Si David Mendoza Consunji (2 Nobyembre 1921 – 4 Setyembre 2017) ay isang Pilipinong negosyante at tagapangulo ng pampublikong nakatala sa kumpanyang pang-ari-arian, DMCI Holdings, Ingkorporado (PSEDMC). Siya ay dating kalihim ng Kagawaran ng Mga Gawaing Pambayan, Transportasyon at Komunikasyon mula 1970 hanggang 1975, sa kapanahunan ng pamamahala ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos. Noong 2014, itinala siya ng Forbes bilang ikaanim na pinakamayamang Pilipino, na may halagang $3.9 bilyon.[1] Noong 2017, noong siya ay namatay, siya pa rin ang ikaanim na pinakamayamang Pilipino na may $ 3.68 bilyong halaga na sang-ayon pa rin sa Forbes.[2]

David Consunji
Kalihim ng Mga Gawaing Pambayan, Transportasyon at Komunikasyon
Nasa puwesto
1970–1975
PanguloFerdinand Marcos
Nakaraang sinundanAntonio Syquio
Sinundan niAlfredo Juinio
Personal na detalye
Isinilang2 Nobyembre 1921(1921-11-02)
Bataan, Pilipinas
Yumao4 Setyembre 2017(2017-09-04) (edad 95)
Maynila, Philippines
KabansaanPilipino
AsawaFredesvinda Almeda
Alma materPamantasan ng Pilipinas
TrabahoTagapangulo ng Lupon (DMCI)
PropesyonPulitiko
Kilala bilangTagapagtatag ng DMCI
Websitiodmcinet.com/dmci.asp

Edukasyon at karera

baguhin

Kumuha si Consunji ng inhineryang sibil sa Pamantasan ng Pilipinas at nagtapos noong 1946 at pumasa ng pampamahalaang pagsususulit sa taong din iyon.

Pagkatapos ng kanyang pagtatapos, naghanapbuhay si Consunji bilang guro sa Bataan at kinamamayaang tagasuri ng kungkreto para sa Kuenzle at Streiff.

Itinatag niya ang D.M. Consunji, Ingkorporado noong 1954 at naging Tagapangulo nito mula noon. Noong 1995, itinatag niya ang DMCI Holdings, Ingkorporado upang pag-isahin ang mga negosyo.

Naglingkod siya bilang pangulo ng Kapisanan ng Mga Kontraktor sa Pilipinas, Kapisanang Pandaigdig na Pederasyon ng mga Asyano at Kanlurang Pasipikong Kontraktor, Istituto ng mga Inhinyerong Sibil ng Pilipinas ay Pangalawang-Pangulo ng Kapisanan ng Pagsasama-samang Pandaigdigang Kontraktor. Bukod sa mga organisasyong ito, siya rin ang tagapangulo ng Kapisanan ng mga Kontraktor, ang Lupon ng Pantahanang Konstruksyon ng Pilipinas at Pundasyon ng Pananaliksik Pang-inhineriya at Kaunlaran ng U. P.

Noong 2014, bumama siya bilang tagapangulo ng DMCI at ang kanyang anak na si Isidro ang namuno sa DMCI Holdings at Semirara.[2]

Kamatayan

baguhin

Yumao si Consuji noong 4 Setyembre 2017 sa edad na 95. Ang dahilang ng kanyang kamatayan ay hindi pa nabubunyag.[3]

Sumulat ng aklat si Consunji ng kanyang talambuhay, Ang Pagmamahal sa Pagpapatayo: Ang Talambuhay ni David M. Consunji. Ang kanyang anak, Isidro Consunji ay kasalukuyang pangulo ng DMCI Holdings, Ingkorporado. Isa sa kanyang apo, Victor Consunji, ay ikinasal sa Bb. Pilipinas World 2007 Maggie Wilson noong Disyembre 2010.[4][5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. David Consunji Profile Forbes Nakuha noong 16 Disyembre 2014
  2. 2.0 2.1 https://www.forbes.com/profile/david-consunji/?sh=3fa167854a89
  3. "David Consunji ng DMCI Holdings yumao sa edad na 95". ABS-CBN Balita. 4 Setyembre 2017. Nakuha noong 7 Setyembre 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Reuters". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-16. Nakuha noong 2020-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. David M. Consunji Nagtatayo ng Isang Pamana