Ang Katoliko Romano Arsobispo ng Lipa ay ang pinuno ng Katoliko Romano Arkidiyosesis ng Lipa at ang Metropolitan Bishop ng supragan na diyosesis ng Boac, Gumaca, Lucena at ang ng Prelatura ng Infanta.

Kasaysayan

baguhin

Nang ang orihinal na diyosesis ng Lipa ay nalika noong 10 Abril 1910, ang obispo ng Lipa ay may kapangyarihan sa isang malawak na rehiyon na karamihan ay mga Tagalog. Ang Obispo ang nagmamasid sa mga Romano katoliko sa mga lalawigan ng Batangas, Laguna, Quezon, Marinduque, at Mindoro

Taong 1936 ang unang pagbabagong pangteritoryo ng Arkidiyosesis ng Lipa ay naisagawa sa pagkakalikha ng Prelatura ng Calapan na naghiwalay sa lalawigan ng Mindoro sa Arkidiyosesis. Sinundan ito ng pagkakalikha rin ng diyosesis ng Lucena at ng Prelatura ng Infanta noong 1950.

Isa pang pagbabago ang naganap noong 1967 nang ang lalawigan ng Laguna ay itaas ang antas sa pagiging diyosesis sa ilalim ng titulong Diyosesis ng San Pablo. Ang mga diyosesis ng Boac sa Marinduque ay noong 1977 at ng Gumaca nong 1984. Parehong galing sa diyosesis ng Lucena bago sila matatag. Taong 1983 ang bagong apostolikong Vicariate ng San Jose sa Occidental Mindoro ay nalikha.

Sa ngayon ang arkidiyosesis ng Lipa ay para sa lalawigan ng Batangas na lamang. Subalit ang populasyon ay dumami ng ilang beses. Ito ay nahahati sa anim na vicariates, bawat isa ay pinamumunuan ng vicar forane. Maliban sa mga parokya sa ikaapat na Vicariate na pinamamahalaan ng Oblates ni St. Joseph, lahat ng mga parokya ay pinamumunuan ng mga paring diyosesyan. Mayroong 49 na parokya lahat-lahat ang arkidiyosesis na pinamamahalaan ng 143 na pari. 122 dito ang diyosesyan. Mayroong 13 relihiyosong brothers at 197 na relihiyosong sisters. Mayo 23 katolikong paaralan, 2 seminaryong pang sekondarya at 3 pang kolehiyo. At mayroong dalawang pastoral center na pinangangalagaan.

Dati at Kasalukuyang Prelado ng Lipa

baguhin
Bilang Kasalukuyan Panunungkulan Tala
Mula Hanggang
1 Joseph Petrelli † 12 Abr 1910 Naitalaga 30 Marso 1915 Naitalagang unang obispo ng Diyosesis ng Lipa; kalauna'y naitalagang opisyal sa Roman Curia
2 Alfredo Verzosa y Florentin † 06 Set 1916 25 Peb 1951 nagretiro sa tanggapan
3 Alejandro Olalia † 28 Dis 1953 02 Ene 1973 Namatay sa panunungkulan
4 Ricardo Cardinal Vidal 22 Ago 1973 13 Abr 1981 kalauna'y naitalagang arsobispo ng Cebu
5 Mariano Gaviola y Garcés † 13 Abr 1981 30 Dis 1992
6 Gaudencio Cardinal Rosales 30 Dis 1992 15 Set 2003 kalauna'y naitalagang arsobispo ng Manila
7 Ramon Cabrera Arguelles 14 Mayo 2004 kasalukuyan ikapitong arsobispo ng Lipa

Ang Kasalukuyang Arsobispo

baguhin

Ang kasalukuyang Arsobispo ng Lipa ay ang lubhang kagalang-galang Ramon Arguelles Cabrera

  1. Arsobispo Ramon Arguelles Cabrera (14 Mayo 2004-kasalukuyan)
    1. si Arsobispo Ramon Arguelles ay isinilang sa Lungsod ng Batangas, Pilipinas noong 12 Nobyembre 1944. Siya ay pumasok sa Batangas South Elementary School mula sa unang baitang hanggang ikaapat na baitang (1951-1955) at St Bridget's College mula ikalimang baitang hanggang ikalawang taon sa sekundarya (1955-1959). Tinapos niya ang ikalawa hanggang ikalimang taon sa sekundarya sa seminaryo ng Ina Guadalupe Minor sa lungsod ng Makati (1959-1963). Nag-aral siya ng pilosopiya (1963-1966) at teolohiya (1966-1970) sa Seminaryo ng San Carlos a Lungsod ng Makati.
    2. 21 Disyembre 1969, siya ay inilaan sa mga pagpapari. Siya ay inilaan bilang obispo noong 6 Enero 1994. 14 Mayo 2004, siya ay hinirang na Arsobispo ng Lipa.
    3. Nag-aral din siya para sa Batsilyer ng Banal na Teolohiya at Lisensiya sa banal na Teolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas ng Aquinas (ang Angelicum) sa Roma (1972-1976) kung saan ay din siya nagaral ng karunungang panlipunan (1974-1976)
    4. Iba Pang Pag-aaral: Pranses, Universite d'Ete sa Paris, Pransiya (1973); Aleman, Goethe Institute, Passau, Alemanya (Tag-init 1976); Teresa de Avila, Centre Spirituel, Pransiya (1981-1982); Tertianship, Nemi pagpapabago Institute, Roma (Hulyo-Disyembre 1988); Poustinia, Madonna House, Comberemere, Ontario, Canada (Disyembre 1988-Hunyo 1989); apostoliko Ispiritualidad, St Bueno's, North Wales (Pebrero-Hulyo 1989)
    5. Ang kanyang ministro ng pagpapari ay nagsimula noong siya ay nanilbihan bilang katulong nang kura paruko sa San Jose de Manila sa lungsod ng Navotas, Kamaynilaan (1970-1972). Siya rin ay nagsilbi sa mga parokya sa Alemanya: Hoxter 1 Luchtringen (1973-1974); Clemenskirche, Hannover (1975); Grosskollnbach / Isar (1976)
    6. Siya rin ang dating prefek at tumatayong ministro ng Guadalupe Minor seminary (1977-1978). Sa loob ng tatlong taon siya ay nanilbihan bilang namamahalang-pari ng seminaryo ng Fil-Mission (Mission Society of the Philippines) sa Tagaytay (1978-1981) na kung saan siya ay propesor din ng Panimula sa Kasulatan. Nanilbihan siya bilang rektor ng Seminaryo n San Carlos sa Makati City (1982-1986) at propesor ng Ispiritualidad sa Summer Institute (1983-1985). Siya ay kura-paruko at kapelyan sa Unibersidad ng Pilipinas sa lungsod ng Quezon (1986-1988) at pagkatapos ay naging kura-paruko ng Ina ng Mt. Carmel, Lungsod ng Quezon.
    7. Nanilbihan siya bilang rektor ng Colegio Filipino sa Roma (1990-1994) at naging kapelyan ng mga Pilipino sa nasabing bansa sa loob ng dalawang taon (1990-1992).
    8. Itinalaga siya ni Santo Papa Juan Pablo II bilang katulong na obispo ng Maynila noong 27 Nobyembre 1993 at siya ay inilaan sa Basilika ni San Pedro sa Roma. Siya ay hinirang na ordinaryong Militar ng Ordinariate Military ng Pilipinas noong 25 Agosto 1995 at nagsilbi hanggang 2005.
    9. Mula 1995, siya ay naging tagapangulo ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples (ECMI) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Mula 1988 siya ay naging direktor pang-espirituwal ng National Service Committee of the National Charismatic Renewal Movement.

Mga Sanggunian

baguhin