Critical discourse analysis
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Pebrero 2016)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Ang critical discourse analysis (daglat: CDA, literal sa Tagalog bilang: mapamulang pagsusuri ng panayam) ay nakatuon sa pagkaka-ugnay ng wika, lipunan, at kapangyarihan. Tulad ng ibang teorya patungkol sa diskurso, and CDA ay nagaaral ng mga tunay na halimbawa ng pakikipag-usap ng mga tao gamit ang wika. Sa kabilang banda, ang kaibahan ng CDA sa ibang mga pag-aaral ng diskurso ay ang pagtingin sa kapangyarihan at panlipunang relasyon na sumasaklaw sa dalawang tao sa pakipagpalitan ng usapan.
Maraming mga dalubhasa ang nagbigay ng iba’t ibang depensiyon para sa CDA. Para kay Norman Fairclough, ito ang depenisyon ng CDA na nasa wikang Ingles:
Critical discourse Analysis aims to systematically explore often opaque relationships of causality and determination between (a) discursive practices, events and texts, and (b) wider social and cultural structures, relations and processes; to investigate how such practices, events and texts arise out of and are ideologically shaped by relations of power and struggles over power; and to explore how the opacity of these relationships between discourse and society is itself a factor securing power and hegemony (Fairclough, "Critical" 132-33).
Sa pakakahulugan ni Fairclough, ang nais gawin ng CDA ay ang gawing transparent o bukas ang mga aspeto ng diskurso para sa mga miyembro ng lipunan. Para sa kanya ay hindi malinaw sa mga tao na ang diskurso ay sinasaklawan ng mga ideolohiya at nagbibigay ng mga stratipikasyon ng kapangyarihan sa lipunan. Bukod pa rito, sinusubukan ng CDA na makapagbigay ng malinaw na imahe ng kung paano nagiging magkakaugnay ang diskurso, lipunan, at kapangyarihan. Nakabase ang pagkakahulugan na ito na sa ugnayang ito, nananatili ang hindi pantay na kapangyarihan ng mga tao sa isang lipunan.
Mahalagang banggitin na tinitignan ng CDA ang wika bilang isang kasanayang panlipunan. Nakabase rito ang mga implikasyon ng ganitong perspektibo. Isa sa mga ito, ayon kay Fairclough, ay na ang wika ay isang bahagi ng lipunan na mayroong nakapaloob na relasyon. Sa ganitong depenisyon, sinasabing ang lipunan at ang wika ay may magkabilaang ugnayan kung saan minomolde ng wika ang lipunan at minomolde rin naman ng lipunan ang wika.