Si Džejla Glavović (Bosnian, sa alpabetong Cyrillic: Џејла Главовић) ay isang international beauty queen at isang Bosnian fashion model. Siya ay kinoronahan sa Pilipinas bilang ikalawang Miss Earth na mula sa kanyang bansang inirepresenta, ang bansang Bosnia and Herzegovina. Siya rin ay nakatala sa kasaysayan ng patimpalak na ito bilang unang taga-Bosnia na sumungkit ng korona at ng titulo sa isa sa mga major international title sa beauty contest.[1][2]

Džejla Glavović
Buong pangalanDžejla Glavović
Bansa Bosnia and Herzegovina
Taas1.80m (5ft 11in)
MataKayumanggi
BuhokItim
Mga TituloMiss Earth Bosnia and Herzegovina 2002
Miss Earth 2002
Mga PatimpalakMiss Earth Bosnia and Herzegovina 2002 (Panalo)
Miss Earth 2002 (Panalo)(Sinibak)
Miss Talent (Miss Earth 2002)

Miss Earth 2002

baguhin

Huling Gabi

baguhin

Si Glavović ang itinanghal na Miss Earth 2002 na nagmula sa Bosnia and Herzegovina. Noong panahong iyon, ang taong 2002 ay ang ikalawang taon ng patimpalak na Miss Earth. Bago siya itinanghal na Miss Earth 2002, siya ay masuwerteng napabilang sa sampung (10) semi-finalists na nagpasiklaban sa mga kompetisyong: tradisyunal na swimsuit, ang pakikipagpanayam, at ang evening gown competition.

Isang Tanong, Isang Sagot

baguhin

Matapos siyang nagpakitang-gilas sa mga nasabing patimpalak (kompetisyong tradisyunal na swimsuit, ang pakikipagpanayam, at ang evening gown competition), nakuha niya ang tiwala ng mga tagahatol at siya ay nakasama sa mga apat na binibini na naglaban-laban sa kompetisyong Isang Tanong, Isang Sagot. Ang apat na binibini ay binigyan ng isang tanong lamang.

Ingles (Orihinal)

Q: “Which has more significance in your life: the sunrise or the sunset?”

A: “Of course sunrise; people tend to be romantic during sunrise, something that symbolizes a new day and a new life. However, it’s not about sunrise or sunset but about the environment and we have to stop talking, start acting.”[3]

Filipino (Isinalin)

T: “Alin sa dalawa ang mas makabuluhan para sa inyo: ang pagsikat ng araw o ang paglubog ng araw?”

S: "Syempre ang pagsikat ng araw; dahil ang mga tao ay sadyang malambing tuwing pagsikat ng araw, at ito lamang ay nangangahulugan na isang bagong araw at bagong buhay ang muling sasalubong sa atin. Ngunit, 'di naman ito tungkol sa mismong pagsikat ng araw o paglubog ng araw kundi ito'y tungkol sa ating kalikasan, at dahil dito, kailangan nating kumilos, hindi puro nalang salita."

Siya ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa kompetisyong ito.

Pagkorona

baguhin

Si Džejla Glavović ay kinoronahang Miss Earth 2002 ng Miss Earth 2001 na si Catharina Svensson, na iginanap sa Quezon City, Pilipinas noong Oktubre 20, 2002.

Si Glavović ang unang kandidata na nagmula sa Bosnia and Herzegovina na nag-uwi ng korona at ng titulo mula sa isa sa mga kinikilalang "four major international beauty pageants". Ang mga ito ay ang Miss Earth, Miss International, Miss Universe, at Miss World.[4][5]

Bukod sa pag-uwi ng korona, siya rin ang sumungkit ng karangalang "Miss Talent".[6]

Pagkaalis ng Titulo

baguhin

Si Džejla ay gumawa ng kasaysayan sa patimpalak na ito bilang unang Miss Earth na itiniwalag sa kanyang napanalunang titulo. Siya ay inalisan ng titulo noong Mayo 28, 2003, at, gaya ng napagsunduan, siya'y agad napalitan ng kanyang sunod sa una na si, Winfred Omwakwe na taga- Kenya. Si Omwakwe ay ang pumalit kay Džejla at kinoronahang Miss Earth 2002.[7][8] Si Omwakwe ay kinoronahang bilang bagong Miss Earth 2002 nooong Agosto 7, 2003 sa Carousel Gardens na matatagpuan sa Mandaluyong City, Philippines.[9][10] [11]

Nagkataon na lamang din na isa ring panalo ang inalisan ng titulo. Ito ay si Miss Universe 2002 Oxana Fedorova, na taga-Russia, at kapwa taga-Europa ni Džejla. Ipinaliwanag ng nag-ayos ng patimpalak , ang Carousel Productions, na hindi daw niyang kayang tuparin ang lahat ng kanyang gagawin bilang Miss Universe.

baguhin

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Palmero, Paul (18 Hunyo 2005). "Pageant History". Pageant Almanac. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Disyembre 2008. Nakuha noong 7 Enero 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. West, Donald (18 Disyembre 2007). "Miss Earth History". Pageantopolis. Nakuha noong 7 Enero 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Galvez, Ric (30 October 2002). "Miss Earth 2002 Finals Night Review". Analyzing Beauty Pageants. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Nobiyembre 2008. Nakuha noong 10 January 2009. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  4. Diaz, Illac (7 Oktubre 2002). "Around Miss Earth in 56 ways". Manila Standard Today. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Pebrero 2014. Nakuha noong 10 Enero 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Couceiro, Dolores (30 Oktubre 2002). "Miss Tierra 2002". Concursos de Belleza. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Enero 2009. Nakuha noong 10 Enero 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Diaz, Illac (22 Oktubre 2002). "Beauties walk out on Miss Earth". Manila Standard Today. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Marso 2012. Nakuha noong 10 Enero 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Lo, Ricardo F.; Vanzi, Sol Jose (11 Agosto 2003). "Kenyan is Miss Earth". Philippine Headline News Online/Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Hunyo 2012. Nakuha noong 10 Enero 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Cowing, Emma (13 Mayo 2008). "Green Godesses [sic]". The Scotsman, Scotland. Nakuha noong 10 Enero 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Yazon, Giovanni Paolo J. (14 Agosto 2003). "Miss Kenya is now Miss Earth". Manila Standard Today. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Marso 2012. Nakuha noong 10 Enero 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Lo, Ricardo F. (10 Disyembre 2008). "A Gallery of Black Beauty Queens". The Philippine Star. Nakuha noong 10 Enero 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  11. Nguyen, Ha (27 Oktubre 2003). "South-eastern beauty enters Miss Earth Contest". VietNamNet Bridge. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Enero 2007. Nakuha noong 10 Enero 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Padron:MissEarths Padron:Miss Earth titleholders 2002