Datu Ampuanagus
Si Datu Ampuanagus (o Datu Ampuan Agus[a]) ay isang Maranao[3] na datu sa rehiyon ng Lanao sa Mindanao, Pilipinas.[4] Nakilala siya sa pag-aklas laban sa pananakop ng pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos.[5]
Namuno siya sa pakikipaglaban sa mga Amerikano noong Mayo 6, 1903 nang binombahan ng mga Amerikano ng artilerya ang Taraca[2] (kilala na ngayon bilang Taraka, Lanao del Sur). Sa kalaunan, sumuko siya, anim na iba pang datu, at 22 mga mandirigma nang may mga 200 tao niya ang namatay sa labanan.[6] Pagkatapos nito, maaring siya ay nakatakas o pinalaya dahil patuloy siya sa kanyang gerilyang pakikipaglaban sa mga Amerikano noong mga 1906 hanggang 1916.[2] Bagaman, muli siyang sumuko pagkatapos makipagkasundo ang mga pinunong Muslim sa mga pamahalaang Amerikano.[6]
Mga pakikipaglaban
baguhinIsa sa mga labanan na kanyang isinagawa ay noong 1906 kung saan tinambangan niya ang puwesang Amerikano mula sa Kampo Keithley na ipinadala upang tugisin at tapusin siya.[6] Nagkaroon din ng malaking labanan sa Didanganin na nagdulot sa pagliit ng kanyang puwersa.[7] Noong 1908, inatake niya at kanyang mga tauhan ang mga puwesang Amerikano sa Dansalan sa pamamagitan lamang ng 20 riple.[7]
Kamatayan
baguhinMay mga sanggunian nagsasabing namatay siya sa labanan ngunit may ibang sanggunian ang nagsasabing namuhay siya bilang isang pugante hanggang sa kanyang kamatayan dahil sa katandaan. Hindi naitala kung kailan siya ipinanganak o namatay.
Mga pananda
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Tan, Samuel K. (2002). The Filipino-American War, 1899-1913 (sa wikang Ingles). University of the Philippines Press. ISBN 978-971-542-339-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Reyno, Ma. Cielito G. (Setyembre 6, 2012). "POSTSCRIPT TO INDEPENDENCE DAY – THE BATTLE OF TARAKA". Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Ricklefs, M. C.; Lockhart, Bruce; Lau, Albert; Reyes, Portia; Aung-Thwin, Maitrii (2010-11-19). A New History of Southeast Asia (sa wikang Ingles). Macmillan International Higher Education. ISBN 978-1-137-01554-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Guillermo, Artemio R. (2012). Historical Dictionary of the Philippines (sa wikang Ingles). Scarecrow Press. ISBN 978-0-8108-7246-2. Nakuha noong 2020-08-10.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tan, Andrew T. H. (2009-01-01). A Handbook of Terrorism and Insurgency in Southeast Asia (sa wikang Ingles). Edward Elgar Publishing. ISBN 978-1-84720-718-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 "Islam in the Philippines". www.muslimmindanao.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-09-13. Nakuha noong 2020-08-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 "MINDANAO, SULU and ARMM Unsung Heroes". www.msc.edu.ph. Nakuha noong 2020-08-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)