Sa astronomiya, ang dark matter (lit. na 'materyang madilim') ay isang hipotetikong anyo ng materya na mukhang hindi nakikipag-interaksyon sa liwanag o sa kampong elektromagnetiko (electromagnetic field). Ipinapahiwatig ang dark matter sa pamamagitan ng mga epekto ng grabidad na hindi mapaliwanag ng pangkalahatang relatibidad maliban kung may presensya ng mas maraming materya kaysa sa maaring makita. Nangyayari ang mga ganoong epekto sa konteksto ng pagbuo at ebolusyon ng mga galaksiya,[1] paglelente ng grabitasyon,[2] ang kasalukuyang kayarian ng namamasid na uniberso, posisyon ng masa sa mga banggaang galaktiko,[3] ang mosyon ng mga galaksiya sa loob ng mga kumpol ng galaksiya, at mga anisotripiya ng kosmikong microwave background.

Sa pamantayang modelong Lambda-CDM ng kosmolohiya, ang nilalamang masa-enerhiya ng uniberso ay 5% ordinaryong materya, 26.8% dark matter, at 68.2% dark energy, isang anyo ng enerhiya.[4][5][6][7] Kaya, binubuo ang dark matter ng 85%[a] ng kabuuang masa, habang binubuo ang dark energy at dark matter ng 95% ng kabuuang nilalaman ng masa–enerhiya.[8][9][10][11]

Hindi kilala ang dark matter na nakikipag-interaksyon sa ordinaryong materyang baryoniko at radyasyon maliban sa pamamagitan ng grabidad,[b] na mahirap na makita sa laboratoryo. Ang laganap na paliwanag ay na ang dark matter ay isang hindi pa nadidiskubreng partikulang subatomiko,[c] tulad ng mga weakly interacting massive particle (WIMPs, o mahinang nakikipag-interaksyong malaking partikula) o mga axion.[12] Ang ibang pangunahing posibilidad ay ang dark matter ay binubuo ng primordiyal na mga black hole.[13][14][15]

Inuuri ang dark matter bilang "malamig", "mainit-init", o "mainit" ayon sa belosidad nito (mas tumpak, ang malayang pag-anod ng haba nito). Pinaboran ang kamakailang mga modelo ang isang senaryong malamig na dark matter, kung saan lumalabas ang mga estruktura sa pamamagitan ng unti-unting pagkaipon ng mga partikula, subalit pagkatapos ng kalahating dantaon ng walang bungang paghahanap ng partikulang dark matter, ang mas kamakailang mga obserbasyon ng along grabitasyon at ng Teleskopyong Pangkalawakang James Webb ay lubhang pinagtibay ang kaso para sa primordiyal at mga direktang collapse black hole.[13][14][16]

Bagaman pangkalahatang tinatanggap ng pamayanang astropisika ang pagkakaroon ng dark matter,[17] isang minorya ng mga astropisiko, naintriga sa mga espesipikong obserbasyon na hindi naipaliwanag ng mabuti ng ordinaryong dark matter, ay nangatuwiran para sa iba't ibang pagbabago ng pamantayan sa mga batas ng pangkalahatang relatibidad. Kabilang dito ang binagong dinamikong Newtoniyano, grabidad na tensor-bektoryal-eskalar, o grabidad na entropiko. Sa ngayon, wala sa mga pinanukulang teoriyang binagong grabidad ang matagumpay na naisasalarawan ang bawat piraso ng namamasid na patunay at kasabay nito, pinapanukula na kahit kailangang baguhin ang grabidad, may ilang anyo ng dark matter ang kinakailangan pa rin.[18]

Mga pananda

baguhin
  1. Yayamang hindi nabibilang ang dark energy bilang materya, ito ay 26.8/4.9 + 26.8 = 0.845.
  2. Nakikipag-interaksyon ang ilang mga kandidatong dark matter sa ordinaryong materya sa pamamagitan ng interaksyong mahina, subalit mahina ang interaksyong mahina, na ginagawang napakahirap ang direktang deteksyon.
  3. Isang maliit na bahagi dark matter ay maaring baryoniko at/o mga neutrino.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Siegfried, T. (5 Hulyo 1999). "Hidden space dimensions may permit parallel universes, explain cosmic mysteries". The Dallas Morning News (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Trimble, V. (1987). "Existence and nature of dark matter in the universe" (PDF). Annual Review of Astronomy and Astrophysics (sa wikang Ingles). 25: 425–472. Bibcode:1987ARA&A..25..425T. doi:10.1146/annurev.aa.25.090187.002233. S2CID 123199266. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2018-07-18.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "A history of dark matter" (sa wikang Ingles). 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Planck Mission Brings Universe into Sharp Focus". NASA Mission Pages (sa wikang Ingles). 21 Marso 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Nobiyembre 2020. Nakuha noong 23 Disyembre 2023. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  5. "Dark Energy, Dark Matter". NASA Science: Astrophysics (sa wikang Ingles). 5 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Ade, P. A. R.; Aghanim, N.; Armitage-Caplan, C.; atbp. (Planck Collaboration) (22 Marso 2013). "Planck 2013 results. I. Overview of products and scientific results – Table 9". Astronomy and Astrophysics (sa wikang Ingles). 1303: 5062. arXiv:1303.5062. Bibcode:2014A&A...571A...1P. doi:10.1051/0004-6361/201321529. S2CID 218716838.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Francis, Matthew (22 Marso 2013). "First Planck results: the Universe is still weird and interesting". Ars Technica (sa wikang Ingles).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Planck captures portrait of the young Universe, revealing earliest light" (sa wikang Ingles). University of Cambridge. 21 Marso 2013. Nakuha noong 21 Marso 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Carroll, Sean (2007). Dark Matter, Dark Energy: The dark side of the universe (sa wikang Ingles). The Teaching Company. Guidebook Part 2 p. 46. ... dark matter: An invisible, essentially collisionless component of matter that makes up about 25 percent of the energy density of the universe ... it's a different kind of particle... something not yet observed in the laboratory ...{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Ferris, Timothy (Enero 2015). "Dark matter". Hidden cosmos. National Geographic Magazine (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Disyembre 2014. Nakuha noong 10 Hunyo 2015.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Jarosik, N.; atbp. (2011). "Seven-year Wilson microwave anisotropy probe (WMAP) observations: Sky maps, systematic errors, and basic results". Astrophysical Journal Supplement (sa wikang Ingles). 192 (2): 14. arXiv:1001.4744. Bibcode:2011ApJS..192...14J. doi:10.1088/0067-0049/192/2/14. S2CID 46171526.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Timmer, John (21 Abril 2023). "No WIMPS! Heavy particles don't explain gravitational lensing oddities". Ars Technica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Hunyo 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 Bird, Simeon; Albert, Andrea; Dawson, Will; Ali-Haïmoud, Yacine; Coogan, Adam; Drlica-Wagner, Alex; Feng, Qi; Inman, Derek; Inomata, Keisuke; Kovetz, Ely; Kusenko, Alexander; Lehmann, Benjamin V.; Muñoz, Julian B.; Singh, Rajeev; Takhistov, Volodymyr; Tsai, Yu-Dai (1 Agosto 2023). "Primordial black hole dark matter". Physics of the Dark Universe (sa wikang Ingles). 41: 101231. arXiv:2203.08967. doi:10.1016/j.dark.2023.101231. ISSN 2212-6864. S2CID 247518939.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 Hütsi, Gert; Raidal, Martti; Urrutia, Juan; Vaskonen, Ville; Veermäe, Hardi (2 Pebrero 2023). "Did JWST observe imprints of axion miniclusters or primordial black holes?". Physical Review D (sa wikang Ingles). 107 (4): 043502. arXiv:2211.02651. Bibcode:2023PhRvD.107d3502H. doi:10.1103/PhysRevD.107.043502. S2CID 253370365.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Carr, Bernard; Kühnel, Florian (2 Mayo 2022). "Primordial black holes as dark matter candidates". SciPost Physics Lecture Notes (sa wikang Ingles): 48. doi:10.21468/SciPostPhysLectNotes.48. S2CID 238407875. Nakuha noong 13 Pebrero 2023.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (Tingnan din ang kasama ang presentasyong slide.
  16. Özsoy, Ogan; Tasinato, Gianmassimo (2023). "Inflation and Primordial Black Holes". Universe (sa wikang Ingles). 9 (5): 203. arXiv:2301.03600. Bibcode:2023Univ....9..203O. doi:10.3390/universe9050203.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Hossenfelder, Sabine; McGaugh, Stacy S. (Agosto 2018). "Is dark matter real?". Scientific American (sa wikang Ingles). 319 (2): 36–43. Bibcode:2018SciAm.319b..36H. doi:10.1038/scientificamerican0818-36. PMID 30020902. S2CID 51697421. Right now a few dozens of scientists are studying modified gravity, whereas several thousand are looking for particle dark matter.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Sean Carroll (9 Mayo 2012). "Dark matter vs. modified gravity: A trialogue" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Pebrero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)