Si Green Arrow ay isang kathang isip na superhero na lumalabas sa komiks na nilalathala ng DC Comics. Nilikha ni Mort Weisinger at dinisenyo ni George Papp, una siyang lumabas sa More Fun Comics #73 noong Nobyembre 1941. Oliver Jonas Queen ang kanyang tunay na pangalan, na isang mayamang negosyante na may-ari ng Queen Industries at kilala bilang isang tanyag na indibiduwal sa Lungsod ng Star. Ginagamit niya ang posisyon na ito upang itago ang katotohanan na siya si Arrow.[1] Minsan, ipinapakita siya na tulad ng karakter ni Robin Hood, isang arkero si Green Arrow na ginagamit ang kakayahan upang labanan ang krimen sa kanyang tahanang lungsod ng Star at Seattle, gayundin na kasama ang ibang mga superhero ng Justice League. Bagaman hindi masyadong madalas sa mga makabagong kuwento, nilalabas niya ang mga iba't ibang uri ng panang panloko o trick arrow (sa makabagong panahon, tinutukoy ito bilang mga "panang may espesyalidad" o "specialty arrow"[2]) na may iba't ibang natatanging ginagawa, tulad ng pandikit, eksplosibong tulis, pansunggab na kawit, granada, gas na panluha, at kahit mga pana ng kryptonite na ginagamit para sa iba't ibang natatanging situwasyon. Noong una siyang lumabas, umaandar si Green Arrow sa maraming paraan bilang isang analogo na may temang arkero ng napakasikat na karakter na si Batman, ngunit ginawa siya ng mga manunulat ng DC sa kalaunan bilang ang boses ng makakaliwang politika upang ipagkaiba siya sa karakter ni Batman.

Green Arrow
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaDC Comics
Unang paglabasMore Fun Comics #73 (Nobyembre 1941)
TagapaglikhaMort Weisinger
George Papp
Impormasyon sa loob ng kwento
Ibang katauhanOliver Jonas "Ollie" Queen
Kasaping pangkatJustice League
Justice League United
Queen Industries
Outsiders
Seven Soldiers of Victory
KakampiBlack Canary
Speedy (iba't iba)
Connor Hawke
Green Lantern (Hal Jordan)
Kilalang alyasThe Emerald Archer, The Battling Bowman
Kakayahan
  • Rurok ng pisikal at mental na kondisyon ng tao
  • Dalubhasa sa sining pandigma
  • Dalubhasang arkero at pag-asinta
  • Eksperto sa taktika, sirkero, eskrimador, at mano-manong labanan
  • Gumagamit ng mga kagamitang mataas ang teknolohiya, baluti, compound bow (pinagsamang busog), at iba't ibang uri na espesyal na pana

Mga sanggunian

baguhin
  1. Greenberger, Robert (2008). "Green Arrow". Sa Dougall, Alastair (pat.). The DC Comics Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Dorling Kindersley. pp. 142–143. ISBN 978-0-7566-4119-1. OCLC 213309017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Brown, Elliot (Disyembre 2002). "Green Arrow's Weapons". Green Arrow Secret Files and Origins (sa wikang Ingles). 1 (1).{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)