Cory Quirino
Si Cory Quirino (ipinanganak noong 11 Agosto 1953) ay isang TV host na Pilipino at siya ay dalubhasa din sa kalusugan at pagpapaganda. Ang buong pangalan niya ay Socorro Alicia R. Quirino at apo siya ng dating pangulo ng Pilipinas na si Elpidio Quirino.[1]
Cory Quirino | |
---|---|
Kapanganakan | 11 Agosto 1952
|
Mamamayan | Pilipinas |
Nagtapos | Philippine Women's University |
Trabaho | host sa telebisyon |
Talambuhay
baguhinSi Cory Quirino ay pangatlo sa pitong anak nina Tommy Quirino at Nena Rastrollo. Nag-aral siya sa mga relihiyosong paaralan tulad ng Holy Spirit, Assumption at Maryknoll (na ngayo'y kilala bilang Miriam College).
Nagsimula si Cory Quirino sa telebisyon nang mag-host siya sa programang "Oh no, it's Johnny!" sa RPN. Di kalaunan ay nagkaroon siya ng sarili niyang programang pantelebisyon: ang "Citiline". Ang "Citiline" ay tungkol sa mga paglalakbay ni Cory Quirino sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas at pati na rin sa buong mundo. Dito rin ibinabahagi ni Cory Quirino ang mga payo tungkol sa kalusugan at pagpapaganda. Ito ay isinahimpapawid sa Studio 23 sa huling bahagi ng dekada 80.
Noong naglakbay sina Cory Quirino at mga kasama niya sa Caliraya para bumuo ng isang kabanata ng "Citiline", sila ay dinakip ng mga tulisan. Ito ay naisatalambuhay sa aklat ni Cory Quirino na Waiting for the Light[2] at ang pelikulang The Cory Quirino Kidnap: NBI Files na pinagbidahan ng mga batikang aktres na sina Ara Mina at Alessandra de Rossi. Nailigtas ng maayos si Cory Qurino at bumalik siya sa pagho-host ng "Citiline" na ngayo'y tinatawag na The Good Life with Cory Quirino.[3]
Si Cory Quirino ay nagsulat ng mga aklat na pinamagatang "Forever Young" at ang mga ito ay tungkol sa kalusugan at pagpapaganda.[4] Siya rin ay nagsusulat ng mga artikulong pinamagatang "Inside Out" para sa Philippine Daily Inquirer na inilalathala tuwing Martes sa pahayagan at website nito.[5] Si Cory Quirino ay maririnig din tuwing Linggo alas-sais ng gabi sa DZMM sa programang pangradyo na pinamagatang Ma-Beauty Po Naman.[6]
Mga Tinampukan
baguhinTelebisyon
baguhin- Oh No, It's Johnny!
- Citiline (1989)
- The Eleven O'Clock News (1991)
- IBC 11 O'Clock News (1992)
- The Cory Quirino Show (2003)
- The Good Life with Cory Quirino (2005)
Babasahin
baguhin- Waiting For The Light (ISBN 971-52-2284-6)
- Forever Young: Cory Quirino's Guide to Beauty & Fitness (ISBN 971-27-0528-5)
- Forever Young: Cory Quirino's Guide to Beauty and Wellness (ISBN 971-27-1187-0)
- My ABCs of Beauty and Wellness (ISBN 971-27-1232-X)
- Inside Out
- Kabataan Habambuhay: Ang Gabay ni Cory Quirino tungo sa Kagandahan at Kalusugan (ISBN 971-27-1759-3)
Radyo
baguhin- Ma-Beauty Po Naman (2004 - present)
Pelikula
baguhinVideo
baguhinMga Pahinang Pagsangguni
baguhin- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-05-02. Nakuha noong 2006-05-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.amazon.co.uk/exec/obidos/ASIN/9715222846
- ↑ http://www.studio23.tv/progsched-sunday.aspx
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-11-16. Nakuha noong 2006-11-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://showbizandstyle.inq7.net/lifestyle/
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-12-06. Nakuha noong 2006-11-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Pahinang Paguugnay
baguhin- Cory Quirino sa IMDb
- The Cory Quirino Kidnap: NBI Files sa IMDb
- Artikulo tungkol kay Cory Quirino Naka-arkibo 2006-07-19 sa Wayback Machine. sa Her World website