artikulo sa Zero Hedge na nagmumungkahi na ang nasabing coronavirus ay ginawa sa Surian ng Birolohiya sa Wuhan.[7]
Mga reaksyon
baguhinIniisip ni Samantha Cole ng Vice Media na ang karakter ay may katangiang Tsino na nakakasakit sa lahi, ngunit maaari rin nitong gawing pampakalma sa mga tao mula sa madilim na serye ng balita.[3]
Ang Sina, isang media outlet sa Republikang Bayan ng Tsina, ay nagkamali na naniniwala na ang karakter ay nilikha ng isang Hapon, at inihambing ang mga katangian ng karakter kay Hinomoto Oniko (isang paglalarawan sa mga Hapones).[1]
Nang pinaskil ang isang babaeng hindi Tsino ng larawan ni Corona-chan na nag-cosplay sa internet, binatikos siya ng mga Tsinong tagagamit at humingi ng paumanhin. Ipinaliwanag niya na ang babae ay walang intensyon ng diskriminasyon o insulto at nais niyang iparating ang kahalagahan ng paghuhugas ng kanyang mga kamay upang maiwasan ang mga impeksyon. Samantala, pinuna siya ng ibang mga tagagamit dahil sa pagiging walang muwang sa mga Tsinong tagagamit, at ipinagtanggol ang kanyang aktibitad na sinasabing hindi nagkakamali ang mga babae at hindi kailangang humingi ng tawad.[8] Noong Marso 20, 2020, sinabi ng cosplayer na si Yaya Han na ang cosplay ni Corona-chan ay hindi rin katanggap-tanggap gaya ng Nazi cosplay, at hiniling sa iba pang cosplayer na pag-isipang mabuti ang paksa ng cosplay.[9]
Nagbabala si Michał Radomił Wisnyewski, isang Polakong manunulat at tagataguyod ng kulturang Hapones, na ang meme na ito ay nagpapadama sa mga tao na ang responsibilidad para sa pagkalat ng epidemya ay wala sa bansa, ngunit sa mga indibidwal, at itinuturo na ang ilang mga gawa ay mas nakaiwas dito, tulad ng "Komm, süsser Tod" na ginawa ni Ken Ashcorp.[10]
Ayon sa isang ulat ng Federal Protective Service ng Estados Unidos, ilang marahas na militante ay tumatalakay sa paggamit ng COVID-19 bilang isang sandatang biyolohikal at kimikal sa Telegram kung saan tinutukoy nila ang bagong uri ng coronavirus bilang "Corona-chan".[11][12][13]
Mga tala at sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "新型コロナウイルスを擬人化だと? 「受け入れられない」と怒り=中国メディア" [Antropomorpikong bagong coronavirus? "Hindi katanggap-tanggap" at galit = mediang Tsino] (sa wikang Hapones). Searchina. 2020-02-24. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-07-19. Nakuha noong 2020-03-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rafael, Simone (2020-03-27). "Rechtsterroristische Akzelerationisten: Hurra, diese Welt geht unter" [Maka-kanang terroristang mga accelerationist: Hurray, magwawakas na ang mundong ito]. Belltower.News (sa wikang Aleman). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-30. Nakuha noong 2020-03-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Cole, Samantha (2020-03-19). "As Coronavirus Spreads, Artists Are Coping With Waifus and Fursona Art" [Habang kumakalat ang Coronavirus, ang mga Artista ay kumakaya gamit ang mga Waifu at sining Fursona] (sa wikang Ingles). Vice Media. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-09-13. Nakuha noong 2020-03-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 林小山 (Lin Xiaoshan) (2020-02-07). "【武汉疫情】武汉肺炎被拟人化 防疫宣导需要"亲民"还是"庄重"" [[Epidemikong Wuhan] Ang pulmonyang Wuhan ay binibigyang-katauhan] (sa wikang Tsino). Duowei News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-08-30. Nakuha noong 2020-03-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 奶茶妹 (Naicha Mei) (2020-02-07). "【武漢肺炎】32張病毒擬人化插畫 詭異甜笑奉上劇毒蝙蝠湯" [[Pulmonyang Wuhan] 32 viral na antropomorpikong mga ilustrasyon, naghahain si "Weird Sweet Smile" ng makamandag na sabaw ng paniki] (sa wikang Tsino). HK01. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-08-29. Nakuha noong 2020-03-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ @lushsux [@lushsux] (Pebrero 25, 2020). "OH NO WATCH OUT BEHIND YOU PEWDIEPIE CORONA CHAN INCOMING 🦠" (Tweet) – sa pamamagitan ni/ng Twitter.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Broderick, Ryan (2020-01-31). "A Pro-Trump Blog Doxed A Chinese Scientist It Falsely Accused Of Creating The Coronavirus As A Bioweapon" [Isang Pro-Trump na blog ang nag-dox sa isang Tsinong dalub-agham na maling inakusahan ng paglikha ng Coronavirus bilang isang sandatang biyolohikal] (sa wikang Ingles). BuzzFeed. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-10. Nakuha noong 2020-03-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "外國正妹將武漢肺炎擬人化…中網民暴怒出征:給我道歉" [Isang dayuhang kapatid ay binibigyang-katauhan ang Pulmonyang Wuhan... Galit na galit ang mga Tsinong netizens: humingi ka ng tawad sa akin] (sa wikang Tsino). SET News. 2020-03-22. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-07-20. Nakuha noong 2020-03-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Yaya @ HOME [@YayaHan] (Marso 20, 2020). "During this global pandemic, I implore cosplayers to please think rationally - do not consider the coronavirus as a cosplay trend. I know we're used to cosplaying memes and gijinkas, but anything "Corona-chan" is as unacceptable as a Nazi cosplay. Please don't do it" (Tweet) – sa pamamagitan ni/ng Twitter.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wiśniewski, Michał R. (2020-04-11). "Słodka zaraza. Internet groźnie obchodzi się z wirusem" [Matamis na salot. Ang Internet ay mapanganib upang harapin ang virus] (sa wikang Polako). Polityka. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-04-11. Nakuha noong 2020-04-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Espinoza, Joshua (2020-03-22). "White Supremacists Reportedly Discussed Weaponizing COVID-19 Against Minorities" [Iniulat na tinalakay ng mga supremasistang Puti ang pagsasandata ng COVID-19 laban sa mga minorya] (sa wikang Ingles). Complex. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-25. Nakuha noong 2020-03-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Green, Jordan (2020-03-24). "Gleeful neo-Nazis see echoes of the 1930s as America plunges into a coronavirus crisis" [Ang mga masayang neo-Nazis ay nakakakita ng mga dayandang ng dekadang 1930 habang ang Amerika ay bumagsak sa isang krisis sa coronavirus] (sa wikang Ingles). The Raw Story. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-31. Nakuha noong 2020-03-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "White Supremacist Corona". Scribd. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-17. Nakuha noong 2020-04-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)