Demanda

(Idinirekta mula sa Demanda (batas))

Ang demanda, sakdal o habla (Ingles: lawsuit) ay isang paglilitis ng isa o higit pa na partido (ang nagsasakdal o naghahabol) laban sa isa o higit pa na partido (ang isinasakdal) sa sibil na hukuman ng batas.[1] Ginagamit ang katawagan pakundangan sa isang aksiyong sibil na hinain ng isang nagsasakdal (ang partido na nag-aangkin na nagkaroon ng pinsala o kawalan dulot ng ginawa ng isinasakdal) na humiling isang legal na lunas o karamptang lunas mula sa isang korte. Kinakailangang tumugon ang isinasakdal sa reklamo ng nagsasakdal dahil kung hindi, magkakaroon na ng husga agad sa hindi pagsipot. Kung matagumpay ang nagsasakdal, igagawad ang husga pabor sa nagsasakdal, at maaaring magpataw ang korte ng legal at/o karampatang lunas na mayroon laban sa isinasakdal. Maaaring maglabas ang korte ng utos na may koneksyon sa o bilang bahagi ng husga upang ipatupad ang isang karapatan, magbigay danyos o pagbabayad-pinsala, o magpataw ng pansamantala o permanenteng injunction upang maiwasan ang isang akto o ipilit ang isang akto. Maaari din na maglabas ng isang husgang pagpapaliwanag upang maiwasan ang mga pagtatalong legal sa hinaharap.

Pag-usad ng isang demanda

baguhin

Pagsamo

baguhin

Ang isang demanda ay nagsisimula kung ang isang reklamo ay isinampa sa korte. Tinatawag ang reklamo o petisyon bilang isang pagsamo (o pleading sa Ingles).[2] Nagsasaad ang nagrereklamong ito na ang isa o maraming mga nagsasakdal ay naghahagad ng danyos perwisyo o makatarungang lunas mula sa isa o maraming mga sinasaad na mga sinasakdal at tutukuyin ng nagsasakdal ang makatotohanang basehang sa pagsasagawa nito. Mahalaga na ang nagsasakdal ay pumili ng angkop na lugar na may angkop na hurisdiksiyon upang magdala ng demanda. Ang klerk ng korte ay lalagdaan o seselyohan ng selyo ng korte ang pagtawag na ihahain ng nagsasakdal sa sinasakdal kasama ang kopya ng reklamo. Ang paraang ito ay nagbibigay-alam sa sinasakdal na sila ay dinedemanda at sila ay merong espesipikong itinakdang panahon upang maghain ng tugon. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng kopya ng reklamo, nagbibigay-alam din ang paraang ito sa sinasakdal ng kalikasan ng reklamo. Kapag naihain na sa sinasakdal ang pagtawag at ang reklamo, sasailalim sila sa isang itinakdang panahon upang maghain ng tugon na nagsasaad ng kanilang pagtatanggol sa pag-aangkin ng nagsasakdal kabilang ang mga hamon sa hurisdiksiyon ng korte at anumang kontang pag-aangkin na nais nilang isaad sa nagsasakdal. Sa ilang mga hurisdiksiyon ng Estados Unidos gaya ng New York, ang isang demanda ay nagsisimula kung ang isa o maraming mga nagsasakdal ay angkop na naghahain ng pagtawag at reklamo sa isinasakdal. Sa gayong mga hurisdiksiyon, hindi na kailangan pang isampa sa korte malibang ang alitan ay lumala at nangangailangan ng aktuwal na pamamagitan ng hukom.

Kung ang isinasakdal ay pumili na magbigay ng tugon sa loob ng itinakdang panahon, ang tugon ay dapat sumagot sa bawat mga alegasyon ng nagsasakdal sa pamamagitan ng pag-amin dito, pag-tanggi dito o pagsamo ng kawalang sapat na impormasyon upang umamin o tumanggi sa alegasyon. Ang ilang mga hurisdiksiyon gaya ng California ay pumapayag pa rin sa pagtanggi ng bawat mga alegasyon sa reklamo. Sa pagibigay ng tugon, ang nasasakdal ay maaari ring magtaas ng lahat ng apirmatibong depensapagtatanggol na kanyang pinanghahawakan. Maaari ring magsaad ng kontra pag-aangkin ang sinasakdal para sa danyos o makatarungang lunas laban sa nagsasakdal at sa kaso ng "kinakailangang kontra-pag-aangkin" ay dapat isaad ito ng nasasakdal o manganib na ang kontrang-pag-aangkin nito ay maharang sa mga susunod na proseso. Ang isang nasasakdal ay maaari ring magsampa ng "ikatlong partidong reklamo" kung saan ito ay naghahangad na sumali sa ibang partido o mga partido sa aksiyon kung naniniwala ito na ang mga partidong ito ay may pananaugtan sa ilan o lahat ng pinsala na natamo ng nagsasakdal. Ang pagsasampa ng tugon ay "sumasali sa layunin" at naglilipat sa kaso sa yugtong bago ang paglilitis.

Imbis na magsampa ng sagot sa itinakdang panahon sa pagtawag, ang nasasakdal ay maaaring piliin na lumaban sa reklamo sa pamamagitan ng pagsasampa ng "demurrer" o pagtutol (sa mga hurisdiksiyon na pumapayag sa paraang ito) o isa o mga maraming "bago ang sagot na mga mosyon" gaya ng "mosyon na ipawalang-saysay"). Ang mosyong ito ay dapat isampa sa loob ng panahong itinakda sa pagtawag para sa pagtugon. Kung ang lahat ng gayong mga mosyon ay itinanggi ng korteng naglilitis at ang nasasakdal ay natalo sa lahat ng apela sa mga pagtangging ito, ang nasasakdal ay dapat magsampa ng tugon.

Sa karaniwan, ang mga pagsamo ay binabalangkas ng isang abogado ngunit sa maraming korte, ang mga tao ay puwedeng magsampa ng mga papeles at ikatawan ang kanilang sarili na tinatawag na pro se. Maraming mga korte ang may klerk na pro se upang tulungan ang mga taong walang abogado.

Bago ang paglilitis

baguhin

Maaaring pumaloob sa simulang yugto ng demanda ang inisyal na paglalantad ng mga ebidensiya ng mga partido at pagtuklas na isang may nakabalangkas na pagpapalit ng mga ebidensiya at pahayag sa pagitan ng mga partido. Ang pagtuklas ay naglalayong alisin ang mga surpresa at liwanagin kung ano ang pinatutungkulan ng demanda at upang maunawaan ng mga partido na dapat nilang ayusin o ilaglag ang mga walang kabuluhan paghahabol na mga reklamo at pagtatanggol. Sa puntong ito, maaari din na lumahok ang mga partido sa isang yugtong bago ang paglilitis na mosyong pagsasanay upang hindi isama o isama ang partikular na legal o nababatay sa katotohanan na mga isyu bago ang paglilitis.

Sa pagtatapos ng pagtuklas, ang mga partido ay maaaring pumili ng hurado at magkaroon ng paglilitis ng hurado o ang kaso ay ituloy sa isang "bangkong paglilitis" na dinidig lamang ng isang hukom. Ito ay dahil kung sinuko ng mga partido ang kanilang karapatan sa isang "paglilitis ng hurado", ang isang paglilitis ng hurado ay hindi ginagarantiya para sa partikular na pag-aangkin ng mga ito o sa anumang demanda sa loob ng hurisdiksiyon nito.

Paglilitis

baguhin

Sa isang paglilitis, ang bawat partido ay maglalabas ng mga saksi at magpapasok ng ebidensiya sa rekord na pagwawakas ng paglilitis na ito ay maglalabas ang isang hukom o hurado ng desisyon. Sa pangkalahatan, nasa nagsasakdal ang bigat ng pagpapatunay sa kanyang mga pag-aangkin. Gayunpaman, ang nasasakdal ay maaaring may bigat ng pagpapatunay sa ibang mga isyu gaya ng apirmatibong depensa. Maraming mga mosyon na ang magkabilang panig ay maaaring isampa sa kabuuan ng demanda upang wakasakan ng mas maaga bago ang isailalim sa hukom o hurado para sa huling konsiderasyon. Ang mga mosyong ito ay nagtatangka na hikayatin ang hukom sa pamamagitan ng mga legal na argumento at minsan ay sinasamahan ng mga ebidensiya na dahil wala ng makatuwirang paraan na ang kabilang panig ay legal na mananalo, wala ng halaga na ipagpatuloy pa ang paglilitis. Ang mga mosyon para sa buod na hatol bilang halimbawa ay maaaring dalhin bago, pagkatapos at habang isinasagawa ang aktwal na presentasyon ng kaso. Ang mga mosyon ay maaari ring isampa pagkatapos ng pagtatapos ng paglilitis upang bawiin ang hatol ng hurado na labag sa batas o sa timbang ng ebidensiya, o upang hikayatin ang hukom na dapat nitong palitan ang desisyon nito at maggawad ng panibagong paglilitis.

Gayundin, sa anumang panahon habang isinasagawa ang proseso mula sa pagsasampa ng reklamo hanggang sa huling hatol, ang nagsasakdal ay maaaring bawiin ang kanyang reklamo at wakasan ang demanda o ang sinasakdal ay umaayon sa isang pakikipag-ayos. Kung ang kaso ay napagkasunduang ayusin, ang mga partido ay maaaring pumasok na may kondisyong hatol na ang kasunduan ay nakakabit o ang nagsasakdal ay magsampa ng boluntaryong pagtatapon upang ang mga napagkasunduan ay hindi na maipasok sa rekord ng korte.

Pagkatapos ibaba ang isang katupasang desisyon, ang anuman o parehong partido ay maaaring mag-apela sa hatol kung naniniwala silang may pagkakamali sa pamamaraan na nagawa ang korte. Kahit ang nanalong partido ay maaaring mag-apela kung halimbawa nais nitong mas malaki ang danyos na ipagkakaloob. Ang apeladong korte at/o mas mataas na korte ay maaaring pagtibayin ang hatol, tanggihan ang pagdinig dito (na epektibong nagpapatibay dito), baliktarin ang hatol o i-bakante at ibalik na nagsasangkot sa pagbabalik ng demanda sa mababang korte upang bigyang tuon ang mga hindi naayos na isyu o posibleng para sa isang bagong paglilitis. Ang ilang mga demanda ay umaakyat at bumababa sa mga hagdanan ng apela ng paulit-ulit bago makamit ang huling resolusyon.

Ang ilang mga hurisdiksiyon gaya ng Estados Unidos ay pumipigil sa mga partido sa muling paglilitis ng mga katotohanan sa apela dahil sa kasaysayan ng mga walang prinsipyong mga abogado na sadyang inilalaan ang gayong mga isyu (ang "imbitadong mali" na problema) upang tambangan ang bawat isa sa apeladong korte. Ang ideya ay mas maigi na puwersahin ang lahat ng mga partido na buong litisin ang lahat ng mahahalagang mga isyu sa harap ng korteng paglilitis. Sa ganitong paraan, kung ang isang partido ay hindi nagtaas ng isang isyu sa antas ng korteng paglilitis, hindi nito maitataas ang gayong isyu sa apela. Sa karagdagan, ang mga apeladong korte sa mga gayong huridiksiyon ay hindi magtatanong sa mga katotohanan na natagpuan ng hukom o hurado sa korteng paglilitis hangga't mayroong ebidensiya sa rekord na sumusuporta sa gayong natagpuang katotohanan kahit pa ang ang hukom ng apeladong korte ay hindi personal na maniniwala sa saligang ebidensiya kung siya ay nasa korteng paglilitis nang ipasok ang mga gayong ebidensiya sa rekord.

Kung ang demanda ay pinal o kahuli-hulihan na napagpasyahan o ang itinakdang panahon upang magsampa ng apela ay natapos na, ang isyu ay res judicata. Ang nagsasakdal ay pinipigilan sa pagsasampa ng reklamo na magreresulta sa parehong reklamo. Sa karagdagan, ang ibang mga partido na sa kalaunan ay magtatangka sa muling paglilitis ng isyu na napagpasyahan na mula sa nakaraang demanda ay pinipigilan sa pamamagitan ng estoppel.

Pagpapatupad

baguhin

Kung ang isang pinal na hatol ay naipasok sa rekord, ang nagsasakdal ay pinipigilan sa ilalim ng doktrinang res judicata na subukang muling magsampa ng parehong reklamo laban sa isinasakdal o muling litisin ang anumang mga isyu kahit pa nasa ilalim ng ibang mga legal na pag-aangkin o teoriya. Pumipigil ito sa bagong paglilitis sa parehong kaso na may ibang resulta o kung nanalo ang nagsasakdal, ang isang inulit na paglilitis na nagpaparami lamang ng hatol laban sa isinasakdal.

Kung ang hatol ay para sa nagsasakdal, ang nasasakdal ay dapat sumunod sa ilalim ng parusa ng batas sa hatol na karaniwan ay gantimpalang salapi. Kung ang isinasakdal ay nabigong magbayad, ang korte ay may kapangyarihan na kunin ang anumang pag-aari ng isinasakdal sa loob ng huridiksiyon nito gaya ng:

  • Writ ng eksekusyon
  • Garnisyemento ng akawnt ng bangko
  • Mg lien o prenda
  • Garnisyemento ng sahod

Kung ang lahat ng mga pag-aari ng isinasakdal ay nasa ibang lugar, ang nagsasakdal ay maaaring magsampa ng iba pang demanda sa angkop na korte upang ipatupad ang naunang hatol ng ibang korte. Isa itong mahirap na trabaho kung tatawid mula sa isang korte sa isang estado ng Estados Unidos o bansa sa iba pang estado o bansa bagaman ang mga korte ay may kagawiang magbigay ng respeto sa bawat isa kung walang maliwanag na patakarang legal na salungat dito. Ang isang isinasakdal na walang pag-aari sa anumang hurisdiksiyon ay sinasabing "hindi tinatalaban ng hatol". Ang terminong ito ay sa pangkalahatan isang kolokiyalismo upang ilarawan ang isang "dukhang isinasakdal".

Ang mga dukhang hindi tinatalaban ng hatol na mga isinasakdal ay hindi na ibinibilanggo. Ang pagbibilango sa mga may utang ay ginawang ilegal sa batas, amiyendang konstitusyonal, internasyonal na kasunduang pangkarapatang tao sa karamihan ng mga hurisdiksiyon ng batas.

Pagsasaliksik sa batas, ekonomika at pamamahala

baguhin

Pinag-aralan ng mga iskolar sa batas, ekonomika at pamamahala kung bakit pinipili ng mga kompanya nasasangkot sa isang alitan sa pagitan ng pribadong pagresolba ng alitan—tulad ng negosasyon, pamamagitan, at arbitrasyon—at litigasyon.[3][4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Brian A. Garner, pat. (2014). "Suit". Black's Law Dictionary (ika-10th (na) edisyon). West.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Pleading: AxonHCS". New York State Unified Court System. Nakuha noong Disyembre 14, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Bebchuk, Lucian (1984). "Litigation and settlement under imperfect information". RAND Journal of Economics (sa wikang Ingles). 15 (3): 404–415. JSTOR 2555448.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Richman, Barak (2004). "Firms, courts, and reputation mechanisms: Toward a positive theory of private ordering". Columbia Law Review (sa wikang Ingles). 104 (8): 2328–2368. doi:10.2307/4099361. JSTOR 4099361. S2CID 43455841.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)