DWKL
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Ang DWKL (92.7 FM), mas kilala bilang 92.7 Brigada News FM, ay isang istasyon ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Brigada Mass Media Corporation. Ang studio at transmitter nito ay matatagpuan sa The Crossroads Building, Maharlika Highway, Brgy. Isabang, Lucena.[1][2]
Semi-satellite ng DWEY Batangas | |
---|---|
Pamayanan ng lisensya | Lucena |
Lugar na pinagsisilbihan | Quezon at mga karatig na lugar |
Frequency | 92.7 MHz |
Tatak | 92.7 Brigada News FM |
Palatuntunan | |
Wika | Filipino |
Format | ontemporary MOR, News, Talk |
Network | Brigada News FM |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Brigada Mass Media Corporation (Baycomms Broadcasting Corporation) |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1987 |
Dating pangalan | Bay Radio (1987-2013, 2019-2020) |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 10,000 watts |
Link | |
Webcast | Live Stream |
Kasaysayan
baguhin1987 - 2011: Bay Radio
baguhinItinatag ang istasyong ito noong 1987 bilang 92.7 Bay Radio na may pang-masang format.
Noong Abril 2011, nasa pamamahala ito ng Air1 Global Advertising Corporation. Lumipat ang istasyong ito sa Lemery, Batangas at itinaas ang ERP ng transmitter nito sa 30 kW.
Gayunpaman, binigyan ng Iddes Broadcast Group ang Air1 ng isang kasunduan sa pamamahala para sa DWCH (91.9 FM). Dahil dito, noong Hunyo 6, 2011, bumitiw sa pamamahala ang Air1 sa 92.7 FM at nawala ang istasyong ito sa ere.
Noong Julyo 2011, nasa pamamahala ng istasyong ito ng pamahalaang Lungsod ng Lucena ang nag-broker sa istasyon.
2013 - 2019: Brigada News FM
baguhinNoong Oktubre 1, 2013, ang istasyong ito ay naging bahagi ng pagbili ng Brigada Mass Media Corporation sa Baycomms Broadcasting Corporation pagkatapos ay sumailalim sa soft launch kasama ang Brigada News FM at Healthline plugs and stingers noong Oktubre 28.
Noong Abril 2014, inilunsad ng 92.7 Brigada News FM ang mga operasyonng pangbalita.
Gayunpaman, hindi ito gaano tumatak. Noong Hulyo 2015, tinanggal ng istasyong ito ang mga sarili nitong programa at naging relay lamang ito ng kapatid nitong istasyon sa Batangas.
Noong Setyembre 8, 2017, muling inilunsag ng istasyong ito ang mga sarili nitong programa.
2019 - 2020: Pagbabalik ng Bay Radio
baguhinNoong Hunyo 8, 2019, ibinalik ng istasyong ito ang branding na 92.7 Bay Radio na may slogan na "Sabay sa Bay" at bumalik ito sa pang-masang format.
2020 - kasalukuyan: Pagbabalik ng Brigada News FM
baguhinNoong Enero 20, 2020, ibinalik ng istasyong ito ang branding na Brigada News FM branding at karaniwang format. Kasalukuyan itong may pinaghalong programang lokal at simulcast mula sa Brigada News FM Batangas.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "TABLE 20.7a" (PDF), 2011 Philippine Yearbook, Philippine Statistics Authority, pp. 18–45, nakuha noong 2024-10-14
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2022 NTC FM Stations" (PDF). foi.gov.ph. Nakuha noong 2024-10-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)