Damiana Eugenio

Pilipinong manunulat

Si Damiana L. Eugenio ay isang babaeng Pilipinong manunulat at propesorang kilala bilang Ina ng Kuwentong-Bayan ng Pilipinas (Filipino: Ina ng Folklor ng Pilipinas), isang pamagat na natanggap niya noong 1986. Bukod sa pagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas, maraming siyang naging lathalain sa larangan ng Kuwentong-bayan ng Pilipinas, kabilang dito ang magkakasunud-sunod na pitong mga aklat na tinipon niya at pinatnugutan.[1][2]

Damiana L. Eugenio
Kapanganakan27 Setyembre 1921
Pilipinas
Kamatayan10 Oktubre 2014
EdukasyonUnibersidad ng Pilipinas, Kolehiyong Mount Holyoke, Pamantasan ng California, Mataas na Paaralan ng Nueva Ecija
TrabahoPropesora, may-akda

Talambuhay

baguhin

Pinag-aralan

baguhin

May hawak na degring BSE si Eugenio at nagtapos bilang cum laude mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Tinamo niya ang kaniyang degring M.A. sa Panitikang Ingles mula sa Kolehiyong Mount Holyoke, Massachusetts, at ang kaniyang degring Ph.D. mula sa Pamantasan ng California sa Los Angeles, kung nagsagawa siya ng mga pag-aaral hinggil sa mga kuwentong-bayan o folklor. Isa siyang propesora sa Kagawaran ng Ingles at Palahambingang Panitikan para sa Kolehiyo ng mga Sining at Sulatin sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Lungsod ng Quezon. Naglingkod rin siya bilang isang pangalawang pangulo ng Ugnayang Panlabas ng Samahang Pangkuwentong-Bayan ng Pilipinas (External Affairs of the Philippine Folklore Society), dating tagapangasiwa ng Kahatian para sa mga Araling Pantao, at kalihim na pangkorporasyon ng Pambansang Konsehong Pampananaliksik ng Pilipinas (National Research Council of the Philippines, NCRP).[2]

Bilang may-akda

baguhin

Paglalarawan

baguhin

Nilarawan ang mga akda ni Eugenio bilang mga tomo ng masinsin at madalubhasa ang pagkakabanghay at bilang isang mahalagang mga sanggunian para sa mga dalubhasang gumagawa ng mga pag-aaral ukol sa Pilipinas at bilang mga panghambing na mga kuwentong-bayan. Nasusulat sa wikang Ingles, nagsilbi ang kaniyang Philippine Folk Literature: The Myths (1993) bilang isang kalipunang nagtataguyod sa "pambansa at pandaigdigang batayan sa kuwentong-bayang Pilipino," na tinipon mula sa mga nasusulat na mga napagkunan sa halip na mga kinalap na mga bersyong pasabi, at nilayong makahikayat ng mga may-hilig o pagkiling sa paksa. Sa akdang ito, nagpakita rin si Eugenio ng mga tinipong mga paglalahad ng mga nararapat na kontekstong pangdalubhasa na nagtatanggol sa pagkakasama ng mga alamat ng mga santo, na taliwas sa pagiging isang purong kalipunan ng mga mito. Nilarawan din ang partikular na tomong ito bilang isang mairerekomendang gawa para sa "sinumang taong may interes sa mga paksang pangdaigdigang-pananaw ng mga Pilipino at sistema ng mga pagpapahalaga, sa mga dalubhasang nagsusuri sa mga mitong sumasakop sa mga kalinangan, at sa sinumang nasisiyahan sa mga pananaw na ibinibigay ng mga paglalahad ng isang kultura."[1]

Mga parangal at pagkilala

baguhin

Nakatanggap si Eugenio ng isang gawad mula sa Philippine Board on Books for Young People (Gawad PPBY) noong 1991 para sa kaniyang mga gawain sa tanang buhay at para rin sa kaniyang mga mahahalagang ambag para sa pagtataguyod na pang-edukasyon ng mga kabataan.[2][3] Bukod sa pagtatalaga sa kaniya bilang Ina ng Kuwentong-Bayan ng Pilipinas ng U.P. Folklorists, Inc. at U.P. Folklore Studies Program noong 1986, nagkamit din siya ng mga sumusunod na mga pagkilala: Most Outstanding Novo Ecijano in the Field of Arts for Literature (Nueva Ecija High School Alumni Association, 1983), Professional Achievement Award in the Humanities for folklore studies (U.P. Alumni Association, 1987), Catholic Mass Media Award: Best Book in English (isang pinalista, 1987), National Book Award for Literary History (Manila Critic Circle, 1987), Achievement Award in the Humanities (Philippine National Science Society/NCRP, 1989), Gawad Sentrong Pangkultura ng Pilipinas na pangsining para sa pagsasaliksik na pangkalinangan (Gawad CCP para sa Sining, 1992), Golden Jubilarian Achievement Award (U.P. Education Alumni Association, 1992), National Follower of Balagtas Award (Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas, mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas o ang Philippine Writers Union, UMPIL, 1993), Manila Critics Circle Citation (1995), Centennial Award for Cultural Research (Parangal Sentenyal sa Sining at Kultura) (Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, 1999), Most Distinguished Alumna of the Nueva Ecija High School (1999), at ang Silver Torch Award (U.P. Educational Alumni Association, 2000).[2]

Mga gawa

baguhin
  • Philippine Proverb Lore (2017)
  • Awit and Korido: A Study of Fifty Philippine Metrical Romances in Relation to Their Sources and Analogues (1965)
  • Philippine Folk Literature: An Anthology (1981)
  • Philippine Folk Literature: An Anthology (1982)
  • Philippine Folk literature: The Legends (Philippine Folk Literature Series, 1987)
  • Awit and Corrido (Hulyo 1988)
  • Awit and Corrido: Philippine Metrical Romances (Agosto 1988)
  • Philippine Folk Literature: The Myths (Philippine Folk Literature Series, Volume 2, Enero 1994)
  • Philippine Folk Literature: The Riddles (Philippine Folk Literature Series, Volume 5, Setyembre 1995)
  • Philippine Folk Literature: An Anthology (Philippine Folk Literature, 31 Mayo 2008)

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Retheword, Robert, “Damiana L. Eugenio,” Philippines, Book Reviews (PDF version) (HTML version), EF International, Oakland
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Damiana L. Eugenio." About the Author, Philippine Folk Literature Series: Vol. III, The Legends, Philippine Folk Literature, University of the Philippines Press. ISBN 9715423574
  3. “Damiana L. Eugenio” Naka-arkibo 2008-08-19 sa Wayback Machine., Alba, Reinero A. Philippine Board on Books for Young People Awards (PPBY Awards), Nurthuring Children’s Literature in the Philippines, InFocus, National Commission for Culture and the Arts, 28 Hulyo 2003, NCCA.gov.ph, nakuha noong 8 Oktubre 2008