Demi-Leigh Tebow

(Idinirekta mula sa Demi-Leigh Nel-Peters)

Si Demi-Leigh Tebow; née Nel-Peters (ipinanganak noong 28 Hunyo 1995) ay isang Timog-Aprikanang modelo at beauty pageant titleholder na kinoronahan bilang Miss Universe 2017.[1][2] Si Nel-Peters ang ikalawang babaeng Timog-Aprikana na nanalo bilang Miss Universe. Siya ay nakoronahan din bilang Miss South Africa 2017.[3]

Demi-Leigh Tebow
Si Nel-Peters noong 2018
Kapanganakan
Demi-Leigh Nel-Peters

(1995-06-28) 28 Hunyo 1995 (edad 29)
Sedgefield, Timog Aprika
NagtaposPamantasang North-West
Trabaho
  • Modelo
  • beauty pageant titleholder
Tangkad1.71 m (5 tal 7 pul)
Titulo
AsawaTim Tebow (k. 2020)
Beauty pageant titleholder
Hair colourKayumanggi
Eye colourHazel
Major
competition(s)

Buhay at pag-aaral

baguhin

Si Demi-Leigh Nel-Peters ay ipinanganak noong 28 Hunyo 1995 sa Sedgefield, Western Cape, Timog Aprika sa mga magulang na sina Bennie Peters at Anne-Marie Steenkamp.[4] Ang kanyang kapatid sa ama na si Franje ay may cerebellar agenesis, at sinabi ni Nel-Peters na siya ang pinakamahalagang motivator sa kanyang buhay. Namatay si Franje noong 4 Mayo 2019, na kinumpirma ni Nel-Peters sa kanyang Instagram.[5][6]

Nagtapos si Nel-Peters sa Pamantasang North-West noong Marso 2017, ilang araw bago manalo bilang Miss South Africa 2017.[7] Siya ay matatas sa parehong Ingles at Afrikaans.[2]

Mga paligsahan ng kagandahan

baguhin

Miss South Africa 2017

baguhin

Nagsimulang sumali sa mga patimpalak ng kagandahan si Nel-Peters nang kumatawan siya sa lalawigan ng Western Cape sa Miss South Africa 2017 kung saan siya ay nanalo.[8] Bilang Miss South Africa 2017, may karapatang lumahok si Nel-Peters bilang kinatawan ng Timog Aprika sa Miss World 2017 at Miss Universe 2017, ngunit dahil magkatapat ang petsa ng dalawang patimpalak, siya ay pinadala lamang sa Miss Universe 2017 na naganap sa Las Vegas, Nevada.[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Meet Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters". Rappler (sa wikang Ingles). 27 Nobyembre 2017. Nakuha noong 7 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Miss South Africa Demi-Leigh Nel-Peters wins Miss Universe". CBS News (sa wikang Ingles). 27 Nobyembre 2017. Nakuha noong 23 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Babatunde, Mark (28 Marso 2017). "Demi-Leigh Nel-Peters Is Crowned Miss South Africa 2017". Face2Face Africa (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Morne, JK (27 Marso 2017). "Who is Demi-Leigh Nel-Peters". Jacaranda FM (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Wilkinson, Amy (7 Mayo 2019). "Tim Tebow's Fiancee's Sister Dies Suddenly At 13 From A Rare Condition". Women's Health (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Mayo 2019. Nakuha noong 17 Enero 2024. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Ghosh, Sutrishna (27 Nobyembre 2017). "Miss South Africa Demi-Leigh Nel-Peters beats Colombia and Jamaica to win Miss Universe 2017". International Business Times UK (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "New Miss Universe Teaches Self-Defense After Getting Held at Gunpoint: 5 Things to Know". People (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Babatunde, Mark (28 Marso 2017). "Demi-Leigh Nel-Peters Is Crowned Miss South Africa 2017". Face2Face Africa (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "CONFIRMED: Miss Universe 2017 to be held in Las Vegas, USA". Rappler (sa wikang Ingles). 29 Setyembre 2017. Nakuha noong 22 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin