Deterrence Dispensed
Ang Deterrence Dispensed ay isang online na pangkat na nagpapalaganap at namamahagi ng mga bukas na pinagmulan na 3D printed na mga armas, mga bahagi nito at kartutso na kinarga gamit ng kamay. Lubos na sinusuportahan ng pangkat ang kalayaan sa pananalita na inilapat sa computer code at mga blueprint pati na rin ang kilusang copyleft.[2]
Kilala ang pangkat sa pagbuo at pagpapalabas ng FGC-9, isang praktikal na 3D-printed na karbin na hindi nangangailangan ng mga kontroladong bahagi. Dahil sa anonimong at desentralisadong katangian ng pangkat, walang partikular na ligal na hamon ang inilunsad laban sa DetDisp noong Agosto 2020,[3][4] sa kabila ng pagkilala nito bilang banta ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas.[5]
Kasaysayan
baguhinAng Deterrence Dispensed ay isang maluwag na pangkat ng mga tagapagtaguyod ng 3D-printed na baril. Kabilang sa mga miyembro ng pangkat ang isang hindi kilalang Amerikano na may palayaw na "Ivan the Troll" at isang taong gumagamit ng palayaw na "J Stark".[3][5] Noong Pebrero 2019, pinili ng pangkat ang pangalang "Deterrence Dispensed" bilang pag-uugnay sa grupong Defense Distributed na may kinalaman sa 3D printed na mga armas.[3] Sinasabi ng pangkat na mayroon itong libu-libong miyembro, na marami sa kanila ay nasa mga hurisdiksyon na nagbabawal sa paggawa ng baril na walang lisensya.[5]
Ang Deterrence Dispensed ay lumipat patungo sa mga alternatibong platapormang pangmadla pagkatapos masuspinde mula sa ilang pangunahing mga network. Napanatili ng pangkat ang aktibong presensya sa Twitter at YouTube hanggang sa ipagbawal sila ng parehong platform noong Mayo 2019. Pagkatapos ng kanilang pagbabawal sa YouTube, nagsimulang ibahagi ang Deterrence Dispensed ng kanilang mga bidyo sa GunStreamer, isang pahinarya na nakatuon sa pagbabahagi ng mga bidyo na may kinalaman sa baril. Pinasara ng Reddit ang isang subreddit na nakatutok sa pangkat noong Hulyo ng nasabing taon. Kasunod ng kanilang pagbabawal sa Reddit, ang Deterrence Dispensed ay lumipat sa Tumblr at Keybase, pero isinara ng Tumblr ang kanilang account sa sumunod na buwan.[6][7] Sa dalawang linggo pagkatapos sumali ang Deterrence Dispensed sa Keybase, sila ang naging ika-anim na pinakasikat na pangkat sa nasabing plataporma[6] pero pinaalis din sila sa Keybase noong Enero 2021, kung saan ang pagkilos na ito ay naiugnay sa mga pagbabago sa patakaran pagkatapos ng pagkuha ng Keybase ng kompanyang Zoom Video Communications.[8]
Noong 2019, sinimulan ding ibahagi ng pangkat ang mga blueprint nito sa spee.ch, isang pahinaryang binuo ng pangkat LBRY na nakatuon sa pagbabahagi ng mga talaksan na ngayo'y hindi na umiiral; ang nasabing pahinarya ay kalauna'y pinalitan ng LBRY.tv.[6][9] Gumamit din ang pangkat ng Signal, Discord at Internet Relay Chat (IRC).[3]
Mga disenyo
baguhinAng Deterrence Dispensed ay kilala sa pagbuo at pagpapalabas ng FGC-9, isang praktikal na 3D-printed na karbin na hindi nangangailangan ng mga kontroladong bahagi.[10] Namamahagi din ang pangkat ng mga blueprint para sa mga AR-15 na riple, isang AKM receiver na tinatawag na "Plastikov", balangkas ng pistola, at isang magazine para sa pistolang Glock.[6][10] Pinangalanan ng pangkat ang disenyo ng Glock magazine na "Menendez mag" kay Bob Menendez, isang Amerikanong senador mula sa New Jersey na nagtutulak na magsugpo ang online na pagbabahagi ng mga disenyo ng 3D-printed na armas.[6] Noong 2019 ang grupo ay naglabas ng disenyo para sa isang auto sear, isang bahagi na ginagawang ganap na awtomatikong armas ang isang semi-awtomatikong riple. Tinatawag na "Yankee Boogle", ang pangalan ay isang maliwanag na pagu-ugnay sa meme na boogaloo meme na niyakap ng kilusang Boogaloo at iba pang firearms groups.[11]
Tignan din
baguhin- Defense Distributed sa Wikipediang Ingles
- FGC-9 (uri ng baril) sa Wikipediang Ingles
- Gun control (Pagkontrol sa mga baril) sa Wikipediang Ingles
- Improvised firearm sa Wikipediang Ingles at improbisadong sandatang pumuputok sa Wikipediang Tagalog
- Liberator (uri ng baril) sa Wikipediang Ingles
- Listahan ng mga kapansin-pansin na mga 3D printed na mga armas at bahagi sa Wikipediang Ingles
- Right to keep and bear arms (Karapatang panatilihin at gamitin ang mga armas) sa Wikipediang Ingles
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Defense Distributed – Come And Take It 2.0 Patch" (sa wikang Ingles). 2018-08-26. Nakuha noong 2018-09-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "det_disp". Keybase (sa wikang Ingles).
Code is free speech. Copyright is theft.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 Hanrahan, Jake (2019-05-20). "3D-printed guns are back, and this time they are unstoppable" [Ang mga 3D-printed na baril ay bumalik, at sa pagkakataong ito ay hindi na ito mapipigilan]. Wired UK (sa wikang Ingles).
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kelly, Kim (2020-08-23). "The 3D-Printed Gun Isn't Coming. It's Already Here" [Ang 3D-printed na baril ay hindi darating. Ito ay narito na.]. GEN (sa wikang Ingles). Medium.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 Simpson, John (2020-11-23). "Militant network pushes homemade assault rifles" [Militanteng samahan itinutulak ang mga gawang-bahay na mga riple na pangatake]. The Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-12-06.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 Barton, Champe (2019-07-25). "As Social Networks Crack Down, 3D-Printed Gun Community Moves to New Platforms" [Habang sumusugpo ang mga social network, lumilipat sa mga bagong plataporma ang 3D-printed gun na komunidad]. The Trace (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-01-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Barton, Champe (Agosto 27, 2019). "3D-Printed Gun Group Moves to Tumblr" [Lumipat sa Tumblr ang 3D-printed gun group]. The Trace (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-01-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Brownlee, Chip; Barton, Champe (2021-02-02). "Keybase, a Platform Owned by Zoom, Will Ban Groups Sharing Blueprints for 3D-Printed Guns" [Keybase, isang platapormang pagmamay-ari ng Zoom, ay ipagbabawal ang mga grupong nagbabahagi ng mga blueprint para sa 3D-printed na mga baril]. The Trace (sa wikang Ingles).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Zarebczan, Thomas (2019-12-08). "lbryio/spee.ch@ad87e2b". GitHub (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-01-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 10.0 10.1 Kelly, Kim (2020-05-21). "The Rise of the 3D-Printed Gun" [Ang pag-ahon ng 3D-printed na baril]. The New Republic (sa wikang Ingles). ISSN 0028-6583. Nakuha noong 2021-01-31.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Greenberg, Andy (2020-11-04). "FBI Says 'Boogaloo Boys' Bought 3D-Printed Machine Gun Parts" [Sinabi ng FBI na bumili ang 'Boogaloo Boys' ng 3D-printed na mga bahgi ng metralya]. Wired (sa wikang Ingles). ISSN 1059-1028. Nakuha noong 2021-01-31.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)