Heograpiyang pangkalinangan
Ang heograpiyang kultural, kilala rin bilang heograpiyang pangkalinangan o heograpiyang pangkultura, ay isang kabahaging larangan ng heograpiyang pantao. Isa itong pag-aaral ng mga produktong pangkalinangan at mga kalakaran, pati na baryasyon ng mga ito, sa kahabaan nito. Pinag-aaralan rin sa larangang ito ang mga puwang o espasyo at mga lugar o pook. Nakatuon ito sa paglalarawan at pagsusuri ng mga paraan nag-iiba o nananatiling hindi nagbabago ang wika, relihiyon, ekonomiya, pamahalaan at iba pang mga penomenang pangkultura, mula sa isang lugar papunta sa iba. Nakatuon din ito sa pagpapaliwanag kung paano gumagalaw ang mga tao sa isang puwang o pook.[1]
Sa madaling sabi, ang heograpiyang kultural ay ang pag-aaral ng mga kultura, mga kaugalian o kostumbre (mga kinamihasnan), pananamit, musika, arkitektura, mga tradisyon, mga relihiyon, at mga wika ng mundo, at kung paano at bakit ang mga kalinangang ito ay lumaganap sa buong daigdig. Isang halimbawa ng laganap na kultura ay ang Mundong Arabo: maraming mga bansang pinaninirahan ng mga taong Arabo, mula Moroko sa hilaga-kanluran ng Aprika at nakalagay malapit sa Espanya, hanggang sa Sirya (na nakahangga sa Turkiya) at Yemen na malapit sa Etiyopiya.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Jordan-Bychkov, Terry G.; Domosh, Mona; Rowntree, Lester (1994). The human mosaic: a thematic introduction to cultural geography. New York: HarperCollinsCollegePublishers. ISBN 978-0-06-500731-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.