Arkidiyosesis ng Lipa

arkidiyosesis ng Simbahang Katolika sa Pilipinas

Ang Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng Lipa (Latin: Archidioecesis Lipaensis) ay binubuo ng lalawigang sibil ng Batangas na matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng kapuluan ng Luzon sa Pilipinas.

Arkidiyosesis ng Lipa
Archidioecesis Lipaensis
Kinaroroonan
Bansa Pilipinas
NasasakupanLalawigan ng Batangas
Lalawigang EklesyastikoLipa
KalakhanLipa, Batangas
Estadistika
Populasyon
- Kabuuan
- Katoliko
(noong 2004)
1,905,348
1,843,617 (96.8%)
Parokya53
Kabatiran
DenominasyonKatoliko Romano
RituRitong Romano
Itinatag na
- Diyosesis

10 Abril 1910
KatedralKatedral ni San Sebastian
Kasalukuyang Pamunuan
PapaFrancisco
ArsobispoGilbert Armea Garcera
Katulong na ObispoRamon Arguelles

Suffragan na Diyosesis

baguhin

Prelatura

baguhin

Lokasyon

baguhin

Ito ay napapaligiran ng mga lalawigan ng Kabite at Laguna sa hilaga, Lawa ng Tayabas at lalawigan ng Quezon sa silangan, Dagat Tsina sa kanluran, at sa timog naman ay ng Balayan at Batangas bay. Ito ay may lawak na 3,165 kilometrong-kwadrado at may populasyon na 1,688,480 noong taong 1994, 99.5 bahagdan dito ay Katoliko. Ang lalawigan ang pumapalibot sa Lawa ng Taal kung saan makikita ang Bulkang Taal sa gitna. Ang mayamang lupa ng Batangas ay nabuo sa mga abo na nanggaling sa mga aktibong bulkan ng Taal. Ang kalupaan ay kinapapaluoban ng mga mga bulubundukin, talampas at mabababang kabundukan kung saan ang pinakamataas dito ay ang Bundok Makiling na may taas na 1,109 metro(3,600 piye).

Arsobispo ng Lipa

baguhin

Ang kasalukuyang Arsobispo ng Lipa ay si Lubos na Kagalang-galang Obispo Ramon Cabrera Arguelles.

Pagkakatatag ng Diyosesis

baguhin

Ang Diyosesis ng Lipa ay natatag noong 10 Abril 1910, na naghihiwalay dito mula sa Maynila sa ilalim ng pamumuno ni Santo Papa Pius X. Ang Diyosesis noon ang namamahala sa mga lalawigan ng Batangas, Laguna, Quezon, Marinduque, at Mindoro kung saan si Lubhang na Kagalang-galang Joseph Petrilli, D.D., ang unang obispo. Naging malaking hamon sa kanya ito sapagkat ang Diyosesis ay napakalaki subalit kakaunti lamang ang mga pari.

Inimbitahan ni Obispo Petrelli ang iba't-ibang kongregasyong relihiyo na pumunta sa kanyang diyosesis at tumulong sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mananampalataya. Siya rin ang nakaisip magpatayo ng seminaryo sa diyosesis. Hunyo taong 1914 nang maitayo ang seminaryo ng diyosesis sa Bauan, na hindi naglaon ay inilipat sa San Pablo sa Laguna. Ang nasimulang ito nang unang obispo ay ipinagpatuloy ng sumunod na obispo na si Alfredo Versoza, D.D., na nanilbihan nang matagal mula taong 1916 hanggang 1950. Nag-imbita siya ng mga pari mula sa Society of St. Vincent de Paul para makatulong sa pamamahala ng bagong seminaryo.

Taong 1950 ang lubhang kagalang-galang Rufino Cardinal Santos ang naitalagang mamuno sa diyosesis. Itinuturing na mamamahala ng pananalapi ng dakilang acumen, nanghiram si Obispo Santos sa bangko upang makapagpatayo ng mga gusali. Sa ganitong paraan naipagpatuloy niya ang pagpapatayo ng Katedral ng Lipa at nakapagpatayo ng pangunahing seminaryo sa tabi nito.

Arkidiyosesis

baguhin

Sa pag-alis ni Monsignor Rufino Santor papunta sa Arkidiyosesis ng Maynila, dumating ang isang batang obispo, si lubhang kagalang-galang Alenjandro Olalia, D.D., na nanatili sa diyosesis mula 1953 hanggang 1873. Sa panahon ng panunungkulan niya naitaas ang antas ng Diyosesis ng Lipa, noong Ika-20 ng Hunyo taong 1972, sa pagiging ikasampung Arkidiyosesis at Eklesiastikong lalawigan sa bisa ng utos ng Santo Papa Paul VI. Ito ring kautusang ito ang nagtalaga kay Obispo Olalia bilang isang Arsobispo noong 15 Agosto 1972.

Namatay si obispo Olalia noong 1973 at napalitan ni obispo Ricardo J. Vidal na nanatili sa diyosesis hanggang 1981. Sa panunungkulan ni obispo Vidal pinangunahan niya ang pagtatatag ng Konsehong pang-Pastoral at nagpasimula sa pagpapatayo ng Lipa Archdiocesian Formation Center.

Si obispo vidal ay napalitan noong 1981 ni obispo Mariano Gaviola, D.D., na nanatili sa diyosesis mula 1981 hanggang 1993. Siya ang nasa katungkulan nang ipinagdiwang ng diyosesis ang ika-75 anibersary nito noong 19 Marso 1993. At ang pamamahala ay muling nalipat sa pagkakataong ito kay obispo Gaudencio Rosales, isang taga Lungsod ng Batangas. Siya ay naordenahan noong 1958 sa Lipa, naging Auxiliary na obispo ng Maynila noong 1974, nanilbihan bilang obispo ng Malaybalay noong 1982, at noong 30 Disyembre 1992 siya ay naiahalal na Arsobispo ng Lipa.

Ang Lalawigan

baguhin

Ang lalawigan ay mayaman sa mga likas na yaman. Halos 80 bahagdan ng mga Batangenyo ay may lupang sinasaka, at ang mga magsasakang batangenyo ay isang huwarang magsasaka na kilala sa kanyang kagalingang linangin ang lupa. Ito ay dulot ng mga may malalaking lupa na nagbebenta ng bahagi ng kanilang lupa, na nagbubunsod sa panlipunan pagkabagabag. Ang pangingisda at mga naitatagong mineral ay sagana sa lalawigan na mayroon ring bilang nang mga pagmamanupaktura industriya kasama na ang mga refiniries ng petrolyo, pagawaan ng asukal, mga kompanya ng inumin at pagkain at maraming mga industriya ng cottage. Ang baybayin ay nalalatagan ng mga beach resorts na malimit dinarayo ng mga lokal at mga banyagang turista. Kilala rin ito na malimit puntahan mga mahilig sa diving.

Ang Batangas ay dating tinatawag na Balayan, at ang Taal ang unang ulong-bayan. Taong 1754 ang ulong-bayan ay inilipa sa lungsod ng Batangas magpasahanggang ngayon. Ang Batangas ay bahagi rin ng kasaysayan sapagkat ito ang bayang sinilangan ni Apolinario Mabini, isang Pilipinong bayani na kilala bilang kahanga-hangang paralitiko na naging kalihim ng estado ng unang Republika ng Pilipinas. Ang huling heneral na sumuko sa mga Amerikano noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano na si Miguel Malvar ay rin nagmula.

Pagbabagong Teritoryal

baguhin

Sa paglipas ng panahon marami ang nagbago sa hurisdiksiyon ng Arkidiyosesis ng Lipa. Naging malaking karangalan sa arkidiyosesis ang pagkakaroon ng ibang lalawigan ng kakayanan na magsarili at bumuo ng sariling diyosesis. Una nang nahiwalay ang Mindoro noong 1936 na naging Apostolikong Prelature ng Calapan.

Taong 1950 naman ng maitatag ang Diyosesis ng Lucena at noong taong ding iyon naitatag ang Prelature ng Infanta na sumasakop sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Quezon, Polilio at Aurora, sumunod naman ang Laguna na naging hiwalay na diyosesis noong 1967, ito ang diyosesis ng San Pablo. Ang diyosesis ng Boac sa Marinduque naman ay naitatag noong taong 1977 at yaong sa Gumaca noong 1984. Ang dalawang huling nabanggit ay kapwa bahagi ng diyosesis ng Lucena bago pa sila mahiwalay. Taong 1983 nang mabuo ang Apostolic Vicariate ng San Jose sa Occidental Mindoro.

Sa ngayon ang arkidiyosesis ng Lipa ay para sa lalawigan ng Batangas na lamang. Subalit ang populasyon ay dumami ng ilang beses. Ito ay nahahati sa anim na vicariates, bawat isa ay pinamumunuan ng vicar forane. Maliban sa mga parokya sa ikaapat na Vicariate na pinamamahalaan ng Oblates ni St. Joseph, lahat ng mga parokya ay pinamumunuan ng mga paring diyosesyan. Mayroong 49 na parokya lahat-lahat ang arkidiyosesis na pinamamahalaan ng 143 na pari. 122 dito ang diyosesyan. Mayroong 13 relihiyosong brothers at 197 na relihiyosong sisters. Mayo 23 katolikong paaralan, 2 seminaryong pang sekondarya at 3 pang kolehiyo. At mayroong dalawang pastoral center na pinangangalagaan.

Mga sanggunian

baguhin