Daliri sa kamay

(Idinirekta mula sa Daliri ng kamay)
Human fingers; 15kb
Mga daliri sa kaliwang kamay ng tao

Ang daliri sa kamay ay isa sa mga bahagi ng katawan ng tao o isang organo ng manipulasyon at pandama na matatagpuan sa mga kamay ng mga tao at mga unggoy tulad ng matsing na tsimpansi. Karaniwang ang mga tao ay may limang daliri sa bawat kamay, maliban na lamang kung may mga abnormalidad na tinatawag na polydactyly, hypodactyly o pagkaputol ng daliri. Ang unang daliri ay ang hinlalaki, na sinundan ng hintuturo, hinlalato, palasinsingan, at hinliliit.

Maaaring ituwid (Ingles:extend), ibaluktot (Ingles: flexion), at paikutin (Ingles:circumduction) ang bawat daliri. Sa mga tao, may dalawang malaking muskulo na ginagamit para maibaluktot ang bawat daliri, at may mga karagdagang muskulo na tumutulong sa galaw na ito. Maaaring gumalaw ng walang tulong sa ibang mga daliri ang bawat daliri, subalit may mga tendon na nakaakibat sa bawat isang daliri na maaaring makapagdulot na hindi kumpletong malayang paggalaw. Kapunapuna ito sa panggitnang daliri kung nakabaluktot ang ibang mga daliri.

Kadalasan, nakokontrol ng tao ang galaw ng kaniyang mga daliri. Sa mga tao, ginagamit ang mga ito para humawak, pagtitipa o pagmamakinilya (typing), paglilinis, pagsusulat, paghimas, at marami pang ibang mga gawain. Ginagamit din ang mga ito sa paghudyat, pagsusuot ng mga palatandaan tulad ng singsing pangkasal, pagbibilang, o pagsenyas bilang uri ng pakikipagugnayan (wikang pasenyas).

Bukod sa mga organong pangreproduksiyon, mayroong pinakaraming bilang ng mga pandama (mga touch receptor at thermoreceptor) ang mga dulo ng daliri kung ihahambing sa lahat ng ibang pang mga bahagi ng balat ng tao. At dahil dito, mas sensitibo ito sa pagdama ng init at lamig, pagdagan, panginginig, kabasaan, at kagaspangan. Dahil rin dito, ginagamit kadalasan ang mga daliri sa pagsalat at paghahambing ng mga bagay sa mundo, at dahil dito mas madalas na nasusugatan o nasasaktan ang mga daliri.

Walang ibang muskulo ang mga daliri kung hindi ang mga arrector pili. Nasa palad at mga braso ang mga muskulong nagpapagalaw sa hugpungan ng mga daliri. Makikitang gumagalaw sa ilalim ng balat sa may kasu-kasuan sa puno ng kamay at sa likod ng kamay ang mga tendon na nagbubunsod ng aksiyon mula sa mga muskulo ng braso.

Mga uri ng daliri sa kamay

baguhin

Narito ang mga iba't ibang daliri ng kamay:

 
  1. hinlalaki
  2. hintuturo,
  3. hinlalato, ang pinakamahaba
  4. palasingsingan, ang pang-apat
  5. hinliliit

Mga karamdaman

baguhin

May isa sa loob ng 500 mga tao ang naaapektuhan ng bihirang problemang pang-anatomiya, na ang isang tao ay may mas maraming bilang ng daliri kaysa karaniwan na kilala sa katawagang polydactyly. Maaari ring na may kulang o may isa o ilan lamang o walang mga daliri ang isang tao. Karaniwan na ang mga butong falanges o phalanx ay mabali o magkalamat (may fracture). Maaaring magdulot ng kawalan ng kakayahang gamitin o igalaw ang daliri kung may diprensiya ang mga tendon, katulad ng mallet finger. Kadalasan ding maapektuhan ng sakit na rayuma o atritis at gout ang mga daliri. Madalas na gamitin ng mga may diabetes ang mga daliri upang kumuha ng mga halimbawa ng dugo para sa pag-alam ng antas ng asukal sa dugo. Isang problemang neurobaskular na naaapektuhan ang mga daliri ang penomenong Raynaud.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin