Deathstroke
Si Deathstroke (Slade Joseph Wilson) ay isang kathang-isip na supervillain na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics.[1] Nilikha nina Marv Wolfman at George Pérez, unang lumabas ang karakter sa The New Teen Titans #2 noong Disyembre 1980 bilang Deathstroke the Terminator.[2] Kadalasan siyang sinasalarawan bilang asesino at mortal na kaaway ng Teen Titans, partikular si Dick Grayson; nagsilbi din bilang kalaban ng ibang bayani ng DC Universe, tulad nina Batman, Green Arrow, at ng Justice League. Ama siya nina Joe, Rose at Grant Wilson.
Deathstroke | |
---|---|
Impormasyon ng paglalathala | |
Tagapaglathala | DC Comics |
Unang paglabas | The New Teen Titans #2 (Disyembre 1980) |
Tagapaglikha | Marv Wolfman (manunulat) George Pérez (tagaguhit) |
Impormasyon sa loob ng kwento | |
Ibang katauhan | Slade Joseph Wilson |
Kasaping pangkat | Secret Society of Super Villains Suicide Squad Titans East H.I.V.E. Checkmate League of Assassins Defiance Injustice League Team 7 |
Kilalang alyas | Deathstroke the Terminator, the Terminator |
Kakayahan |
|
Nakaranggo ang karakter sa ika-24 na Pinakamagagaling na Kontrabida sa Lahat ng Panahon ng magasin na Wizard, at ang ika-32 Pinakamagaling na Kontrabida sa Komiks sa Lahat ng Panahon ng IGN.[3][4] Sa kalahatan, nagkaroon siya ng adapsyon sa iba't ibang anyo ng midya, kabilang ang proyektong may kaugnayan kay Batman; at ang seryeng animasyong Teen Titans, kung saan si Ron Perlman ang nagboses sa kanya. Sa totoong-tao o live-action, gumanap bilang Deathstroke si Manu Bennett sa palabas pantelebisyon ng The CW na Arrow; si Esai Morales sa serye ng DC Universe na Titans; at si Joe Manganiello sa DC Extended Universe, simula noong kameyo niya sa pelikula noong 2017 na Justice League.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Priest, Christopher (2016-11-10). "Exclusive Interview – Christopher Priest Talks Superman vs. Deathstroke" (interview) (sa wikang Ingles). Superman Homepage. Nakuha noong 2018-03-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cowsill, Alan; Irvine, Alex; Korte, Steve; Manning, Matt; Wiacek, Win; Wilson, Sven (2016). The DC Comics Encyclopedia: The Definitive Guide to the Characters of the DC Universe (sa wikang Ingles). DK Publishing. p. 85. ISBN 978-1-4654-5357-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wizard #177
- ↑ "Deathstroke is number 32". IGN (sa wikang Ingles).