Croissant
Ang croissant (Pagbigkas sa Pranses: [kʁwasɑ̃] ( pakinggan)) ay isang pasteleryang viennoiserie na mamantikilya at matuklapin na kinasihan ng hugis ng Austriyanong kipferl ngunit gumagamit ng pinaalsang masa na istilong Pranses.[1] Pinangalang croissant ito dahil gasuklay ang hugis nito sa buong kasaysayan. Pinagpapatong-patong ang masa kung saan may pahid ng mantikilya sa pagitan ng bawat suson, nirorolyo at tinutupi nang maraming beses nang sunud-sunod. Pagkatapos, nirorodilyo ito hanggang maging napakanipis, sa pamamaraan na tinatawag na paglalamina. Humahantong ito sa teksturang susun-suson at patumpik-tumpik, katulad ng ohaldre.
Uri | Viennoiserie |
---|---|
Kurso | Almusal |
Lugar | |
Kaugnay na lutuin | Pranses |
Pangunahing Sangkap | Pinaalsang masa, mantikilya |
Baryasyon | Pain aux raisins, Pain au chocolat, Pain aux fraises |
|
Mula noong Renasimiyento, ginagawa na ang mga tinapay na hugis gasuklay, at posible noong sinauna pa ginagawa ang mga keyk na hugis gasuklay.[2] Matagal nang isteypol ng lutuing Austriyano ang kipferl, at kadalasang matatagpuan sa mga panaderya at pasteleryahang Pranses. Nabuo ang modernong croissant noong pasimula ng ika-20 siglo kung kailan pinalitan ng mga panaderong Pranses ang masang brioche ng kipferl ng laminadong masa na pinaalsa.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Chevallier, Jim (2009). August Zang and the french croissant : how viennoiserie came to France [August Zang at ang Pranses na croissant: kung paano dumating ang viennoiserie sa Pransiya] (sa wikang Ingles). Chez Jim Books. ISBN 978-1-4486-6784-0. OCLC 903249778.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Qu'est-ce que la Bible? d'après la nouvelle philosophie allemande", isinalinwika (sa Ingles) ni August Hermann Ewerbeck. 1850. p. 327.
Gumawa ang mga babaeng Ebreo, sa panahon ni Jeremias, bilang paggunita sa paganong diyosa Astarte (reyna ng langit, reyna ng buwan) ng mga keyk, marahil sa hugis ng gasuklay. (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Magazine, Smithsonian; Fiegl, Amanda. "Is the Croissant Really French?" [Pranses Ba Talaga Ang Croissant?]. Smithsonian Magazine (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Hunyo 2022. Nakuha noong 2022-04-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)