Ang DWAL (95.9 FM), mas kilala bilang 95.9 Radyo Totoo, ay isang istasyon ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Radyo Bayanihan System, ang media arm ng Arkidiyosesis ng Lipa. Ang studio nito ay matatagpuan sa ika-2 palapag, St. Francis de Sales Broadcast Center, 7 C. Tirona St., Batangas City; at ang transmitter nito ay matatagpuan sa Brgy. Sto. Domingo, Batangas City.[1][2]

Radyo Totoo Batangas (DWAL)
Pamayanan
ng lisensya
Batangas City
Lugar na
pinagsisilbihan
Batangas at mga karatig na lugar
Frequency95.9 MHz
Tatak95.9 Radyo Totoo
Palatuntunan
WikaFilipino
FormatNews, Public Affairs, Talk, Religious Radio
AffiliationCatholic Media Network
Pagmamay-ari
May-ariRadyo Bayanihan System
DWAM
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1969 (on AM)
mid-2009 (on FM)
Dating call sign
DWAM (1969–2002)
Dating frequency
1290 kHz (1969–November 22, 1978)
1368 kHz (November 23, 1978 - 1984)
1080 kHz (1984 - 2002)
Kahulagan ng call sign
Archdiocese of Lipa
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
ClassC/D/E
Power1,500 watts
ERP7,500 watts
Coordinates ng transmiter
Map
13°42′39″N 121°08′16″E / 13.71071°N 121.13765°E / 13.71071; 121.13765
Link
Website95.9 Radyo Totoo

Kasaysayan

baguhin

1969-2002: DWAM

baguhin

Itinatag ang istasyong ito noong 1969 bilang DWAM-AM sa 1290 kHz. Nasa Calero Road ang una nitong bahay. Gayunpaman, sa deklarasyon ng Batas Militar noong Setyembre 21, 1972, ito ang kabilang sa mga isinarang istasyong. Pagkatapos ng isang buwan, bumalik ito sa ere. Sa kalagitnaan ng dekada 70, lumipat ito sa Basilica Site sa Hilltop, Kumintang Ibaba.

Noong Nobyembre 23, 1978, lumipat ang frequency ng istasyong ito sa 1368 kHz. Noong 1984, lumipat muli ang frequency nito sa 1080 kHz, na dating pinag-arian ng DZBT mula 1980 hanggang 1983, nung lumipat ito sa Legazpi, Albay bilang DWRL.[3][4]

Noong 2002, dahil sa kalumaan ng mga pasilidad ng istasyong ito, nawala ito sa ere. Nawalan ng bisa ang lisensya nito noong 2004 bago ito makabalik sa ere.

2009-kasalukuyan: ALFM

baguhin

Noong kalagitnaan ng 2009, bumalik ito sa ere, ngayon sa FM sa pamamagitan ng 95.9 MHz at may call letters na DWAL. ALFM 95.9 Radyo Totoo ang naging branding ng istasyong ito na may kasamang slogan na Makipanalig, Makiugnay at Makidasal. Hindi kagaya ng kapatid nito na 99.1 Spirit FM, lisensyado ito sa Bayanihan Broadcasting Corporation na tagahawak ng lisensya ng mga istasyon ng radyo ng Catholic Media Network sa Quezon Province at Baler, Aurora. Higit pa rito, sa mga unang buwan ng pagsasahimpapawid nito, ang Radyo Natin Calamba na nasa sa parehong frequency ay humadlang sa pagsasahimpapawid ng ALFM. Naayos ang isyu nito noong 2010 nung lumipat ang Radyo Natin Calamba sa 106.3 MHz. Sa parehong taon, binago nila ang slogan sa Evangelization Radio, na kalaunan ay naging News and Evangelization Radio.[5]

Noong Mayo 21, 2015, lumipat ang ALFM at Spirit FM sa bagong nitong tahanan sa Balmes Building sa C. Tirona Street. Ang Basilica Site ay giniba at ginawang mortuary para sa mga parokya.

Noong 2018, binago ng istasyong ito ang slogan sa Katiwala Mo sa Serbisyo at Tunay na Balita.

ALFM sa Cable

baguhin

Ang TeleRadyo format ng ALFM ay inilunsad noong 2016 Philippine local at national elections sa MyCATV cable na nakabase sa Batangas sa pamamagitan ng Community Billboard Channel 8. Sa ilalim ng kasunduan na ginawa ng cable channel at ng istasyon, sabay-sabay na maglalabas ang channel ng mga programa ng ALFM sa umaga mula 7:00-10:30 am tuwing weekday at Linggo, at 7:00-11:00 tuwing Sabado. Binansagan ito bilang Ang NewsRadio ng Batangueño. Noong Disyembre 2018, naging Asian Vision ang MyCATV.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Communication Services | Batangas
  2. Golden Laurel LPU Batangas Media Awards 2019 Official Tally of Votes
  3. Co-workers condemn murder of Batangas election officer
  4. "Communication & Mass Media". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-06. Nakuha noong 2020-06-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Archdiocese of Gets a New FM Station