Diyosesis ng Gumaca

diyosesis ng Simbahang Katolika sa Pilipinas

Ang Diyosesis ng Gumaca (Latin: Dioecesis Gumacana) ay isang diyosesis ng Ritung Latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas.

Diyosesis ng Gumaca
Dioecesis Gumacana
Kinaroroonan
Bansa Pilipinas
NasasakupanKatimugang Quezon (Alabat, Buenavista, Calauag, Catanauan, General Luna, Guinayangan, Gumaca, Lopez, Macalelon, Mulanay, Perez, Pitogo, Quezon, San Andres, San Francisco, San Narciso at Tagkawayan)[1]
Lalawigang EklesyastikoLipa
KalakhanGumaca, Quezon
Estadistika
Populasyon
- Kabuuan
- Katoliko
(noong 2006)
882,818
751,000 (85.1%)
Parokya77
Kabatiran
DenominasyonKatoliko Romano
RituRitung Romano
Itinatag na
- Diyosesis

9 Abril 1984
KatedralKatedral ni San Diego de Alcala
Kasalukuyang Pamunuan
PapaFrancisco
Kalakhang ArsobispoGilbert Armea Garcera
Apostolikong TagapangasiwaRamon D. Uriarte
Bikaryo HeneralRamon D. Uriarte

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ang diyosesis noong 9 Abril 1984 mula sa Diyosesis ng Lucena. Binubuo ito ng silangang bahagi ng lalawigan ng Quezon. Ito ang pinakabata sa tatlong diyosesis sa lalawigan ng Quezon sa ngayon. Ang una ay yaong sa Lucena na sumasakop sa katimugang bahagi, ang ikalawa ay yaong sa Infanta na sumasakop sa hilagang bahagi, at ang sa Gumaca na sumasakop sa silangang bahagi. Ang patron ng diyosesis ay si San Diego de Alcala.

Noong panahon ng Espanyol mga taong 1595, ang teritoryo ng Quezon ay napapasailalim ng pamamahala ng dating Diyosesis ng Caceres sa Kabikulan na ngayon ay isa nang arkidiyosesis. Napalipat ito sa Diyosesis ng Lipa noong nang ito ay nabuo noong taong 1910. Noong 12 Agosto 1950 ang Diyosesis ng Lucena ay naitatag at namahala sa buong lalawigan ng Quezon. Hanggang sa maitatag ang Territorial Prelature of Infanta ng taóng ding iyon na siya namang nagkaroon ng hurisdiksiyon sa buong hilagang bahagi. Ang bumubuo sa Diyosesis ng Gumaca ay dating bahagi ng Diyosesis ng Lucena bago ito nahiwalay.

Ang mga Pransiskano ang naitalang unang misyonero na nagdala ng Kristiyanismo sa lugar na ngayon ay bumubuo sa Quezon. Sa katunayan ang parokya ng Gumaca ay naitatag noong pa mang taong 1976, sinundan noong sa Mulanay taong 1836, at ang sa Lopez noong 1861.

Ang lugar na nasasakupan ng Diyosesis ng Gumaca ay may laking 6,666 kilometro-kwadrado at may populasyon na 678,518. Ito ay binubuo na mga bayan sa Quezon na malapit sa lalawigan ng Camarines at naliligiran ng Lamon Bay sa hilaga, dagat Sibuyan sa timog, Camarineses sa silangan at Tayabas Bay naman sa kanluran at ng Diyosesis ng Lucena.

Nang ito ay matatag, 21 parokya mula sa 48 ng Diyosesis ng Lucena ang napasalagay as bagong Diyosesis. At si Lubos kagalang-galang Obispo Emilio C. Marquez ang inordinahan at itinalagang unang Obispo ng nasabing Diyosesis noong 29 Enero 1985.

Sa ngayon ang Diyosesis ay mayroon nang Pastoral Formation Center kung saan ang mga tanggapan ng Diyosesis ay nakalagak. Ang Gumaca Diocesian Press, ang sangay tagapaglimbag ng diyosesis ay nasa operasyon na buhat pa noong taong 1986 at naglilimbag ng Tipan, isang buwanang sanggunian sa liturhiya at Saguisag, isang buwanang pahayagang palihan. Ang Mount St. Aloysius College Seminary ay ang seminaryo ng diyosesis na tumatanggap ng mga nagnanais magpari.

Sa ngayon ang Diyosesis ay mayroong 23 parokya. Ito ay hindi nagkaroon ng anumang pagbabago sa hurisdiksiyon at isa ito sa mga supragano ng Arkidiyosesis ng Lipa.

Ang ikalawang obispo ng diyosesis ay si Buenaventura Malayo Famadico, na naitalaga noong taong 2003. Ang kasalukuyang Obispo ng diyosesis ay si Victor de la Cruz Ocampo.

Mga Namuno

baguhin

Ordinaries

baguhin
Blg. Pangalan In office Coat of arms
1. Emilio Zurbano Marquez 15 Disyembre 1984 - 4 Mayo 2002  
2. Buenaventura Malayo Famadico 11 Hunyo 2003 - 25 Enero 2013  
3. Victor C. Ocampo[2] 3 Setyembre 2015 – 16 Marso 2023  
4. Euginius L. Cañete[3] 30 Setyembre 2024–kasalukuyan

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Diocese of Gumaca Parishes." Catholic Bishops Conference of the Philippines. Web. 18 Dis. 2011. (sa Ingles)
  2. Ferdinand Patinio (Marso 17, 2023). "Gumaca bishop Victor Ocampo dies at 71". pna.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 17, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Pope Francis appoints new bishop for Gumaca diocese". GMA News. Setyembre 30, 2024. Nakuha noong Setyembre 30, 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)